Kabanata 3

1468 Words
Kabanata 3 UNANG ring pa lamang ng alarm clock ni Filia ay para na siyang robot na bumangon. She did some stretching on the bed then walked like a zombie towards the bathroom. Matapos maghilamos at magsepilyo ay nagsuot na siya ng kanyang workout clothes. She wore her earbuds and did a thirty-minute run while the Sun isn't up. Pagkatapos mag-ehersisyo ay bumalik na siya sa flower shop. Nasa itaas lamang ng kanyang pwesto ang maliit niyang tinutuluyan na tila isang bachelor's pad. Kaya isang kembot lamang ay kaya na niyang magbukas ng shop na ipinamana sa kanya ng Lola Ludivina niya. Her life and daily routine may seem boring, but she loves it. Hindi niya kailangang makipagsiksikan sa ibang pasahero, nakakapagkape siya kapag gusto niya, at wala siyang ibang iniisip kun'di ang shop niya. To her, this is life. This is living. People may not understand it, but this is everything she wanted. "Magkape na tayo, Filia," bati ng matandang lalake na may-ari ng katabi niyang pwesto habang inaayos niya ang signage sa labas ng shop niya. Filia smiled. Isa ito sa kakarampot na taong binibigyan niya ng ngiti sa araw-araw. Kaibigan kasi ito ng yumao niyang Lola kaya kung ituring siya ay para na ring pamilya. "Sige po, Mang Johnny," aniya bago lumapit sa matandang lalake. Naglalagay ito palagi ng foldable table sa labas ng pwesto nito na patahian ng mga damit. Naging parte na ng routine nila ang magkape sa umaga at panoorin ang kalsadang unti-unting mapuno ng mga sasakyan. "Filia, naalok ka na rin ba?" tanong nito sa kalagitnaan ng pagkakape nila. "Naalok po ng ano?" "Itong lugar natin, pinagkakainteresan. Malaki-laki ang alok na halaga." Iniangat nito ang tasa. "Hindi ba ay may pinag-iipunan ka? Baka iyon na ang kasagutan." Bumuntonghininga siya. "Pero hindi ko ho pwedeng ibenta 'tong pwesto. Nangako ako kay Lola na palalaguin ko ho ang flower shop. Saka 'yong pinag-iipunan ko ho, para rin ho 'yon sa mga plano ko sa shop." Balak kasi niyang bumili ng lupain na pwedeng gawing flower farm. Gusto niya sanang magkaroon siya ng sariling supply bago siya mag-asam na makapagpatayo ng iba pang branch. "Naiintindihan ko naman 'yon, Filia pero matanda na rin itong mga pwesto natin. Kaedaran pa nga namin ng lola mo ang bawat pader," ani Mang Johnny. "Kahit na ho. Mahal na mahal ho ni Lola itong pwesto namin kaya kahit ano hong mangyari, hindi ko ho ito bibitiwan." Besides, she loves their neighborhood. This is where she grew up. Everything around is familiar to her, and the thought of leaving it behind feels scary. Inubos niya ang natitirang laman ng tasa saka siya tumayo. "Pasok na po ako, Mang Johnny. Salamat po sa masarap na kape." Nakangiti itong tumango. Tinalikuran na rin niya ito saka siya pumasok sa kanyang pwesto. She went to the counter and checked her to to list. Nag-confirm na rin siya ng orders bago niya sinimulan ang arrangements ng pang-alas dies na pick up. Filia was in the middle of arranging flowers when the door opened. Kaagad siyang tumingin sa direksyon ng pinto. Handa na sanang bumati sa kung sino man ang pumasok. Ngunit nang magpanagpo ang tingin nila ni Sorrel ay kaagad na gumuhit ang inis sa kanyang mukha. Lalo na noong nakita niya ang nakabubwisit na ngisi ng lalake. "Anong ginagawa mo rito? Magbabayad ka na ba?" asik niya. Naku, ang aga-aga sira na kaagad ang araw niya! Sorrel smirked before he finally shut the door. "I brought you doughnuts and coffee." Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi ako tumatanggap ng doughnut at kape bilang pambayad sa mga bulaklak at sapatos ko." "Nah, sweetheart. These are just . . . how do you call it?" He clicked his tongue. "Ceasefire offering?" Her eye nearly twitched. Hindi lang pala ito makunat na antipatiko. Bobo rin pala! "Peace offering 'yon." She glared at him. "Hindi kasi paganahin ang ulo sa taas," she murmured. "Ah, peace offering ba." He chuckled in a sexy way. "God, you're making me fall for you. Type ko pa naman ang matatalino." "At ayoko sa bobo." Nagpamaywang siya. "Magbayad ka na at lumayas!" Sorrel sighed. "Okay, look. I'm trying to make it up to you. Maybe you could give me a chance? Babayaran naman kita but in one condition." "Ay, wala akong pakialam sa mga kundisyon-kundisyon mo na 'yan! Bayaran mo na ang mga nasira mong bulaklak at tapos ang usap! Ayaw ko nang makita 'yang pagmumukha mo!" Ngumisi ito. "Why? Afraid that you'd fall for this face?" "Fall?" She scoffed. "The only thing that's gonna fall on that face is my steel bucket kapag hindi ka pa rin nagbayad!" Umiiling na bumuntonghinina si Sorrel. Lumapit ito sa counter at inilapag doon ang kahon ng doughnuts at ang tasa ng kape mula sa mamahaling coffee shop. He then brought out his wallet and pulled some blue bills from it. "There. Is that enough?" he asked after he placed the money on top of the doughnut box. Naniningkit ang mga matang nilapitan ni Filia ang counter. She started counting the money before she looked at Sorrel again. "Kulang pa," she hissed. Sorrel whistled. "Mahal pala ng bulaklak mo." He laughed softly as if he meant something else. Filia's lips pursed. Her nostrils nearly flared out of irritation. "Bayaran mo na ang kulang." "Labor na lang ibabayad ko sa kulang. Ako na lang ang magiging assistant mo. For sure I could attract a lot of customers anyway." He smirked. "You can print posters of me, too. Mahal ang TF ko but I can offer my service for free." Umirap siya rito. "Hindi pwede. Baka mamaya sandamakmak pa ang masira mong bulaklak--" Naputol ang sinasabi niya nang isang ginang ang pumasok at nagtanong kung mayroon silang binibentang bulaklak para sa patay. Sasagutin na sana niya ito ngunit ang lintik na si Sorrel, bigla na lamang nagbida-bida. Nagpa-tour pa nga sa mga koleksyon ng bulaklak na naka-display na animo'y sales clerk sa isang shopping center! The elderly woman seemed very fond of Sorrel. Humahagikgik pa dahil sa mga biro at pang-uuto ni Sorrel. "Ikaw naman, sixty five na ako next month!" anang ginang nang biruin ni Sorrel. "You better stop lying, lady. I know you're only in your forties," muling banat ni Sorrel na nakapagpaikot sa mga mata ni Filia. Humagikgik ang ginang. "Sige na nga, bibilihin ko na ang mga available na bulaklak." Natigilan si Filia. "L-Lahat ho?" "Yes, everything that's available." The woman pinched Sorrel's cheek. "And I will certainly come back to buy more from this cute guy." Ngingisi-ngising tumingin sa kanya si Sorrel. Inirapan lamang naman niya ito saka niya sinimulang iayos ang mga bulaklak na bibilihin ng ginang. Meanwhile, Sorrel entertained the elderly lady. Panay ang biro nito sa ginang kaya halos hindi namalayan ng ginang ang oras. Pagkatapos mabayaran ang mga bulaklak ay ihinatid pa ito ni Sorrel sa sasakyan nito. He even waited for the woman's car to leave before he walked back inside the shop. May malapad na naman itong ngisi. He even wiggled his thick eyebrows with an 'I-told-you-so' expression written on his face. "Ayos ba, boss?" Inirapan ito ni Filia. "Fine. You wanna work for me to pay-off your balance?" Kinuha niya ang mop at pabalang na ibinigay kay Sorrel. "Simulan mo na." Sorrel smirked as he accepted the mop. "You know, I think you can be cuter if you'd smile often." She pursed her lips and narrowed her eyes on him. "Wala akong pakialam sa pagiging cute. Ang gusto ko katahimikan ng buhay. 'Yong walang bwisit na gaya mong umaaligid." Sorrel faked a sigh. "Parang mahirap 'yan, bossing." He smirked. "Maraming bwisit sa mundo. Hindi nga lang lahat kasing gwapo ko." Inirapan na lamang niya ito saka siya bumalik sa counter para bilangin ang perang ibinayad ng matandang babae. Bahala na kung tumaas ang dugo niya kay Sorrel basta mapataas din niya ang benta niya. Papagurin na lamang niya ito sa kauutos nang kusa na itong lumayas. "Bossing," tawag ni Sorrel habang nagbibilang siya ng pera. "Oh?" "Palanghap ako ng bulaklak mo minsan." Her face turned red as she looked at him. "Manyak!" "Ha? Manyak?" He laughed. "Ano bang bulaklak ang naisip mo?" He picked up a rose from the reject bucket then sniffed it. "Ito ang ibig kong sabihin." Naningkit ang mga mata niya nang makita ang pagpipigil nito ng ngisi. Sa inis niya ay pabalang niyang isinara ang kaha saka siya nagmartsa palabas. "Oh, saan ka pupunta?" Sorrel asked. She looked at him with a sharp gaze. "Diyan sa pharmacy. Bibili ako ng amlodipine bago pa ako mamatay dahil sa'yo," she hissed before she finally went out of the shop with the grumpiest face she'd ever had. Filia sighed. She swears Sorrel Trillano would soon be the death of her . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD