Kabanata 1: First Encounter

2304 Words
MARISSE REZALDE POV:) "Brixie, tingnan mo o! May baby crab! So cute naman!" Tawag ko sa kaibigan ko sabay turo sa maliit na crab na nasa buhanginan. Tinigil naman ni Brixie ang paglalangoy sa dagat at umahon. Lumapit naman kaagad ito sa kinaroroonan ko. "Wow! Ang cute nga!" Manghang bulalas naman nito. Siya si Brixie Callejo, anak ni Tito Brix at Tita Tanya. Kasing edad ko lang siya at mag-kaklase din kami. Napaka-mahinhin niya at minsan lamang siya umiimik pag kinakailangan. "Ano 'yang tinitingnan n'yong dalawa?" Boses lalaki na lamang na sumulpot kahit saan. Nakilala ko naman ang lalaking ito. "Kuya Randall!" Bulalas ko nang makita ito."May baby crab kami nakita!" Nakangiting sabi ko. Tiningnan naman nito ang tinutukoy ko."Ahhh..." Walang emosyon sa mukha na patango-tango lamang na sabi nito. Siya si Randall Develia, anak ni Tito Louis at Tita Mirah, pinsan namin ni Kuya Ax. Kung sa ugali, tahimik ito at minsan bossy magsalita. Palaging salubong ang kilay, akala mo may galit sa mundo. Sa pagiging bossy nito, siya na ang parang leader sa magbabarkada nilang apat. Malimit lang siyang tumawa, pero mas madalas talagang naka-salubong ang mga kilay niya. Sobrang bad boy na bad boy ang datingan ni Kuya Randall, bukod kasi sa parang galit siya, palagi nakataas 'yong manggas ng shirt niya sa may braso. Nagmumukhang maambog siya na parang may susugurin na kaaway. Mabilis naman may humakbay kay Kuya Randall. "Ano 'yang pinagkakaguluhan n'yo?" Tanong ng lalaking bagong dating. Nakilala ko naman kaagad ito. Siya si Kuya Brylix, Brylix Callejo. Panganay na kapatid ni Brixie. Sobrang opposite sila ng ugali ng kuya niya. Ito naman ay maingay at madaldal. Sa sobrang daldal nito, ginagamit niya ito para mang-akit at maka-close ng isang magandang babae. In short, chickboy siya. Hindi nagsalita, tinuro lang ni Kuya dito ang crab na nakita ko. Nagsilapit na din ang dalawa dito para makita ang pinagkakaguluhan namin. "Ano 'yan?" Tanong naman ni Kuya Ax. Nandito na nga ang kapatid kong suplado at no. 1 enemy sa buong buhay ko. Siya si Lance Maxwell Rezalde alias 'Ax'. Hindi ko na siya ipapakilala sainyo, basta pangit ugali niya. Pwe! "Crab po!" Si Brixie na sumagot dito. "Akala ko kung ano na. Hayy! Sinayang n'yo oras ko," boses naman iyon nang isang kuya namin."Tara mga pre! Punta tayo doon!" Imbes yaya niya sa mga dito. Siya naman si kuya Kaiser Sarmento, anak nila Tito Kieffer at Tita Alexis. Pareho sila ni Kuya Brylix ng ugali, chick boy. Pero kahibaan nga lang, pinapaasa niya ang babae. Sasabihan ng mga flowery words pero trip lang niya pakiligin ito at paasahin. "Sige!" Sabay namang payag ni Kuya Ax at Kuya Randall. "Di wow!" Pamimilosopo ko sabay tirik ng mata. Bago sumama na din si Kuya Brylix sa mga kaibigan, nakangiti pa ito sa akin nang makita ang pamimilosopo at pagtataray ko sa kaibigan nilang si Kuya Kaiser. Natatawang ginulo muna nito ang buhok ko bago ito tumalikod at sumama na sa mga kaibigan. "Ano ba?! Hindi trapo ang ulo ko para punasan ng kamay!" Maldita kong sabi dito sabay hirap at nag-cross arms na lamang. Palagi talaga ginagawa ni Kuya Brylix na guluhin ang ulo ko, sinasadya niyang gawin iyon para inisin ako. "Tingnan mo, Marisse. Andyan na siguro 'yong isang kaibigan nila mommy at daddy natin, si Tito Lloyd." Sabay turo ni Brixie sa cottage kung saan sila mama. Nakita ko naman na may lalaki ngang di pamilyar ang itsura sa akin na kausap nila mama. Mukhang iyon na nga ang sinasabi nila na kaibigan nila mama at papa na nasa ibang bansa. Kasama nito ang anak para magbakasyon dito sa pilipinas. "Tara! Puntahan natin!" Yaya ng best friend ko. "Mauna kana, CR muna ako," "Sige." Naglakad na nga ako para tumungo sa CR. "Saan ka pupunta?" Rinig kong tawag ni Kuya Ax, kasama ang mga kaibigan di kalayuan sa kinaroroonan ko. "CR lang ako, kuya." Tango lamang ang natanggap kong sagot mula dito. Pagkatapos nagmamadaling tumakbo na nga ako papuntang CR. Pagkarating ko ng CR, pumasok kaagad ako sa loob. Hindi ko sinarado ang pinto at bahagyang nakasara lamang iyon ng kaunti. Pag nagsi-CR kasi ako, di ko sinasarado ang pinto. Natatakot kasi ako baka may multo o magmulto sa akin. Binaba ko na nga ang short na pang swimming ko sabay upo na ng toilet. Doon ko na sinimulan ilabas ang wiwi ko. Natigilan na lamang ako nang makarinig ng ingay, ingay na nanggagaling sa labas. Kinabahan na nakakita ako ng anino na dumaan sa kung saan ako nagsi-CR. Parang sa horror, mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang bumalik ang isang itim na anino at nasa harapan na ito ng pintuan na kung nasaan ako. Bumukas na lamang iyon na dahilan napasigaw ako sa takot. "Ahhh!" Papasok na sana ito sa loob pero hindi nito tinuloy dahil sa pagsigaw ko. Gulat na gulat na nakatingin ito sa akin habang nanlalaki ang mata. "Sorry!" Tarantang sabi nito sabay labas kaagad. Saka naman nagsidating sila mama. Tarantang tumayo kaagad ako sa pagkakaupo ng toilt."CR 'to ng pambabae! Bastsos!" Sabay padabog na sinara ang pinto. "Sorry. Di ko kasi napansin," rinig kong sabi nito. "Bastos! Manyak!" Narinig ko naman nagsitawanan sila mama. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi. Bakit sila tumatawa? Ano nakakatawa na napasukan ako ng isang lalaki sa isang CR? ***** "Anak, kumain kana. Huwag kana mag-sungit diyan. Nangyari na kaya wala kanang magagawa." Hinawakan naman ni mama ang kamay ko at hinili palapit sa kanya. Malditang nagsusungit pa rin habang nakatingin sa kabilang direksyon na binuhat ako ni mama at pinaupo. Lahat na nandito sa cottage, busy na sila sa kani-kanilang pagkain. Ako nalang itong hanggang ngayon, naiinis at nagtatampo pa rin sa kanila. Ano ba nakakatawa sa nangyari kanina? Bad 'yon, 'di ba? Napatingin na lamang ako sa kabilang lamesa. Di kalayuan, nakita ko 'yong batang naka-hood na nanilip at nangbastos sa akin. Nang makita niyang naniningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya, agad itong nagtago sa likuran ng kanyang papa. "Sinisigurado ko, hindi magiging maganda ang bakasyon mo dito. Tsk!" Mahinang bulong ko. "May sinasabi ka ba, Marisse?" Tanong na lamang ni mama. "Wala po," Kumuha na nga ng plato si mama para sa akin at siya na nag-desisyon kung anong pagkain ang ilalagay niya doon para sa akin. Nilapag ni papa ang kanyang plato sa mesang gawa sa kawayan at naupo sa tabi ko. "Ah," sabi nito. Tiningnan ko naman ang kutsarang hawak nito. Nakita kong Maja Blanca iyon na maraming mais. Alam ni papa na paborito ko ito at gusto ko ang maraming mais. Sinikap pa ni papa na alisin ang mga mais para dito. Kahit kailan, hindi ako binigo ni papa. Alam niya ang mga gusto ko. Kinain ko naman ang pinapakain nito sa akin. "Isa pa?" nakangiting tanong nito sa akin. Tila nawala ang inis mode ko nang matikman ko ang paborito ko. Nakangiting tumango-tango ako."Masarap po, papa!" "Pa, Ma, maliligo na po kami," paalam ni Kuya Ax nang lumapit ito sa amin. "Tapos na ba kayo kumain?" imbes tanong ni mama sabay lapag na ng plato na inihain niyang pagkain para sa akin. "Opo, nag-share kami sa isang plato ni Brylix." "Sige, huwag kayo pupunta sa malalim ah?" payag ni papa. "Opo!" Pagkatapos tumakbo na nga si kuya paalis."Tara na!" Yaya niya sa mga kaibigan at sabay-sabay na pumuntang dagat habang may dala-dalang bola si Kuya Kaiser. Sinubuan ulit ako ni papa at kinain ko naman iyon. Habang ngumunguya, tiningnan ko ulit sila kuya na tumigil sa paglalakad at parang may pinag-uusapan sila. Maya-maya na-gets ko naman kung ano iyon. Lumapit sila sa kinaroroonan ng anak ni Tito Lloyd at mukhang yayayain nila ito para makipaglaro. Syempre, makipagkaibigan na rin. Di ko narinig ang pinag-usapan nila pero pinilit ni Tito Lloyd na sumama 'yong anak niya kila Kuya para makipaglaro. Walang nagawa, sumama nalang ito. Kita ko ang pagkailang nito kila Kuya, tango-tango lang ito habang kinakausap siya ng mga ito. Natural lang ba talaga na mahiyain siya? Ngayon lang akong nakakita ng lalaking mas babae pa ngayon? **** Lahat kami naglalaro na sa beach nila Brixie at nila kuya, nagpapasa-pasa ng bola. Lakas ng tawanan namin dahil dito samantala sila mama naman, nagkakantahan ng videosingko sa cottage. Nung si papa na kumanta, napatigil kami sa paglalaro dahil narinig na naman namin ang napaka-gandang boses ni papa. "Ganda talaga ng boses ni Tito Ax," turan ni Brixie, katabi ko. "Syempre! Papa ko 'yan!" Pagmamayabang ko. Proud ako sa papa ko, lahi talaga kami ng magagaling. Joke! "Ampon ka lang!" Pagbibiro ni Kuya Ax sa akin. Nagsitawanan naman sila. Naningkit ang mata na tiningnan ko naman ito."He!" Pa-singhal kong pagmamaldita dito."Tara, Brixie! Doon tayo. Madaming feelingerong guwapo na namang gumagambala dito." Yaya ko sa kaibigan ko na may halong paririnig ang sinabi. Lumayo nga kaming dalawa ng kaibigan ko. Akala mo marunong lumangoy kahit nasa mababaw lamang kami. Ginagaya ko pa 'yong langoy ng aso ng mga oras iyon para makalayo sa mga magkakaibigang unggoy na ito. "Huwag kayo masyadong lalayo, Marisse, Brixie! Baka di namin kayo mamalayan, nalulunod na pala kayo!" rinig kong sigaw ni Kuya Brylix. "Opo, kuya!" Sagot naman ng best friend kong si Brixie. Nang medyo nakalayo na kami sa mga dito, napansin ko namang nakatingin di kalayuan ito sa isang direksyon. "Hindi ata sanay 'yong anak ni Tito Lloyd sa mga tao," sabi nito."Tingnan mo, mag-isa siyang nakaupo doon. Parang pinapanood lang tayo na naglalaro dito o masyadong gusto lang niya mapag-isa at hindi sanay sa maingay." Tiningnan ko naman ang taong tinutukoy nito. Totoo ngang mag-isa itong nakaupo sa isang tumbang niyog, malayo-layo sa kinaroroonan ng cottage namin. Mukha ngang naiingayan siya at hindi siya marunong makipagsama. Ang alam ko, nilapitan na ito kanina nila Kuya Ax, bakit hindi pa rin ito sumasama sa kanila? Loner talaga ata 'to? Kahit mainit sa pinas, nnaka-jacket ito plus naka-hood ba. Hindi ba nakakaramdam ng init ang taong ito? "Marisse! Brixie!" Rinig kong tawag ni Kuya Randall sa amin. Sabay naman kami napatingin sa mga kinaroroonan ng mga ito. Nakita kong umaahon na ito sa tubig para bumalik na sa cottage. "Tama na daw sa pag-swimming. Magbanlaw na daw tayo!" Sulpot ni Kuya Ax. Nag-unahan naman kaming umahon ni Brixie halos nagtatawanan pang nagtutulakan pa kaming dalawa. Habang bumabalik na ang lahat sa cottage, nakita ko namang iniwan nila kuyang palutang-lutang sa dagat ang bolang binili namin. Bumalik naman ako at lumusong ulit sa dagat para kunin iyon. Maabot ko na sana ang bola pero pagkadampi ng hintuturo ko, nag-bounce ito palayo. Hinabol ko ulit ito para kunin. Hindi ko namalayan na napapalayo na ako at nakakapunta na pala ako sa malalim. Nawala na sa isip ko ang peligro na maaring mangyari sa akin. "Ah!" sigaw ko nang biglang lumakas ang alon ng tubig at tinangay ako. Dali-daling pinagpapadyak ko ang kamay at paa ko para maiahon ko ang sarili ko satubig. Pagka-ahon, madiin na nakakuha ako ng hangin. Para akong mamamatay kanina dahil muntikan akong malagutan ng hininga. Akala ko magiging okay na ang lahat pero kasamaang-palaf dinadala ako ng tubig pailalim sa dagat. Hindi ko na rin maramdaman o maapakan ang lupa sa ibaba ng mga paa ko. Doon ko napagtando na nalulunod na ako ng oras iyon. "Tulong---" mabilis na tinakpan ako ng malaking alon na dahilan napunta ulit ako sa ilalim. Sinikap ko pa rin makaahon sa tubig kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako marunong lumangoy."Mama! Papa! Tulo---ng!" Tinakpan ulit ako ng malaking alon at this time, wala na akong lakas para maka-angat pa ulit. "Maligo na kayo, Ax, ng kapatid mo. Ito 'yong tuwalya n'yo." Si mama. Kinuha naman ni Kuya dito ang tuwalya."Nasaan ang kapatid mo?!" Tarantang tanong kaagad ni mama habang hawak ang pink na tuwalya para sa akin. Tiningnan naman ni mama ang paligid at nakita nito na wala ako. "Brixie, si Marisse?" Tanong ni kuya Ax dito. "Ah? Kasama ko 'yon kanina---" di napatuloy sasabihin nito nang sumigaw si Tita Mirah. "Si Marisse! Nalulunod!" Sabay-sabay naman tumingin ito sa dagat at nakita nila akong pilit humihingi ng tulong gamit ng pagwagayway ko ng kamay. "Marisse!" Sigaw ni mama. Dali-daling tumakbo si papa papuntang dagat para iligtas ako. Sumunod na din sila Tito at doon nagsimulang humagulgol ng iyak si mama. Hindi na rin mapalagay sila Kuya Randall at Kuya Ax kaya sumunod na din sila kila papa pati na rin sila Kuya Brylix at Kuya Kaiser. Sa sobrang pagkabigla, para nang nawala sa sarili si mama. Hindi alam ang gagawin, tumatalo-talon ito habang umiiyak. Pagkarating agad lumusong sila papa sa dagat para iligtas ako. Pinipilit pa ring galawin ang mga kamay at paa, pero unti-unti na akong lumalayo sa taas at hinihila pababa. Nanghihina na ako at wala na kong lakas para lumaban ulit. Nawawalan na ako ng hininga at nawalan na rin ako ng pag-asa ng mga oras iyon. Naiisip ko na lamang ng mga panahon na iyon ay kung mabubuhay pa ba ako o ito na ang huli at katapusan ng buhay ko. Himala na lamang na may tumulong sa akin ngayon. Umaasa pa rin ako na may isang taong sasagip sa akin. Madami pa ang gusto kong gawin sa buhay at gusto ko pang maramdaman at maranasan pero wala na akong magagawa dahil ito ang kapalaran ko. "Mahal na mahal ko kayo, mama, papa at kuya. Sorry sa pangit kong ugali. Mahal na mahal ko kayo..." sa isip kong turan at tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko. Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, nakita ko pa ang isang anino, anino ng isang tao na lumalangoy papunta sa akin. Bago tuluyang mahimatay ako ay naramraman ko pang hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Hindi ko na din alam ang nangyari ng mga oras iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD