Kabanata 2

1585 Words
Kabanata 2 "SIR! SIR, maniwala kayo. Sinisingil ko lang ho 'yang kumag na 'yan pero hinalikan ako, eh kaya nasapak ko! Kusa lang din siyang nahiga sa gilid ng kalsada kaya pilit kong ginising!" paliwanag ni Filia sa mga pulis nang bitbitin sila patungo ng presinto. Nagtinginan ang mga pulis. Tila hindi naniniwala sa mga dahilan niya. Alin ba roon ang hirap ang mga itong paniwalaan? Iyon bang sinisingil niya si Sorrel? Iyong humiga ito sa kalsada? Oh baka naman iyong hinalikan siya nito? One of the officers sighed. Isinama siya nito sa harap ng desk at doon pinaupo. The officer had her narrate everything. Ganoon din ang ginawa kay Sorrel noong nahimasmasan na ito. Napaka-unfair nga dahil binigyan ng mga ito ng kape si Sorrel habang siya, ni tubig ay hindi siya inalok! "Madam," tawag ng pulis sa kanya nang mahuli siyang tinititigan nang matalim si Sorrel. Filia inhaled a sharp breath then looked at the officer. "Ma'am ho. Twenty eight lang ho ako at wala akong asawa." "Hindi ho halata," biro ng pulis. "Na wala akong asawa?" "Na twenty eight lang kayo," nakangisi nitong sabi. Mahinang tumawa si Sorrel na nakaupo sa tapat niya. "Mukhang eighty two na mainit ang ulo dahil tigang," gatong nito sa pulis. Her teeth gritted. Sa inis niya ay natadyakan niya ito sa bandang binti. The moron groaned then pointed at her. "Anong pwede kong ikaso sa babaeng 'to? She's been harassing me all night," ani Sorrel sa pulis. Napaawang ang mga labi ni Filia. "Ikaw pa ang may ganang magsabing hina-harass kita?! Hoy! Kung hindi mo sinira ang arrangements ko, hindi tayo aabot dito!" Tumingin siya sa pulis. "Ako dapat ang magsampa ng kaso diyan, eh! Damage to properties at theft!" "Theft? Puta, anong theft?" salubong ang mga kilay na tanong ni Sorrel. "Tinangay mo 'yong isang sapatos ko no'ng tumakas ka at hindi nagbayad!" Sorrel scoffed. "Miss, ipapaalala ko lang na ikaw ang naghagis ng sapatos mo sa sasakyan ko. That cannot be considered theft. Saka hindi ko nga napansin 'yong sapatos mo sa sasakyan ko. Malas mo. I didn't f**k anyone in my car so I didn't notice." Halos magngitngit ang mga ngipin ni Filia sa inis. "Hindi ko ihahagis kung sana nagbayad ka na lang! Lalong hindi ako magpupuyat nang ganito at sasayangin ang oras ko sa isang kagaya mo kung sana binayaran mo ang bulaklak ko!" "What flower are we talking about again? You mean the literal flower or your withering flower between your thighs?" Her eyes twitched out of anger. "Bastos! 'Yong mga bulaklak na sinira mo sa simbahan ang tinutukoy ko!" "Oh, that. Well . . ." Sorrel flashed a meaningful smirk. "I already did, didn't I? Oh, baka naman kulang pa 'yong binigay ko kanina? Hindi kita type pero willing naman kitang patulan." Tuluyang napitik ang pasensya ni Filia. Nandilim ang paningin niya sa sobrang galit sa lalaki. Next thing she knew, she's already calling Hades to bail her out. Siya na nga itong nangunsumi nang husto kay Sorrel, siya pa itong nasampahan ng kaso! Hades came with his green facial clay still on. Naka-pink pang roba kaya halos hindi maseryoso ng mga pulis habang pinapyansahan siya. "Naku, Mamsh. Baka mamaya maging issue sa mga coordinator itong kaso mo. Isipin bayolente kang tao," ani Hades habang papalabas sila ng police station. Bumuntonghininga siya. "Bahala na. Saka kilala naman nila ako, eh. Ngayon lang naman nangyari 'to." "Bakit mo naman kasi binasagan ng itlog si Sorrel? In-upper cut mo pa. Kamag-anak ka ba ni Pacquiao?" natatawa nitong tanong. Sinimangutan niya ang kaibigan. "Huwag mo na akong asarin. Stressed na ko." Humagikgik na lamang ito kahit masyadong malalim ang boses. Para tuloy niyang narinig ang tawa ni Gru sa Despicable Me. She withdrew some money then paid Hades back for the bail money. Isinama na rin niya iyong sa inabono nito sa mga bulaklak na nasira ni Sorrel. Nang makauwi siya ay kaagad niyang tiningnan ang savings niya. Filia sighed. Bawas na naman ang ipon niya . . . Isinara na lamang niya ang kanyang laptop saka siya nagtungo ng banyo upang maligo. She then went straight to bed and hoped that everything will turn out okay for her after this whole mess. And for Sorrel Trillano to be struck by lightning . . . "GET UP, you good-for-nothing!" galit na sabi ng ama ni Sorrel matapos nitong alisin ang comforter na tumatakip sa kanyang mukha. Sorrel tried to cover his still sleepy eyes when his Dad opened the blinds, letting he sun light up his room. Inis siyang naupo at tiningnan ang kanyang ama. "Ano na naman ba, Dad?" "Ano na namang dahilan kung bakit nasa presinto ka na naman?! Kalalabas lang sa'yo ni Dashian sa presinto no'ng isang linggo!" Sorrel cracked his neck while his eyes were shut. "That's nothing. There's just some coo-coo woman who got me into trouble." "Babae. Babae na naman ang dahilan." Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "When will you ever grow up?!" He faked a smirk to annoy his father. "Last time I checked, I'm already thirty two." Namula ito sa galit. "Thirty two. You think you grow up by blowing candles every goddamn year?! Ubos na ubos na ang pasensya ko sa'yo, Sorrel." His father raised a finger. "You're gonna start working under your brothers. I don't give a damn if they'd give you a low-paying position. It's time for you to become responsible or else--" "Or else what?" hamon niya. "Or else I'm gonna accept the Maravillas' offer to set you up for marriage with one of their daughters." He scoffed. "You can't do that. You will never have me in a suit and tie to marry someone." "Oh, trust me. I can." Naglakad na ito patungo ng pinto. "Get your ass downstairs in ten minutes or I'll confiscate your cards and your keys. Huwag mo akong subukan, Sorrel. I can ban you in every bar and club." Inis na inis siyang umalis ng kama at dumiretso ng banyo upang maligo. Hindi naman sa natatakot siya sa tatay niya pero alam niyang pupwede nitong gamitin ang alas nito laban sa kanya para mapapayag siyang magpakasal. Kaya kahit na ayaw niyang sumunod sa ama ay napilitan siyang pumunta sa opisina ng nakatatandang kapatid. "Rule number one, don't give me a headache," seryosong sabi ni Dashian habang naglalakad sila patungo sa opisina nito. Unlike him, Dashian is more serious about life. Sorrel thinks Dashian had the oldest child syndrome that's why Dashian had always been an achiever since they were young. Matalino at seryoso sa pagtulong sa kanilang ama na mapalago ang real estate business ng pamilya nila. Ganoon din ang pangatlo sa kanilang magkakapatid na si Gabrius. Even Primrose who is the youngest was pretty hardworking and goal-oriented. Siya lamang ang tanging naligaw ng landas. "Are you listening to me?" tanong ni Dashian. "Yup. Every word," sagot niya habang nakatitig sa malaking puwet ng isa sa mga empleyadong nadaanan nila. He wasn't paying attention at all. Panay ang gala ng mga mata niya sa magagandang empleyado kaya ipinukpok ni Dashian ang cellphone nito sa kanyang bunbunan nang mahuli siya nitong nakikipagtitigan sa isa sa mga empleyado. "Rule number two, don't f**k any of my employees," asik ni Dashian. Hinimas na lamang ni Sorrel ang bunbunan niya saka siya bumuntonghininga. He followed his brother inside the large office then went straight to the couch. "Mind if I have some of your whisky?" he asked. Sinamaan siya ng tingin ni Dashian. "Rule number three, no drinking during work hours." "Boring," he murmured before he looked around his brother's office. "Have you ever f****d anyone here? Seems like a great place to drill someone or have an orgy." Dashian grunted. "I will not be surprised if you'll someday die because of sexually transmitted disease. All you do is drink, party, and f**k women here and there." Ngumisi siya. "What can I do? God gifted me with a large torch. Gotta bless as much women as I can." Disappointed na umiling ang kapatid niya. Maya-maya ay may dinampot itong folder sa desk nito saka ito lumapit sa kanya. Dashian threw the folder on the coffee table. "That's gonna be your task. You have to convince the property owners to sell you their lands. We're gonna strip everything to the ground and build the condominium building there." Binuksan ni Sorrel ang file kahit na wala siyang ganang sundin ang utos nito. "This is a lot of people and I'm gonna be the only one to convince them?" "Let money talk. We've already made a survey. Majority of the owners are willing to sell their properties to us as long as our offer will increase by ten percent. There's just one owner who would probably decline to give up her property regardless of how much we'd offer her. If you're gonna be able to convince her, I'll tell Dad myself to give you the only thing you want." Dashian flipped the pages inside the folder then pointed the photograph on the page where he stopped. Nang matitigan ni Sorrel ang babaeng nasa larawan at may-ari ng Filia's Flower Shop and Arrangements ay kusang gumuhit ang makahulugang ngisi sa kanyang mga labi. "This is the one giving you a pain in the ass?" he asked. "Yeah. Why?" Sorrel licked his lower lip. "Oh, I know this woman." Hinimas niya ang kanyang panga na masakit pa rin hanggang ngayon. "And I am so gonna make her pay . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD