MARISSE REZALDE POV:)
Pagkatigil ng tren, saka naman bumukas ang mga pinto at sakto namang nasa tapat ako ng isa sa pinto nito.
Nanlaki mata nalang ako nang makita ang taong nakatayo sa loob. Eksato namang magkaharap kami sa isa't-isa na dahilan magkatitigan kami na para bang may weird na lamang na nangyari sa akin ng oras iyon. Sa hindi maipaliwanag, tumigil ang oras sa paligid ko, naging black and white ang lahat pero maliban ang lalaking nasa haralan ko. Siya lamang ang may masiglang kulay at siya lamang nabubugod tangi sa lahat.
[Playing song: Dilaw by Maki]
Naka-hood jacket siya ng kulay pastel blue at naka-headphone pa. Sa ayos niyang iyon, para siyang anak mayaman talaga. Na alam mo naman mapapatingin ka dito dahil sa angking kaguwapuhan.
Wala akong marinig na ingay sa paligid ng mga oras iyon kundi isang music. Music na hindi ko alam sino nagpapatugtog o saan nanggagaling iyon. Parang magic, naririnig ko ang pinapakinggan nitong music sa headphones nito, na para bang naka-konekta iyon sa tainga ko. At alam kong ang kantang naririnig ko sa aking mga tainga ay nagmumula sa pinapakinggan niya.
Mas nawindang ako nang tumama ang mga mata namin sa isa't-isa halos napasinghap ako sa gulat. Ngayon lamang ako nakipagtitigan ng ganito sa isang tao, parang magnet na ayaw na humiwalay.
Dahil doon, yung puso ko parang...
Bumalik na lamang ang reyalidad nang hawakan ni mama ang braso ko at hinila palayo sa pinto. Kung kanina'y parang nag-stop ang oras, ngayon ay bumalik na ang lahat sa paggalaw. Nagsilabasan naman ang mga pasaherong sakay ng tren at kasabay na doon sila Tito Lloyd at ng anak niya.
Sinalubong naman ito ng yakap ni mommy samantala si papa ay naki-fist bomb lang. Nahihiyang nag-bless naman si Jacket boy sa magulang namin pagkatapos agad nagtago ito sa likuran ng kanyang ama.
"Pasensya na. Nasiraan kami ng kotse." Hinging dispensa nito.
"Naku, okay lang! Hindi naman kami nagmamadali." Sagot naman ni mommy na may ngiti sa labi."Bilisan mo na, baka ma-late kana sa flight, Kuya Lloyd."
"Oo nga e,"
"Huwag kana mag-alala, nag-book na ako ng van." Nakangiting saad ni Papa.
****///
"Mag-iingat ka ah? Huwag mo bibigyan ng sakit ng ulo sila Tita at Tito mo," mahinahong bilin nito sa kanyang anak habang hawak ang magkabilang braso nito.
Tumango naman ito bilang sagot.
"Promise, babalik ako. Bibisitahin nalang kita dito pag hindi masyado busy ang schedule. Okay?" Dagdag pa nito.
"Yes, dad." Mahinang sagot nito.
Niyakap naman ni Tito Lloyd ang anak niya ng mahigpit. Hinayaan lamang ni Jacket boy na yakapin siya ng papa niya. Nakababa lamang ang mga kamay na tila walang balak na yakapin ito pabalik.
Humiwalay na ito sa pagkakayakap at saka na ito nagpaalam sa amin.
"Mag-iingat kayo..."
Ngumiti naman ng matamis si mama dito."Ikaw din, mamimiss ka namin."
Nakangiting tumango-tango naman si Tito Lloyd.
"Bro, salamat ulit!" Sabi pa nito kay papa.
Sumagot naman kaagad ito."Oo, ingat ka."
Pumasok na nga ito sa loob ng kotse.
"Bye, tito!" Paalam namin ni kuya sabay wave ng hands dito.
Ngumiti ito."Magpakabait kayo."
Tumango naman kami bilang sagot dito.
Sinara na nito ang pinto pagkatapos umalis na ito sakay ng kotse. Imbes panoorin ang papaalis na sinasakyan ni Tito Lloyd, binalingan ko naman si Jacket boy.
Walang eskpresyon na gumuhit sa kanyang mukha pero alam kong nalulungkot siya deep inside. Oo, ramdam ko. Nararamdaman ko na may gusto siya sabihin pero hindi niya kayang sabihin. Para bang wala siyang choice kaya hinayaan na lamang niya ang mga tao sa paligid niya na sila magdidikta sa kapalaran niya.l
"Jeydon," hinarap ni mama ito at malumanay na hinawakan ang magkabalikang braso nito."Huwag kang mahihiya sa amin ng Tito mo ah? Ituturing ka naming parang anak. Kung may gusto kang sabihin o gustong gawin, sabihin mo sa amin. Kung nahihiya ka, huwag kang mahihiyang lumapit kay Ax."
Tiningnan naman nito si Kuya Ax na may malumbay pa rin ang mga mata.
Inakbayan naman ito ni Kuya Ax."Paano 'yan? Magkapatid na tayo? Huwag kang maiilang sa akin ah? Hindi naman ako mahirapan kaibiganin."
Tumango naman ito habang may tipid na ngiti sa mga labi nito. Nag-ngitian naman silang dalawa, kita ko naman ang effort ni kuya para iparamdam dito na sincere siya sa sinabi niya.
"Ikaw, Marisse?"
Napatingin naman kaagad ako kay papa."Po?"
Tiningnan naman ako nila. Maya-maya pa, napaikot ko na lamang ang mata ko. Oo nga pala, may atraso itong Jacket Boy sa akin pero dahil sa amin siya titira, dapat maging mabait ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin, iituturing ko rin siya na parang kapatid.
"Fine!" Maldita kong sabi sabay tumingin pa ako kay Jacket Boy. Nang makita kong nakatingin siya sa akin, mabilis naman hinirapan ko ito.
"Good! So, let's go?" Yaya ni mama.
****///
Nakita ko naman si Kuya sa paanan ng pinto ng kwarto namin.
"Wait lang ah? Magsi-CR muna ako." Paalam ni kuya at saka tumakbo ito papuntang agdan pababa halos hindi ako napansin ito dahil sa pamamadali.
Anyway, may CR kami sa kwarto namin pero hindi nagagamit ngayon kasi sira 'yong gripo. Sino pa ba nakasira, kundi dahil sa akin. Huwag n'yo nang alamin kung bakit nasira ko.
Pagkarating ko sa kwarto, naabutan ko naman si Jacket Boy na nakaupo sa kama habang nagtutupi ng mga damit niya. Anyway, same room kami ni Kuya. Hindi ko pa kasi kayang mag-solo room lalo na matatakutin ako sa mga ghost. Nung kami lang ni Kuya, dalawang bed lang nandito noon pero dahil nadagdagan ng isa at si Jacket Boy iyon, tatlong higaan na nandito.
Mabuti nalang kasya pa ang three beds dito. Pinasadya talaga lakihan nila mommy itong room kasi incase daw magkaroon kami ng isa pang kapatid, e di kasya kami dito.
So ganito arrangement ng higaan namin...
Bed ko --- Bed ni kuya --- Bed ni Jacket Boy
Kompleto ang kagamitan namin. Tig-iisa kaming kabinet saka tig-iisang study table pero iisa lang na computer. And then, may TV din na nandito. Nagagamit lang namin ang TV pag nandito sila Kuya Randall at Brixie, for watching movies lang saka for gaming.
Natigilan ito nang makita akong pumasok pero agad itong umiwas ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.
Hindi nailang, pumunta ako sa kinaroroonan ng kabinet. Binuksan ko ang isang drawer at kinuha ang maliit na alkansya. Hinulog ko mula roon ang ang tatlong piso. Nakasanayan ko na kasi mag-ipon lalo na pag may nakukuha akong mga barya sa sulok ng bahay. Ewan ko, naging kaugalian ko na e. Yung mga naiipon ko, ginagamit ko for buying foods o may gusto akong bagay na gusto kong mabili for own my own. Pagkatapos, binalik ko na ulit ang alkansya sa pinalalagyan nito kanina.
Naalala ko naman ang jacket na binili namin kanina sa mall. Binuksan ko ang kabinet at nakalagay pa rin sa paper bag 'yong binili kong jacket para kay Jacket Boy. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba ngayon o hindi pero nanaig sa akin ang word na 'saka nalang'.
Sinara ko na ang kabinet sabay talikod. Bago paman maisipan kong umalis, tiningnan ko pa si Jacket Boy. Ramdam kong naiilang siya. Para hindi ko mapansin na nahihiya siya sa akin, pinapatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa.
"Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko.
Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko para sabihin iyon.
Tinigil naman nito ang ginagawa at dahan-dahan iniangat ang ulo para tingnan ako. Sinalubong ko lamang ang tingin nito. Hinihintay ko naman sumagot siya pero parang hindi niya kayang sabihin ang gusto niyang isagot sa akin.
Pepe siguro siya?
"Never mind!" Sabi ko nalang.
Pagkatapos naglakad na ako patungo g pinto. Bago paman ako makalabas, saka naman dumating si Kuya. Parang hangin na hindi ako napansin, dinaanan lang niya ako.
"Tapos kana?" Nakangiting tanong naman nito.
Hindi ako, si Jacket Boy kausap niya. Pag sa akin, nakasimangot yan pag nagtatanong 'yan sa akin. Sa ibang tao, ang ganda ng ngiti niya. Akala mo, siya na pinaka-mabuting tao sa mundo. Pasalamat siya kapatid ko siya. kung hindi, baka hindi ko talaga siya papansinin. Forever and ever!
"Hmp!" Sabay irap ko at padabog na umalis.