Kabanata 2: Train to Love

1741 Words
MARISSE REZALDE POV:) Nagising na lamang ako nang sumuka ako ng maraming tubig. Umubo na umubo lamang ako sabay napabangon sa pagkakahiga halos inalalayan pa ang ulo ko ni Papa na siya ang nag-CPR sa akin. Nang makita ng lahat na nakaligtas ako sa bingit ng kamatayan, sabay-sabay itong nag-sign of the cross at nagpasalamat sa panginoon. Bakas sa mukha ng lahat ang takot na ngayon napalitan ng ginhawa at pag-asa sa kani-kanilang pakiramdam. Agad naman lumuhod si mama at naiiyak na niyakap ako. "Baby ko, I'm sorry! Naging pabaya si mommy. Mahal na mahal kita, anak, Marisse." Lumuluhang wika nito. "Mommy," sambit ko lamang at niyakap rin ito. Pagkayakap, nakita ko namang nakaluhod na din si Kuya Ax at walang eskpresyon ang mukha na nakatingin lamang ito sa akin. "Kuya?" Sambit ko habang nakatingin sa kapatid ko. Binitawan naman ako ni mama at binalingan nito ng tingin si Kuya Ax. Hinihintay naming magsalita si kuya pero nakatingin pa rin ito sa akin na walang ekspresyon sa mukha. Akala ko papagalitan niya ako dahil sa ginawa ko pero... Instead, niyakap niya ako na kinagulat ko. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakita o ngayon lang ginawa ni kuya sa akin nito. Akala ko hindi niya ako gustong maging kapatid dahil palagi niya akong inaaway at binabara sa tuwing nagsasalita ako pero ramdam ko sa yakap niya ang pagmamahal at pag-aalala sa akin. "Sorry, hindi ko nagampanan ang pagiging kuya ko sa'yo. Promise, hindi na mauulit 'to..." madamdaming wika ni kuya. "I love you, Kuya Ax..." Binuhat na ako ni papa para idala sa cottage. Sumunod na ang lahat sa amin at walang tigil sa pagpapasalamat sa diyos si Tita Mirah dahil nakaligtas ako. Napatingin na lamang ako sa di kalayuan, nakita kong nakaupo sa buhanginan ang lalaking nanilip sa akin sa CR. Basang-basa ito na para bang lumusong ito sa tubig. Hingal na hingal ito na tila bang parang pareho kami nalunod nito. Sandali? Nalunod din ba siya? Kailan siya lumangoy? "Are you okay?" Tanong ni Tito Lloyd sa anak nito habang hawak niya ang balikat nito. Di sumagot, tumango lamang ito. Nakangiting niyakap siya ng kanyang ama sabay taptap pa ang likod nito. Nawala na lamang ang atensyon ko sa mag-ama nang magsalita si papa. "May masakit ba sa'yo?" Umiling naman kaagad ako."W-wala po." Habang buhat ako, hiniga ko na nalang ang ulo ko sa dibdib ni papa hanggang makarating kami sa cottage. ****/// "Ano ba nangyari? Okay na ba ang apo namin?!" rinig kong boses ni Lola, ang nanay ni mommy sa kabilang linya ng telepono. Nandito lamang ako sa cottage, nakaupo at ginawa kong cover sa katawan ko ang tuwalya. Hindi pa ako nakakaligo mula nangyari ang kanina, tulala pa rin ako at hindi pa masyado makausap nila mommy at daddy. Dahil na rin sa nakakatakot na nangyari sa akin kanina. Hindi na ako sumali sa kasayahan ng lahat dahil nagka-trauma na ako sa tubig. Kami lang ni mommy at daddy naiwan sa cottage. Nawala na rin ang momentum nila para magsaya ngayong araw, kung hindi lamang nangyari iyon. "Huwag kayong mag-alala, okay na po si Marisse." Mahinahong sagot ni mommy kay Lola. "Naku, naku! Sige na, pakainin nyo na si Marisse. Tanghali na, gutom na ang apo ko. Pati si Ax ah? Mahal na mahal ko 'yang mga apo namin." "Opo." Pagkababa ng tawag, saka naman lumapit sa akin si mama. "Anak? Gusto mo kumain ka muna o maligo ka muna?" "M-maligo po m-muna po..." nauutal kong saad. Nanginginig pa rin ako sa takot, sariwa pa kasi sa akin ang nangyari kanina. "Hinanda ko na 'yong pamalit ng damit ni Marisse, Wifey." Kinuha naman ni mommy 'yong damit na prine-pare ni daddy. "Salamat, Hubby." Pasalamat naman niya dito."Let's go, baby." Inalalayan naman ako nito bumaba sa pagkakaupo. Hawak ni mama ang aking kabilang kamay na naglakad na kami papunta sa paliguan dito sa beach. Pagkarating namin sa paliguan, naabutan namin doon si Tito Lloyd, nakatayo at inaantay nitong matapos maligo ang anak nito. "Salamat, Kuya Lloyd dahil---" di naman napatuloy sasabihin ni mama nang pinutol nito. "Wala iyon. Atleast walang nangyari sa kanila." Nakangiting natural na sagot nito. Ibig sabihin, si Tito Lloyd ang nagligtas sa akin? Ngumiti lamang si mama bilang sagot. Pumasok na nga kami ni mama sa loob ng CR at doon na niya ako pinaliguan. ****/// Pagkarating namin sa cottage, naabutan naman namin si Daddy at Tito Lloyd na nag-uusap sabay nagkamayan pa ito. Nang makita kami ni mama na dumating, sabay na sinalubong nila kami ng nakangiti. "Ano meron?" Tanong ni mommy sa dalawa. "Aalis kasi ngayon si Lloyd," sagot ni papa. Nagulat naman si mommy."Ah? Bakit?" "Hmm, may emergency kasing nangyari sa kompanya at kailangan ko bumalik kaagad sa Italy. Kung maaring iwan ko muna sainyo si Jeydon," "Sure!" Masayang payag naman ni Mommy. "Gusto mo, dito mo na din siya paaralin." "Ah? Sigurado kayo?" "Sa amin na muna si Jeydon titira. Promise, hindi namin pababayaan siya at ituturing namin siyang parang anak," saad ni Daddy. "Oo, Kuya Lloyd." Nakangiting natahimik naman si Tito. Maya-maya pa humugot muna ito ng hininga saka nagsalita ulit. "Salamat. Kung buhay pa rin sana si mama at papa, may mapag-iiwanan ako dito kay Jeydon. Kayo nalang pamilya ko dito sa Pilipinas kaya umuuwi ako dito. Salamat dahil nandyan pa rin kayo at hindi pa rin kayo nagbabago." Naluluhang pahayag nito. Niyakap naman pareho ng magulang ko si Tito Lloyd. Dahil doon, mas lalong naging emosyonal ito. Oo nga pala, namatay pala sa car accident ang magulang ni Tito Lloyd. Namatay sila noong panahong nasa sinapupunan na daw ako ni mama. Sa pagkakaalala ko, nangyari iyon dahil nagpumilit ang mga ito na pumunta ng airport kahit masama ang panahon. Hindi ko alam kung ano dahilan basta doon nangyari ang malagim na pangyayaring iyon. Nabagsakan ang sinasakyan nito ng mga bakal na tubo. Bumagsak kasi 'yong ginagawang building at nasaktuhan nasa tapat sila nito. Kaya iyon ang nangyari. Napatingin na lamang ako sa likuran ni Tito Lloyd, nakita ko namang nakaupo sa dulo ang anak nito. Tahimik at tulala lang itong nakatingin sa buhangin. Kung kanina'y naka-jacket siyang itim, naka-kulay puti na jacket siya ngayon. Naka-hood pa ito at nasa mga bulsa pa ang mga kamay nito. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nito kahit naka-side ito. Kita ko sa mata nito ang lungkot at pangungulila. Naku-curious tuloy ako kung ano itsura niya pag nawala ang mga negatibong emosyon sa mukha at nasa loob niya. Lalo na narinig ko sa usapan nila daddy na sa amin na titira ito. Ano kaya mangyayari? Magiging close ko ba siya kaagad? Magiging kaibigan niya ba sila Kuya Ax? O magiging matalik kaming magkaibigan? ****/// Kasama ko ngayon si Kuya Ax at nandito kami ngayon sa tapat ng kwarto ng magulang namin. Ako na nga bumumas ng pinto at nagulat naman ang mga ito sa pagbisita namin. "Mama, dito na kami matulog ni Kuya." I said. Sumagot naman kaagad si Daddy."Sure." Nakangiting lumapit naman kami ni kuya at umakyat sa kama. Humiga naman kami sa gitna ng mga ito. Katabi ko si mommy at katabi naman ni daddy ay si kuya. "Matutulog tayo ng maaga ah? Pagod tayong lahat kanina." Saad ni mama sabay kinumutan kami. "Mommy, akala ko dito na matutulog si Jeydon?" Tanong naman ni kuya. Iyon din ang akala ko, akala namin kasama na namin 'yong Jacket boy na iyon pag-uwi dito sa house. "Bukas pa natin siya masusundo. Syempre, mag-aayos pa siya ng gamit niya na dadalhin dito," sagot ni daddy. Nang marinig iyon, nakaramdam naman ako ng excitement. Hindi na ko makapaghintay na mag-umaga na ngayon. Hindi ko tuloy maiwasan mapaisip bakit nakakaramdam ako nito. Dapat galit ako kasi sinilipan niya ako. Nandito nga kami sa terrace, nakahiga at pinapanood ang kagandahan ng kalangitan. Nag-brownout kasi at naisipan dito kami matulog ngayon. Maaliwalas ang kalangitan, walang masyadong mga ulap kaya kitang-kita ang mga naglalarong bituin. Sabayan pa ng maliwanag at bilog na bilog na buwan. Hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita. "Mama, maganda ba sa moon? Malamig kaya doon?" Tanong ko. "Hmm, siguro. Bakit? Gusto mo bang pumuntang moon?" "Oo, basta kasama kayo nila daddy at Kuya." "Di bale, bukas na bukas pupunta tayo ng Mall. Mas malamig doon." Turan ni daddy. "Talaga, Papa?" Sabay kaad Namin ni kuya. "Oo." "Yehey!" Masayang-masaya kong bulalas. "Papa, bilhan mo ko ng tablet ah?" Request kaagad ni Kuya. "Sige, basta mag-aral ka mabuti." "Opo. Yes!" "Papa, bilhan mo ko ng jacket, panlalaki." Takang napatingin naman si papa sa sinabi ko."Ah? Bakit?" "Ang pangit kasi ng suot na jacket ng anak ni Tito Lloyd e. Ang pangit sa mata ko." Naka-pout na sagot nito. Totoo naman, ang pangit-pangit. Cute siya pero...ah! Basta pangit! "Weh? Baka crush mo lang?" boses ni kuya. "Di ah!" Tanggi ko kaagad sabay napakagat labi. Dapat pala di na ko nag-request ng jacket. Hays! "Tumigil na kayo baka mag-away na naman kayo. Matulog na tayo dahil maaga tayo bukas pupuntang Mall," suway ni daddy sa amin. "Okay, Daddy!" ****/// "Hello? Kuya Lloyd, nandito na kami LRT." boses ni mama."Malapit na kayo? Sige, sige." Nasirahan kasi ng kotse si Tito Lloyd na dapat magkita-kita kami sa Mall kanina. Dito namin sila aantayin para sunduin nga si Jacket Boy. Nakatayo lamang ako habang nasa likod ko si mommy at daddy na kausap sa telepono si tito. Samantala si kuya, nakaupo sa bench, nagta-tablet. Mapapa-sana all ka nalang kasi may bagong gadgets na naman siya. Ako kasi, bawal pa daw because I'm still a baby daw. Dumating na nga ang tren at kausap pa rin nila mommy sa kabilang linya si tito. "Kuya Lloyd, nandito kami sa tapat ng gfhjcjc..." Saad pa rin ni mama. Pagkatigil ng tren, saka naman bumukas ang pinto sa tapat ko. Nanlaki mata ako nang makita ang taong nasa tapat ko. Nagkatitigan pa kami na para bang may weird na lamang na nangyari sa paligid ko. Parang tumigil ang oras at naging black and white ang nasa paligid pero...ang lalaking iyon, siya lamang ang may masiglang kulay. Siya lamang ang naiibang awra. [Playing song: Dilaw by Maki] Naka-jacket siya ng pastel blue na may hood at naka-headphone. Wala akong marinig na ingay sa paligid kundi isang music. Music na hindi ko alam sino nagpapatugtog o saan nanggagaling iyon. Pero pakiramdam ko, naririnig ko ang pinapakinggan nitong music sa headphones nito, na para bang naka-konekta iyon sa tainga ko. Yung puso ko parang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD