CHAPTER -9

719 Words
"Kesha, dalhin mo ako kay Mike, gusto ko makita si Mike" mahina subalit buong pakiusap na wika ni Cindy sa kaibigan. Napansin niyang may dumaang lungkot sa mga mata ng kaharap kaya hindi mapigilang kabahan ni Cindy lalo na't napaka tagal tumugon ng kaniyang kaibigan "Kesha naririnig moba ako? Sabi ko dalhin mo ako kay Mike, baka gising na 'yon" pag uulit niya Bumuntong hininga naman ang kaibigan bago nito naibuka ang bibig, subalit nanatili lamang naka buka iyon na para bang merong gustong sabihin subalit hindi lang nito masabi sa kaniya. "Best, ano ammm ano kasi amm--- "Ano Kesha? Anong nangyayari sa'yo? Nalunok mona ba ang dila mo kaya hindi ka maka pag salita" ani ni Cindy at pilit pinapagaan ang kaniyang kaluoban kahit kanina paniya nararamdaman ang sakit na nag mumula sa kaniyang puson "Huwag kang mabibigla, makakasama kasi sa'yo 'tong sasabihin ko, ahmm ano kasi--- "Punyeta! Ano bang nangyayari? May nangyari ba? Ano isa lang ang gusto ko Kesha Dalhin mo ako kay Mike gusto kona siyang makita" sigaw na niya sa kaibigan "Best kasi, ano maupo ka muna tsaka ikalmo mo muna ang sarili mo bago ko sasabihin sa'yo" wika ni Kesha subalit umiling lamang si Cindy at tinignan ng matalim na tingin ang kaibigan "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo best ,hmm kwan kasi si Mike ano kasi--- "Ano ba Kesha Naiinip na ako! Ano bang mahirap sa sinabi ko, ang sabi ko dalhin mo ako kay Mike, pero kung ayaw mo sabihin mo nalang ang Room number niya" singhal niya sa kaibigan, napansin niya ang pag alin-langan sa mukha ng kaibigan at halatang kinakabahan ito. Kaya maging siya ay natatakot narin sa pwedeng sabihin nito. "Kasi si Mike, ammm pano koba 'to sasabihin kasi--- "Dammit! Punyeta Kesha mag salita ka! Ano? Puro ka kasi, kasi kanang kasi! Ano. Nasaan ang room ni Mike dalhil mo ako sa kaniya baka hinahanap na ako nun--- "Wala na si Mike"pikit matang wika ni Kesha ang nag patigil kay Cindy "Anong wala? Nandito siya, diba kasama Karin, tayo ang nag dala sa kaniya dito sa Hospital kaya paanong wala? "Giit pa ng dalaga at pilit na tumawa, hanggang sa unti -unting napapalitan ng pag-iyak ang kaniyang pag tawa "Wala na siya Cindy, Mike is Dead---- "No!,no no no! Hindi! Hindi totoo 'yan" umiiling na sabi niya "Tell me, you're kidding me, right?" Ani paniya, subalit umiling lamang ang kaibigan "Hindi, hindi 'yan totoo nag sisinungaling kalang, nag bibiro ka eh, biro lang diba? Biro lang? Kesha! Sumagot ka! Nag bibiro kalang diba please sumagot ka" sabi paniya at hinawakan sa magka bilang balikat ang kaibigan tsaka ito niyogyog Subalit tanging mahinang pag iyak lamang ang naririnig niya mula sa kaibigan habang umiiling ang ulo nito. Patunay na hindi nga ito nag bibiro. "Totoo Cindy Wala na siya, sinabi rin ng kaniyang doctor na bago siya ipina cremate ay dinonate ang kaniyang puso at mata, 'yun ang sinabi ng doctor na umasekaso kay Mike, tsaka kinuha ng matandang Monteregno ang labi bago pina cremate----- "Hindi! Hindi hindi totoo 'yan hindi! Nag sisinungaling kalang Kesha, mahal ako ni Mike, hindi niya ako iiwan, mahal niya ako "umiiyak na sabi niya habang sunod sunod ang pag iling niya ng kaniyang ulo. "Cindy please bumalik na tayo baka mapaano kapag, Nurse---Cindy! " hindi na naituloy ni Kesha ang kaniyang sasabihin ng bigla na lamang tumakbo palabas ang kaibigan. Habang si Cindy naman ay patakbo sa ilalim ng malakas na ulan habang siya ay umiiyak at sinisigaw ng kaniyang isip at puso ang pangalan ni Mike. Hindi niya ininda ang sakit ng kaniyang puson at dahil madaling araw na ay may mga sasakiyan naring dumaraan. "Mike!" Sigaw niya subalit tinatangay lamang ng malakas na ulan at hangin ang kaniyang boses, maging ang kalangitan ay nakiki dalam-hati narin at naki iyak narin dahil sa sobrang lakas ng pag buhos "Ahhh! "Muling sigaw niya at hindi niya alam kung alin sa dalawa ang kaniyang hahawakan, ang kaniyang puso ba na durog na durog o ang kaniyang Puson na halos ika pang hina na niya dahil sa sobrang sakit. Hanggang sa unti-unti nalang manlabo ang kaniyang paningin at bago paman niya maipikit ang kaniyang mata at tuluyang matumba sa kalsada ay naaninag paniya ang isang lalaki na patakbo palapit sa gawi niya. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD