Kabanata 1

1784 Words
Kabanata 1 NAKAILANG timpla na ng kape si Filia ngayong gabi. Malalim na ang eyebags niya't panay na ang kanyang hikab ngunit kapag humihiga naman siya upang subukang matulog, nagigising din ang diwa niya dala ng inis dahil sa mga bulaklak na hindi nabayaran. Nasira na nga ang araw niya, nagkautang pa tuloy siya kay Hades nang wala sa oras. "Bwisit naman kasi. Ang yaman-yaman hindi nagbayad!" gigil niyang asik habang mariing pinipindot ang mouse ng kanyang laptop. Nang mapatingin sa poster ng crush na crush niyang si Rukawa ay bumuntonghininga siya. "Sandali na lang 'to. Promise ko sa'yo kapag nahanap ko ang account ng kumag na 'yon, tatapusin ko ang natitirang episodes." Hades laughed on the other line. Muntik pa niyang makalimutang magka-video call sila dahil tinutulungan siya nitong maghalungkat sa internet. "Alam mo, mamsh? Hindi ka talaga makakapag-asawa kung ang standard mo sa lalake ay gawa sa tinta at papel o kaya ay 2D. Mukha ngang malaki ang note sa screen pero hindi ka naman kayang warakin," ani Hades. "Walang pakialaman ng standard. Hanapin mo 'yong lintik na may utang sa'kin nang mabayaran ko rin ang utang ko sa'yo," asik niya bago nanggigigil na pinindot ang backspace para makapagtipa siya ng panibago sa search bar. She's been looking up Sorrel's account on f*******: for hours now. Kaya lang dahil sikat pala sa kababaihan ang binata dahil modelo ng underwear brand at galing sa kilalang pamilya, napakarami ring pekeng accounts na naglipana sa internet. Hirap na hirap siyang i-trace ngayon ang account nito para masingil. Hindi rin naman daw kasi ito kaagad namukhaan ni Hades dahil mas yummy raw ito sa personal. Ang alam lamang ni Hades ay pamilyar ang gwapo nitong mukha. Gaano ba kasi kaabala si Filia sa buhay at hindi man lang niya ito nakilala? Ni isang billboard ba nito ay wala siyang nakita o sadyang wala lang siyang interes sa mga lalakeng naka-brief sa naglalakihang larawan ng mga ito sa EDSA? "Next time, mamsh, siguro alamin mo muna sino ang client ni Ma'am Jodi at Ma'am Dolly," paalala ni Hades bago humikab. "Oh, siya. Bukas na kita ulit tutulungan. Magbu-beauty rest muna ako at may date ako bukas." Hindi na lamang siya umalma. Ayaw rin naman talaga sana niyang makaistorbo rito. She just waved goodbye then ended the call as soon as Hades said good night. Napabuntonghininga siya matapos niyang patayin ang tawag. Saan ba niya hahanapin ang lintik na Sorrel Trillano na iyon? Wala naman din siyang mapala kay Dolly dahil wala itong gaanong alam tungkol kay Sorrel. All Dolly knows is that Sorrel is a Trillano. And that he's a womanizer. Sabi naman sa ilang article ay ito umano ang sakit ng ulo na myembro ng pamilya Trillano. Ilang beses na itong natulog sa police station dahil tuwing nalalasing ay nagtatawag ng gulo. Sorrel insisted on the interviews that he just protected himself. Ito raw ang nilalapitan ng mga babaeng may kasama palang nobyo kaya ito napapa-trouble. Filia scratched her forehead. Malapit na talaga siyang sumuko kung hindi lang siya nakahanap ng screenshot ng story nito sa IG. Naniningkit ang mga matang inilapit ni Filia ang mukha sa screen para lamang mabasa ang pagkaliliit na letra. She then read his username out loud without realizing what it means. "Sorrelnotsorry." She rolled her eyes after realizing what his username says. "Oo nga naman. You're not really sorry. Kumag ka. Tinangay mo pa sapatos ko." Padabog niyang dinampot ang bowl ng dried fruits saka kumain sandali. Maya-maya ay tuluyan niyang pinadalahan ng chat ang binata, ngunit nang lumipas ang trenta menutos at wala pa rin itong reply, tinadtad na niya ang mga post nito ng comment. She was so eager to get his attention so he would finally pay her that she reached his very last IG post. Maya-maya ay nag-notify na nag-post ang binata ng bago nitong IG story. Filia decided to check it out. Kuha iyon sa isang party club na halos sampung minuto lamang ang layo mula sa kanyang apartment. He even mentioned that he's at the place at the moment. Nagtatawag pa nga ng gustong maki-party rito. She checked the time then sighed. Tumingin siya sa poster ni Rukawa at nagsalita. "Babalik ako kaagad, promise. Tatapusin ko ang episodes. Maniningil lang ako." Tumayo na siya at nagsuot ng knitted pullover na kulay puti. Pinaresan na lamang niya iyon ng pantalon at rubber shoes. She tied her curly hair on a messy bun then went out with her purse and phone. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa dance club ngunit nang akmang papasok na siya ay hinarang siya ng bouncer. Umawang ang mga labi ni Filia. "Uh, excuse me? Maliit lang ako pero wala na ako sa kalendaryo." The bouncer scanned her. "Bawal ang suot mo sa loob." Napakurap siya. "Paanong bawal? Maayos naman ang suot ko--" Natigil ang sinasabi niya nang may pinadaan itong grupo ng kababaihang halos magsiluwa na ang mga dibdib dahil sa suot na hapit na damit. She suddenly understood why the bouncer said she's dressed inappropriately. Mukha pala siyang manang! Filia scratched the back of her ear. Mukhang malas yata talaga siya ngayon! Ano bang mayroon ang lintik na Sorrel na iyon at tila magmula nang magpanagpo ang mga landas nila ay nagkandamalas-malas siya? She sighed. Akmang aalis na sana siya dahil mukhang wala namang pag-asa na makapasok pa siya sa loob ng club, ngunit bago pa man nagawang pumasok ni Filia sa taxi'ng nag-aabang sa harap ng club ay isang pamilyar na bulto na ang tila nagmamadaling lumabas ng lugar. Sorrel almost tripped on the velvet rope on his way out. Panay ang tingin nito sa likod na tila may iniiwasan. Nagmamadali naman itong nilapitan ni Filia saka niya ito hinatak sa braso. "Hoy! Bayaran mo ko!" bungad niya sa binata saka akmang iaangat ang kamay para iduro ito ngunit sumabit ang manggas ng damit niya sa mamahaling wrist watch ng binata. She tried to remove it but the string seemed to be trapped between the parts of his watch. Meanwhile, Sorrel looked really wasted. Halos hindi na nito maimulat pa nang maayos ang mga mata nang titigan siya nito. He didn't even seem to recognize her. He just scanned her from head to toe before he looked over his shoulder. May lumabas roong babae na tinatawag ang pangalan nito gamit ang napakatinis na tinig. "Tangina ka, Sorrel! Sinungaling ka talaga! Sorrel!" The woman shouted louder while looking for him. Nang mapatingin sa kanilang direksyon ang galit na babae ay ganoon na lamang ang gulat ni Filia nang tumakbo ang lintik na si Sorrel, ngunit dahil nasabit ang manggas ng damit niya sa relos nito ay muli itong napahinto. Seems like Sorrel just realized what the problem is. Ngunit dahil may nais itong takasan ay bigla na lamang siyang pinasan ng lintik na parang sako ng bigas. He tried to run, ngunit dahil lasing ang binata at susuray-suray ay natumba sila sa sumunod na kanto. Filia groaned. Nakalas nga ang manggas ng kanyang damit ngunit naumpog naman ang pang-upo niya sa semento! "Hayop ka! Ayaw mo na ngang magbayad, magdadagdag ka pa ng pagkakagastusan ko!" she snarled. Pilit na tumayo si Sorrel. Para hindi makatakbo ay dali-dali ring tumindig si Filia saka niya inangat ang dalawa niyang braso na para siyang nakikipag-basketball sa lasing na si Sorrel. Tila napipikon naman itong nagkamot ng ulo habang hirap na panatilihing nakatindig nang maayos ang sarili. "W-What do you want, hmm?" he asked. Halos pumikit na ang mga mata dala ng kalasingan. Nagpamaywang si Filia habang mataray itong tinititigan. "Magbayad ka na ng nasira mong bulaklak! Isama mo na rin 'yong sapatos kong hinagis ko sa kotse mo no'ng tinakasan mo ko!" His brows furrowed. Maya-maya ay inangat nito ang hintuturo na tila nais siyang iduro. "That's you. That cute, grumpy girl." He scoffed. "Okay. I will pay you now." Hooh! Muntik na yatang mapakanta ng Hallelujah si Filia! She smirked. "Mabuti naman. Akin na ang bayad nang makauwi na ako at manonood pa ko." Inilahad niya ang kanyang palad at naghintay na maglabas ito ng pera ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Filia nang bigla nitong ikinulong ang kanyang mukha sa magkabila nitong palad saka siya hinalikan sa mga labi. Her eyes popped open, her heart pounded wildly, and her thoughts suddenly gone on a haywire. Hindi siya kaagad nakakibo dala ng gulat. Nang matauhan siya ay kaagad niya itong itinulak saka niya ito sinapok. "Manyak! Bakit mo ko hinalikan?!" she shouted. Sorrel massaged his cheek she just smacked before he smirked. "I just paid you. With my kiss." Parang puputok yata ang mga ugat ni Filia sa kunsumisyon. "Ano namang akala mo sa labi mo? Ginto? Hoy! Hindi pawnshop 'tong bibig ko!" Sorrel grinned. "Ah, witty hmm?" He pats her head twice. "Don't worry. My kiss is expensive. Consider me generous enough to give you one--" Naputol ang sinasabi nito nang tila biglang naduwal. Napakunot naman ng noo si Filia habang pinanonood ito. "Sorrel--" He held onto her shoulders as he became more and more nauseated. Maya-maya ay ganoon na lamang ang gulat ni Filia nang bigla itong sumuka sa kanyang puting damit. Her eyes widened and her lips formed the biggest O it ever made in her entire life as Sorrel threw up. Halos manigas din ang kanyang katawan, at nang natapos ang lintik na sumuka, tuluyang napigtas ang pasensya ni Filia. Her fists clenched, her eyes narrowed, and her teeth gritted out of fury. Next thing she knew, she's already strangling Sorrel on the sidewalk. Ngunit ang lintik na lalake, nagawa lang siyang tulugan nang gano'n-gano'n na lang! "Lintik ka, gumising ka at bayaran mo ko! Hoy! Hoy, Sorrel!" She smacked Sorrel on the face out of anger but the son of a b***h just woke up for a second then fell asleep again. Nagngingitngit ang mga ngipin niya tuloy itong hinawakan sa kwelyo at niyugyog. Parang tumama pa nga ang likod ng ulo nito sa semento ngunit umungol lamang ang lintik bago humilik. Nauubusan na talaga siya ng pasensya kaya sinapok na niya ito. Nang hindi ito nagising ay muli niyang iniangat ang kanyang nakakuyom na kamao para sana suntukin itong muli ngunit bago pa man niya nagawa ay narinig na niya ang ingay ng mobil ng pulis. Filia froze on her spot while still sitting on Sorrel's toned tummy. Nagsilabas ang mga pulis at tinutukan siya ng baril. "Lumayo ka sa lalake, Manang at itaas mo ang mga kamay mo," said one of the officers. Muntik na yatang magsiakyat lahat ng dugo ni Filia sa kanyang ulo sa narinig. Her eyes twitched as she slowly lifted her hands in the air against her will. Manang?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD