"The Mafia Queen is back" pag babalita ni Vanessa sa mga kasama, ilang araw na ang lumipas mag mula ng ibalita ni George Willford sa organization ng mafia world ang tungkol sa pag balik ni Cindy, ang dating Cindy na kinakatakutan ng lahat.
Kasalukuyang nag tipon tipon ang mga mag kakaibigang Apollo sa penthouse ni Jego Sandoval
"So pano na ngayon 'yan kakalabanin naba tayo ni Cindy? Dahil naka limutan na niyang mga kaibigan niya tayo" saad ni Kiel
"Hindi na niya tayo kilala bilang kaibigan niya, ang alam niya lang ay kasapi tayo sa labing apat na grupo."wika ni Vanessa
"Kung ganon magiging kalaban narin natin siya" wika ni Jego
"Hindi, hindi natin kakalabanin ang grupo ni Cindy. Makiki pag usap ako sa kaniya. At ipapakita ko ang prove ng pakikipag isa niya sa grupo natin. "Ani ni Vanessa ang Queen of Apollo group
"sh*t panuorin niyo 'to!" Gulat na wika ni Sebastian sa mga kasama sabay lapag nito ng hawak na ipad sa ibabaw ng lamesa
"iniisa isa na ni Cindy ang bawat grupo, talagang demonyo na siya Vanessa, Hindi na ako magugulat kung isang araw ang grupo naman natin ang isunod niya" ani ni Romuel habang napapa ngiwing pinapanuod ang mga taong dumadaing sa sakit dahil may mga laslas ang mga pulsuhan ng mga ito, habang ang iba naman ay wala ng buhay dahil mga laslas narin ang leeg ng mga ito.
Pinapanuod nila ang nangyare sa isang Taniyag na kilalang Casino kung saan madalas pumupunta ang ibang grupo at mayayamang tao na gustong mag laro at mag payaman pa. Halos lahat ng mga tao ruon ay kung hindi pulsuhan sa kamay ay sa leeg naman ang laslas ng mga ito at iisang tao lamang ang pwedeng gumawa ng ganun walang iba kundi ang maka sarili at walang pusong si Cindy.
"Hindi niya tayo kalaban at hindi natin siya kakalabanin, gawin natin ang lahat upang bumalik ang mabait at may pusong Cindy ang cindy na kaibigan natin. "Ani ni Vanessa habang hindi parin inaalis ang tingin sa pinapanuod, naka dama siya ng awa para sa mga taong inosenteng nadamay na walang awang ginilitan ni Cindy sa leeg at karamihan ay wala ng buhay
"Paano natin gagawin 'yun baka nakatayo palang tayo sa harapan niya tapos sa isang iglap lang ay wala na pala tayong buhay, para mo narin sinabing mag pagka matay kami Vanessa " naka kunot nuong wika ni Paulo
Pagka tapos ng mahabang pag uusap ay kasalukuyang nasa Underground si Vanessa na pag mamay ari ng grupo ni Cindy. Hindi siya madaling naka pasok ruon dahil kinailangan paniyang dispatsyahin ng tahimik ang mga tauhan na naka bantay
Naka suot siya ng kulay itim lahat upang hindi siya mapansin sa gabi maging ang mukha niya ay naka takip rin at tanging mata lamang niya ang nakikita.
Haharapin niya si Cindy, para sa kaniyang mga kaibigan at mga tauhan. At para narin ipakita kay Cindy na hindi sila kalaban nito.
Naisip niya ang mga sinabi ng kaibigan at tama ang mga ito. Posible ngang baka isang araw ay gulatin nalang sila ni Cindy upang Pag papa-patayin. At iyon ang hindi pwedeng mang-yare
Pag pasok niya sa loob ay tahimik niyang pinag babaril ang mga tauhan nito gamit ang silent guns niya sa magka bilang kamay, hanggang sa maka rating siya sa kaniyang pakay.
Nakita niyang naka upo si Cindy habang nilalaslas nito ang sarili nitong braso at halos mapa ngiwi siya sa nakikita dahil hindi na niya nakikita ang maputing braso nito. Kundi tanging duguan nitong braso lamang ang kaniyang nakikita. Hindi mapigilan ni Vanessa ang maka ramdam ng kaba, lalo na ng dahan dahan ibinaling sa kaniya ni Cindy ang tingin nito.
"Makakasama sa'yo 'yang ginagawa mo sa sarili mo mauubusan ka ng dugo" hindi mapigilang sabi ni Vanessa, kahit demonyong Cindy na ang babaeng nasa harapan niya ay ito parin ang Cindy na naging kaibigan nila nuon.
"Sh*t! "Mura ni Vanessa ng hagisan siya ni Cindy ng limang maliliit na Double blade knife, mabuti na lamang ay mabilis siyang naka hilag kundi tatama talaga sa mukha niya ang mga iyon
"Tsss magaling ka humilag huh" malamig na sabi ni Cindy tsaka nilabas ang samurai nito na laging naka sukbit sa likod nito.
Hindi naman mapigilang mapa lunok ng sariling laway ni Vaness habang naka tingin sa kumikinang na matalas na bagay na 'yon.
"Nagka mali ka ng pinasukan, dahil hindi kana makaka labas ng buhay dito" malamig at madiing sabi ni Cindy tsaka nito sinugod si Vanessa
"Fvck! Cindy pumunta ako dito hindi para maki pag laban, danm pumunta ako dito para maki pag usap sayo" ani ni Vanessa habang patuloy sa pag ilag sa bawat pag atake ni Cindy. Konting maling kilos lang niya ay paniguradong mahahati ang katawan niya dahil napaka talim ng sandata nito
"Tsss lumaban ka, huwag kang duwag" ani ni Cindy habang patuloy parin sa pag atake kay Vanessa
"Hindi laban ang ipinunta ko dito Cindy Sh*t itigil mona 'to" ani ni Vani tsaka tumambling papunta sa likod ni Cindy at sinipa niya ito sa likod
"Sorry! Ayaw kitang kalabanin kaya itigil mona 'to" ani ni Vanessa ng matamaan niya ng sipa ang likod ni Cindy maging ang mukha nito.
Subalit nginisihan lamang siya nito na animoy parang demonyo at walang balak itigil ang sinimulan nitong laban.
"Titigil lang ako kapag napatay na kita" ani ni Cindy at kamuntikan na niyang mapugutan ng ulo si Vanessa, mabuti na lamang ay baka pag tambling paatras si Vani subalit ang suot naman niyang bonet ang nahiwa ni Cindy kaya lumantad ang kaniyang mukha.
"Owh ang Queen of apollo pala ang bumisita saakin, ngayon walang dahilan para buhayin pa kita. Kaya lumaban ka" ani ni Cindy na ngayon ay may hawak ng dalawang Samurai Katana.
Hindi naman alam ni Vanessa kung paano ba niya makaka usap ang dalaga gayung disidido talaga itong patayin siya
Samantala wala naman paki ramdam si Cindy at wala siyang gustong gawin kundi ang hiwain ng tatlong beses ang katawan ng babaeng kaharap. Lalo na ng makilala niya kung sino ito, lahat ng labing tatlong grupo sa Organization ay gusto niyang ubusin lahat at para siya nalang kasama ng kaniyang mga tauhan ang nag iisang pinaka maka pangyarihan sa buong bansa, bilang isang Mafia Queen gusto niyang sakaniya lamang sumunod ang lahat, siya lang ang kinaka takutan at sinasamba ng lahat
Naka ready na siyang umatake at ng akmang itatama na niya ang hawak niyang Katana sa binti at Braso ni Vanessa na ngayon ay naka tayo na sa kaniyang balikat. Hindi niya napag handaan ang mabilis na kilis ni Vanessa basta nama layan na lamang niyang sa bilis ng pag tambling nito ay naka patong na pala ito sa kaniyang Balikat habang siya ay naka luhod ang isang tuhod niya habang naka sentro sa binti at balikat ni Vanessa ang kaniyang katana.
Kaya kung hindi ito aalis duon ay masasaksak niya ito. Subalit ng akmang gagalaw na ito at siya naman ay naka handa na upang saksakin ito ay may bigla na lamang sumigaw dahilan upang siya ay mapa hinto. Kaya naka baba ng mabilis si Vanessa sa isang pag tambling lamang at bago ito maka baba ay malakas muna siya nitong sinipa sa mukha, dahilan upang mabitawan niya ang isang hawak niyang katana.
//Continue