CHAPTER -10

1756 Words
"Kaya pala baliw na baliw si Kuya Mike sa babaeng 'to mula nuon at hanggang ngayon, talagang napaka ganda niya" buong pag hangang wika ni Binata na tumulong kay Cindy. FLASHBACK! Papunta na sana siya sa hospital upang puntahan ang kuya Mike niya dahil isa sa mga tauhan nito ang nag report sa kaniya, kahit napaka lakas ng ulan dahil may bagyo sa araw na iyon ay wala siyang pakealam, ang mahalaga sa kaniya ay malaman kung ano ang kalagayan ng kaniyang kuya Mike, subalit habang nasa daan ay natanaw niya ang isang babaeng tumatakbo, napaka familiar sa kaniya ng babae kaya hininto muna niya ang kaniyang kotse malapit lang dito dito upang aninagin ang mukha nito, basang basa ito at nag kalat narin ang buhok nito sa mukha nito kaya hindi niya makita ng maayos ang mukha ng babae. Hanggang sa nag hintay siya ng ilang sandali at hindi nga siya nabigo dahil nakita niyang inangat ng babae ang ulo nito at tumingala sa kalangitan kasabay ng pag sigaw nito. Kitang-kita niya ang pag hihinagpis ng babae at sa tanawin na iyon ay nakumpirma na ng kaniyang isipan kung anong nangyare "Cindy" mahinang sambit niya sa pangalan ng babae at tama nga siya kilala niya ito dahil lagi itong kinukwento sa kaniya ng kaniyang kuya Mike at puro larawan ng babae ang silid ni Mike kaya nakita na niya ang mukha ng babae at hindi nga siya pwedeng magka mali ang nobya ng kaniyang kuya Mike ang kaniyang nakikita ngayon. Bigla ay napa kunot nuo siya ng makitang hindi balanse ang pagkaka tayo ng babae at mukha itong matutumba na. kaya mabilis siyang lumabas ng kotse at walang pakealam kung mabasa man siya ng ulan. Bago paman tuluyan ng mawalan ng Malay ang babae ay kaagad niya itong nasalo. END FLASHBACK! Mataman lamang naka titig si Jhomar sa magandang mukha ng babaeng natutulog sa kaniyang harapan, para siyang bata na naka pangalumbaba habang siya ay naka upo sa tabi nito. "Para kang Anghel, anghel na may pangil este may buntot" ani ng binata sabay subo ng chocolate at nanga-lumbaba ulit. Kanina paniya hinihintay ang pag gising ng dalaga at hindi naman siya naiinip lalo na't aliw na aliw siya panuorin itong matulog. Lahat alam niya tungkol kay Cindy dahil kahit nung mga bata pa lamang sila ng kaniyang kuya Mike ay lagi itong kinukwento ang tungkol kay Cindy. At hanggang sa maging nobya na nito ang babae ay laging bukam bibig parin ng kuya Mike niya ang tungkol sa nobya nito. Kaya kilalang kilala at alam na niya ang tungkol dito. Natigil lamang siya sa pag tingin sa babae ng maagaw ang kaniyang pansin sa biglaang pag tunog ng doorbell, inaasahan na niya ang pag dating ng tao na nasa labas kaya dali dali niyang tinungo ang pinto upang pag buksan iyon. "Mr Willford, tuloy ho kayo" aniya ng mapag buksan niya ang heneral "Where's my daughter? And who are you, where did you get my mobile number?" "I'm Jhomar Cassa Sir, ako ho ang tumulong sa anak niyo at hindi na importante kung saan ko ho nakuha ang mobile number niyo" magalang na sagot ng binata Nakuha niya ang number nito dahil marunong siyang mag Hack ng kahit na anong gadget, at nakuha niya sa dating phone ni Mike ang number nito kahit naka lock ay nakaya parin niyang buksan "Anong nangyari sa anak ko? At bakit naka suot siya ng pang lalaki? " nag tatakang wika ng matanda "Pardon Sir, mga kasama bahay ko ang nag bihis sa kaniya at damit ko ang pina suot sa kaniya, walang malisya sir" ani ng binata at balewalang kumagat sa hawak niyang Chocolate Kasalukuyan silang naka tayo habang naka tingin sila sa wala paring Malay na dalaga. Sobrang awang-awa si George para sa panganay niyang anak, hindi niya rin mapigilang mangamba lalo na't posibleng bumalik na ang dating Cindy ngayon wala na si Mike "Medyo bumaba narin ang lagnat niya, sabi ng private doctor na tumingin sa kaniya ay dumaranas siya ngayon ng matinding Depression naging sanhi kaya siya nakunan. Matapos mag pasalamat ni Mr WillFord sa binata ay binuhat na nito ang wala paring Malay na talaga upang e uwi na ito. Naiwan namang naka tulala lamang si Jhomar habang naka tingin sa kamang kaninang kina hihigaan ng dalaga. Muli ay pumasok sa kaniyang isipan ang mga sinabi sa kaniya ni Mike bago nito sunduin ang nobya sa Airport FLASHBACK! " Utol where are you?"aniya ng tawagan niya sa video call si Mike at napansin nga niyang nag mamaneho ito "Papuntang Airport, remember anniversary namin ngayon ni Cindy, kaya ngayon ang balik niya, bakit ka napa tawag? Hulaan ko, may kailangan kana naman no" naiiling na sabi sa kaniya ni Mike habang naka tuon ang pansin nito sa pag mamaneho "Yup, alam na Alam mo talagang may kailangan ako" natatawang sabi niya "Syempre, kilalang kilala kita Jhomar mula sa kasuluk sulukan ng apdo at bituka mo, so anong kailangan mong gunggong ka?" ani sa kaniya ni Mike na ikina ngiti naman niya, talagang hindi talaga siya mahihindian nito. Wala Pa siyang hiniling at hiningi dito na hindi nito naibigay sa kaniya. Lahat ng gusto niya at hingiin o hiramin niya dito ay malugod naman nitong binibigay sa kaniya, mula pagka bata nila ay napaka mapag bigay nito sa kaniya kaya kahit hindi sila magka dugo ni Mike ay ramdam na ramdam niya ang pag mamahal nito bilang isang kapatid at kaibigan. " may date kasi kami ni Zera ,bago kong syota, hihiramin kolang ang Yate mo at gagamitin korin ang rest house mo sa Palawan" aniya " 'yun lang ba, sure tinaimingan mong nasa mood ako g*go" ani ng kuya Mike niya "Thanks utol" aniya "Anything for you utol, by the way meron rin akong gustong hilingin sayo tol. firstime kong humiling sayo, kaya huwag mo ako tatanggihan" ani sa kaniya ni Mike at bigla itong sumeryoso. Napa kunot nuo naman siya, dahil tama nga naman ito, never patong humiling o humingi sa kaniya ng pabor, kaya ngayon ay nag tataka siya at mukhang napaka importante ng sasabihin nito sa kaniya. "Sure why not utol, ikaw Pa malakas ka saakin eh, ano ba'yun? Kukunin moba akong bestman sa kasal niyo ni Cindy ,aba hindi ako tatanggi diyan---" Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang mag salita ito sa napaka seryosong tono. "Just promise me, na kahit anong mang-yare ay hindi mo papabayan si Cindy, kung sakali mang may mangyare saakin masama, mamaya, bukas o sa makalawa, I don't know, sa trabaho namin tol ay daig Pa namin ang mga sundalo halos araw araw may kalaban kami, kaya hiling kolang sayo kung sakali mang bumalik ang dating Cindy ay pilitin mong pasayahin siya, bantayan at protektahan mo siya sa abot ng makakaya mo" seryosong sabi sa kaniya ni Mike na ikina kunot nuo naman niya. "Ano bayan para ka namang namama alam niyang samantala ngayon araw mo balak mag propose---- "Promise me tol" giit pa nito END OF FLASHBACK "damn ito naba yung sinasabi ni Kuya Mike? Heck! Hindi pa ako handa, nako ano bang alam ko ,sh*t kaya pala ganuon maka pag salita ang mokong nayun kahapon. Parang nahuhulaan nitong may mangyayare sa kaniya " mahinang sabi ni Jhomar "Pero paano koba pro-protektahan ang Cindy nayun, eh sa kwento palang saakin ni Kuya e mukhang mas ako Pa ata ang ang proprotektahan ng babaeng yun. nasa malalim na pag iisip si Jhomar ng biglang tumunog ang kaniyang Cellphone ,kaagad niya iyon kinuha sa ibabaw ng lamesita at napa kunot nuo siya ng makitang unknown number ang tumatawag. "Hello" aniya "Hi Jojo " ani ng hindi pamilyar na boses ng babae "Who's this?" Aniya at narinig naman niyang umawa ang nasa kabilang linya. "Kung Prank caller ka, huwag mo akong pag tripan buwisit!" Inis na sabi niya at akmang papatayin na sana niya ang tawag subalit bigla na lamang niya narinig ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya. "Jojo, JoJo anak, tulungan mo ako--- "Tahimik! Punyeta! " sabi ulit ng boses ng babae dahilan upang mapa tigil ang boses ng kaniyang ina. "Mama!, hey sino ka? Anong kailangan mo? Tangna huwag mong sasaktan ang mama ko" namumula niyang sabi. "Hahhaha kahit kailan talaga napaka masunurin at uto-uto mo parin bata. Simple lang naman ang gusto ko, pumunta ka sa mansyon at mag usap tayo ng personal Jhomar, hindi ka pwedeng tumanggi kundi malamig na bangkay nalang ng mama mo ang makikita mo" ani ng nasa linya. "Donya Mitsin?" Gulat at hindi maka paniwala niyang sabi. Siya lang naman ang bukod tanging Tao na kumakausap sa kaniya ng ganuon. "Mabuti naman at nakilala mo kaagad ako bata, sige hihintayin ko ang pag dating mo" ani ng nasa linya at ibinaba na ang tawag. GEORGE POV nasa kwarto ako ngayon ng panganay kong anak habang mataman lamang na naka tingin sa kaniya, dalawang araw na siyang natutulog at sobrang nag aalala na ako Dalawang araw narin mag mula ng malaman kong wala na si Mike at hindi parin ako maka paniwala sa balita na 'yon. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayare ngayong alam na ni Cindy ang tungkol sa pagka matay ni Mike. At natatakot ako sa pwedeng mangyare lalo na't posibleng bumalik na siya sa dati. "Sir may nag hahanap ho sa inyo, Sherin raw ang pangalan" wika ng kasambahay ko, bigla ay nabuhayan naman ako ng lakas ng loob ng malamang nandito ang ang isa kopang anak, ang anak namin ni Evelyn nag tungo na ako sa Sala at duon ay nakita ko ang bunso kong anak na nakaupo lamang sa pahabang sofa habang hinihintay ako Habang nag uusap kami ni Sherin at saglit lamang kaming nagka iyakan dahil sa pag tawag niya saakin ng Daddy, sapat upang maging masaya na ako kahit may kinaka harap parin akong problema sa panganay kong anak. Pagka tapos niyang kamustahin ang kalagayan ni Cindy ay nag paalam narin ito, at ng maka alis ay ilang dandali lamang ay bigla na lamang ako naka rinig ng malakas na pag sigaw mula sa kwarto ni Cindy. Kaya mabilis akong tumakbo patungo ruon at ganuon na lamang ang laking gulat ko dahil pag pasok ko palamang ay nakita kong nag sisisigaw ang kasambahay ko habang may naka tarak na kutsilyo sa binti nito kaya napa tingin ako sa gawi ni Cindy at ganuon na lamang ang pagka gulat ko ng makita ko ang anak ko na may hawak na tinidor habang sinasaksak nito ang kanang palad nito //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD