Nagising si Cindy dahil sa mahihinang salita na kaniyang nauulinigan, hindi muna siya dumilat at pinakinggan ang mga pinag uusapan ng mga ito.
"Paano natin sasabihin sa kaniya?"wika ng pamilyar na tinig at kung hindi siya nag kakamali ay boses iyon Jego
"Hindi natin pwedeng itago sa kaniya ang totoo, alam natin lahat na mamayang pag gising niya ay si Mike ang una niyang itatanong saatin" wika naman ng babae at boses iyon ni Devin
Nang marinig ni Cindy ang pangalan ng nobyo ay kaagad siyang nag mulat ng mata kasabay ng kaniyang pag bangon mula sa pagkaka higa. Nang maka upo ng maayos ay tsaka niya tinignan ang mga ito.
"Nasa'an si Mike? Ano 'yung narinig ko na hindi ko pwedeng malaman? " matigas subalit mahinahon paring wika niya sa mga ito, subalit nanatili lamang tahimik ang mga ito at tinatansya kung ano ang magiging reaction niya.
"Ano mag salita kayo!, anong tungkol kay Mike? Jego narinig ko kayo, anong tungkol kay Mike, nasaan siya? Maayos naba siya? Mag salita kayo" giit paniya subalit tahimik parin ang mga ito.
"Ayaw niyong mag salita? P'wes, umalis kayo sa harapan ko, pupuntahan ko si Mike baka gising na 'yon at hanapin niya ako" aniya sabay tayo at nang akmang lalabas na siya ay mabilis siyang pinigilan nina Devin at Jego
"Ano ba! Let me go! Bitiwan niyo ako! Gusto kong makita si Mike. Ano ba Jego pakawalan niyo ako. Kung ayaw niyong magka sakitan tayo dito!" Pag wawala na niya, dahil hinawakan siya ng dalawa sa magka bilang kamay niya
"Sorry Cindy pero makakasama ito sa'yo lalo na't nag dadalang tao ka." Saad ni Devin, subalit hindi iyon naunawan ng nag wawalang dalaga at pilit kumakawala sa kamay ng dalawa
"Pakawalan niyo ako sabe! I swear sasaktan ko kayong dalawa kapag naka wala ako" inis na sigaw Cindy sa mga ito.
"Anong nang yayare dito?" Gulat na tanong ni Anne na kakapasok lamang tsaka pinag lipat lipat ang tingin nito sa tatlo
"Anne help---
"Hindi Anne, umalis kana at tawagin mo ang doctor at si Mr Willford" putol ni Devin sa sasabihin ni Cindy
Mas lalo naman naguluhan si Anne dahil hindi alam kung sino ba ang susundin lalo na't napaka talim na tingin ang ipinukol sa kaniya ni Cindy, ngunit nang marinig niyang sumigaw ito ay natata-rantang umalis si Anne at ginawa ang sinabi sa kaniya ni Devin. tsaka niya pinuntahan ang mga kasama
Samantala pumasok naman ang tatlong nurse at isang doctor upang turukan ng pampa tulog ang dalaga, nang matapos ay dumating naman sina Vanessa kasam nito si George. Galing ang mga ito sa room kung nasaan naroon ang asawa ni Paul Santiban na si Sherin pagka tapos nitong mahimatay dahil sa mga nalaman
Nagulat naman ang mga Apollo sa nalamang mag kapatid pala ang asawa ng Mafia Lord at ng Mafia Queen. Ngunit napag usapang sakanila muna ang tungkol sa information na 'yun para narin sa kaligtasan ni Sherin. Lalo na't puntiriya ng mga nang ambush sa kanila ay si Cindy. Maaring idamay ng mga kalaban ang mga tao na malapit at mahal ng mafia Queen, upang gamiting kahinaan sa dalaga.
Samantala pagka tapos mapag usapan ang tungkol sa nangyare ay naisipang puntahan nina Vanessa, Jessa, Devin at Kesha ang kina roroonan ni Mike. Dahil tanging limang mga bantay lamang ang iniwan ruon upang mag bantay sa kanilang kaibigan.
Subalit laking pag tataka nila nang sa pag dating nila ay wala na ruon ang limang mga bantay, kaya naman ay kinuha ni Vanessa ang kaniyang Cellphone upang tawagan ang leader ng limang bantay, subalit walang sumasagot sa kabilang linya kaya nag umpisa na siyang kabahan.
"Vani anong problema? "Naka kunot nuong tanong ni Devin ng mapansin nitong hindi mapalagay ang kaibigan
"Hindi ko makontak 'yung mga tauhan na inutusan kong mag bantay kay Mike."tugon nito
" 'yung doctor nalang na nag asikaso kay Mike ang puntahan natin para tanungin kung kamusta ang kaibigan natin"ani ni Kesha na sinang ayunan naman ng mga kasama
"Mas mabuti panga"tugon ni Jessa
Tinungo na nila ang kinaroroonan ng doctor at kumatok muna sila sa labas ng Pinto
"Yes, bukas 'yan "ani ng nasa loob kaya naman ay pinihit na ni Kesha ang siradura ng pinto at bigla ay napa kunot nuo sila ng mapansing nag mamadali sa pag liligpit ang babaeng doctor
"Doc" ani ni Kesha, mabilis naman itong humarap sa kanila, at nanlaki ang Mata nito kasabay ng pamumutla nito ng makita sila ng doctor
"Doc? It's anything's wrong? "Ani ulit ni Kesha
"Oras naba ng uwi doc? Nag mamadali ka ata" saad naman ni Devin.
"O-oo e-emergency kasi"nauutal nitong sagot
"Okey doc, napa rito kami upang alamin kung kamusta ang kalagayan ng kaibigan namin at nasaang room siya, gusto na namin siyang makita" magalang na wika ni Vanessa kahit napapansin niyang natatakot sa kanila ang doctora
"Sorry, pe-pero sinong pasyente ang tinutukoy niyo?" Ani nito
" pero natatandaan mo naman kami siguro diba? 'yung kasama naming dinala namin kanina 'yung may tama sa likod at batok"ani ni Kesha
"Si-Si Mr Monteregno? Ma-may nag punta ditong matandang babae at nag pakilalang lola raw ng pasyente, nasa Morgue sila upang kunin ang bangkay ng pasyente para ipa cremate "sagot ng doctor at masyadong halata ang mangi-nginig ng boses nito
"Anong nangyayare sayo doc? Bakit parang kinakabahan ka? Ba't ka nauutal? "Ani ni Jessa at tumaas ang kanang sulok ng labi nito.
"So-sorry sobrang nag mamadali kasi ako. Kailangan ako ng pamilya ko" ani ng doctora at sa sobrang pagka taranta ay nahulog na ang ibang gamit nito.
"What do you mean doc? Linawin mo mga pinag sasabi mo! Anong Morgue at anong Cremate pinag sasabi mo?" Seryoso at mapanganib ang bawat tonong sabi ni Kesha.
"I-im sorry pero ginawa na namin ang lahat pero sumuko na talaga ang pasyente" hindi maka tinging sagot ng doctor at bigla ay nagulat ito sa sobrang bilis na kilos ni Kesha dahil mabilis naka lapit ang dalaga at kinuwelyuhan nito ang pang gagamot.
"Sabihin mong nagka mali kami ng narinig, sabihin mong nabingi lang kami! Tama sabihin mo! "Sigaw ni Kesha at sinakal ang doctor
"Kesha! Stop bitiwan mo si Doc, tsaka kana mag wala" ani ni Vanessa tsaka binalingan ang doctora
"Doc, sabihin mo ulit medyo nabingi ata kami"
"I-Im sorry, Mr Monteregno Died two hours ago"pag kumpirma ng doctor sabay pakita ng record book nito kung saan naka sulat kung anong oras namatay ang kaibigan nila.
Buhat duon ay naniwala na sina Kesha at Vanessa pero hindi sina Devin at Jessa. Nababasa nila sa mga mata at kilos ng doctora na nag sisinungaling ito. Nakikita nila ang takot at pag aalinlangan. Kaya naisip nina Jessa at Devin na may mali, sila ang nag dala kay Mike tapos ngayon sasabihin sa kanila na wala na ito at ipina cremate na wala man lang silang ka alam alam.
2:45 AM nang magising si Cindy mula sa malalim na pagkaka tulog. Napa hawak siya sa kaniyang ulo nang maka ramdan siya ng pagka hilo at ang isang kamay niya ay nasa tiyan niya naka hawak dahil sumasakit rin iyon. Ilang sugundo lamang ay hindi na niya pinansin ang sakit na kaniyang nararamdaman bagkus ay nilinga niya ang kaniyang tingin sa kwarto na iyon. Kaya nakita niya sa may gilid ang kaniyang Daddy George naka higa ito sa sofa at natutulog
Napansin niya rin ang kaniyang kaibigan na si Kesha na naka yukyok sa gilid ng kamang kina hihigaan niya, natutulog rin ito, talagang binantayan talaga siya ng kaniyang matalik na kaibigan
Nang maalala niya kung bakit nga pala siya naroroon ay dahan-dahan siyang bumangon at maingat ang bawat habang niya upang hindi maka likha ng ingay. Hindi niya ininda ang sobrang sakit sa kaniyang puson at ulo, bagkus ay nag patuloy parin siya hanggang sa maka labas na siya. Gusto niyang malaman ang kalagayan ng lalaking mahal niya, gusto niyang makita si Mike at mapapanatag lamang ang kaniyang kalooban kapag nalaman na niyang maayos at ligtas na ito. Kaya naman ay nag tungo na siya kung nasaan ang information area upang itanong kung anong room ni Mike
Bago maka lapit ay napa tingin siya sa labas at nakitang napaka lakas ng ulan, bahagyan siyang naka dama ng lamig kaya napa yakap siya sa kaniyang sarili
"Excuse me, Mis itatanong kulang kung nasaan at anong number ng room ni Mike Monteregno" aniya ng maka lapit siya sa dalawang babae
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?"
"Girlfriend "tipid niyang sagot
"Oh I'm sorry Ma'am Mr Monteregno is----
Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin ng may biglang may tumawag sa Dalaga
"Cindy, gash! Nandito kalang pala, bakit ka lumabas?" Nag aalalang sabi ni Kesha at nakita pa ni Cindy kung paano panlakihan ng mata ni Kesha ang mga babaeng pinag tanungan niya. Napansin rin niyang humikab rin ito patunay na nagising lamang ito marahil ay naramdaman nitong wala na siya sa kina hihigaan niya kanina.
//Continue