MARISSE REZALDE POV:)
"Jeydon? Ax? Kakain na." Nakatingin sa labas ng pintuan na tawag ni mommy dito sabay lapag ng ulam sa lamesa.
Umupo naman ako sa palaging inuupuan kong pwesto, kung saan katabi ko si mommy. Kinuha ko na ang kubyertos sa tabi ng platong nasa harapan ko. Umupo na din si mommy sa tabi ko pagkatapos, maingat namang nilagyan ako ng tela sa dibdiban ni mama. Para hindi madumihan ang damit ko. Medyo clumsy pa kasi akong kumain, e.
Naupo na din si daddy sa kanyang pwesto, sabay lapag ng mug na naglalaman ng kape na timimpla pa lamang niya. Naging kaugalian na ni Daddy na palaging may kape siya kada kakain siya. Umaga, tanghali, hapunan at panggabihan, hindi niya iyan pinapalampas. Parang naging habit na nga niya iyan.
"Wala pa ba 'yong dalawa?" Tanong ni daddy.
"Andyan na. Nakita ko pababa na sila ng hagdan," Mommy said.
Di naman nagtagal, dumating na din sila Kuya. Bigla naman akong napatitig sa kasama niya. Nagulat ako dahil hindi na siya nakasuot ng jacket ngayon at wala nang hood na tumatakip sa ulo niya. May pagkaka-gulay brown ang kanyang buhok at ang linis-linis niya. Mali! I mean, nagmumukha siyang totoong tao ngayon at parang anak mayaman.
Pero...
"Sweater? Wala naman pinagbago. Parang naka-jacket pa rin..." Sa loob-loob kong sabi.
Naupo na nga sila ni kuya sa kabilang side. Bale kaharap ni mommy si Kuya Ax at kaharap ko naman si...
Bahagyang nagulat ako nang tumingin siya sa akin pero mabilis naman umiwas ito kaagad. Nagulat ako dahil ngayon ko lamang siya nakitang tumingin ng ganoon sa akin. Hindi basta tingin na nahihiya o di sinasadyang matingnan. Parang...
Naputol naman ang pagmumuni ko nang magsalita si daddy.
"Let's pray na."
Dahil si Kuya Ax naman ang nakatoga ngayon, sinimulan na nga niya mag-lead ng prayer.
"In the name of the father, of the son, of the holy spirit..."
Habang nakapikit ang lahat, idinilat ko naman dahan-dahan ang aking mata. Nakadikit ang aking mga palad na palihim ko naman tiningnan si Jacket Boy. Nakapikit rin ito at taimtim ding nagdarasal. Parang magnet, hindi ko magawang alisin ang aking mata sa kanyang mukha.
Totoo, may itsura din pala siya tulad nila Kuya Kaiser, Kuya Randall and the rest kuya namin ni Brixie.
Mabilis naman nagising ang diwa ko nang marinig ang magic word ni kuya.
"...In Jesus name we pray,"
"Amen!" Sabay-sabay naming sagot.
Tahimik na kumain na nga kaming lahat.
****///
Alas nuwebe na ng umaga pero hanggang ngayon, himbing na himbing pa rin ako sa pagtulog halos may laway pa ako sa labi. Sarap na sarap ako sa pagtulog nang mga oras iyon pero kasamahang-palad, nagising na lamang ako nang mahulog ako sa aking kinahihigahan.
Halos napasigaw ako sa gulat. Akala ko na, totoong nahulog ako sa bangin pero panaginip lang pala.
Mabilis naman akong tumayo sa pagkakahulog. Dahil inaantok pa rin ako, humikab ako halos sinabayan ko pa pag-unat ng katawan. Alas 12 na siguro ako nakatulog kasi nanonood yung dalawang asungot ng horror movie kagabi. Kahit di ako nanonood, parang nanood pa rin ako kahit nakatalukbong na ako ng kumot dahil sa lakas ng sound ng tv. Tapos 'yong sound pa ng horror, nakakapanindig balahibo. Kahit sino, hindi makakatulog pag naririnig 'yong creepy sound ng mga iyon.
Napatingin na lamang ako sa higaan nila kuya. Nagulat na lamang ako nang makitang wala nang taong nakahiga doon. Anong oras na ba at mukhang maagang nagising ang dalawang iyon?
Lumapit kaagad ako sa bintana at mabilis na binuksan ang kurtina. Napapikit naman ako nang masilaw ako ng liwanag ng araw. Mataas na ang sikat ng araw, ibig sabihin iyon ay...
"Mommy! Mommy!" Tumatakbo pababa ng hagdan, tawag ko. Mabilis akong tumungo sa kusina at nakita kong walang nakaupong tao sa harap ng hapag-kainan para mag-almusal. Kahit si daddy, wala rin. Ibig sabihin lang iyon, pumasok na ng trabaho siya.
Naabutan ko naman si Mommy na naghihiwa ng carrots sa may lababo.
"Oh? Mabuti gising kana, anak." Gulantang na turan nito nang makita ako. Tinigil naman nito ang ginagawa at hinukasan ang kamay."Mag-almusal kana, Marisse. Ipagtitimpla kita ng gatas mo."
"Mommy, si kuya?" Imbes tanong ko.
Kumuha ito ng baso para ipagtimpla ako ng gatas."Nandoon kila tito mo. Magkasama silang pumunta doon ni Jeydon," tipid nitong sagot.
"Tito?"
"Louis."
"Kailan pa?! Ano ginagawa doon?" Tanong ko ulit.
Binuksan na muna ni mommy ang garapon na naglalaman ng gatas ko."Kanina pa silang alas siyete umalis. Hinatid sila deretsyo ng daddy mo doon sa bahay ng Kuya Randall mo."
"Bakit?" Nangunot ang noo na tanong ko pa rin.
"Nandodoon din ang anak ng mga Tita at Tito mo. Doon muna daw magbabakasyon silang magbabarkada." Pagkatapos nilagyan ng tatlong kutsara ng gatas ang baso.
"Hanggang kailan sila doon?" Tanong ko pa rin.
"Hmm," Pagkalagay ng gatas, sinara nito kaagad ang garapon."...one week siguro." Saka nilagyan ng mainit na tubig iyon.
"Mommy, ba't di mo ko ginising?! Sama sana ako!" nagtatampo kong pahayag.
Hinalo na ni Mommy ang gatas ko."Tulog na tulog ka pa kanina. Ginigising ka kanina ni Jeydon pero nakangiti ka lang habang nag-i-sleep talk ka."
"Ah?!" Gulat kong saad.
"Umupo kana diyan at mag-almusal kana. Alas 10 na ng umaga, malilipasan kana."
Nilapag na nga ni mama ang gatas sa lamesa.
"Mommy, ang daya n'yo! Ang daya n'yo ni kuya! Hindi ninyo ko sinama sa kanila!" Nagtatampo kong sabi.
"Naku, Marisse! Magwa-walong taon kana, nagbi-baby-baby ka pa dyan. Umupo kana dito at mag-almusal. Baka makurot pa kita diyan." Suway at pananakot ni mommy.
Walang magawa, nakasimangot na naupo na nga ako sa harap ng hapag-kainan para mag-almusal.
****///
One week later...
"Welcome back!!!"
Mabilis namang napalingon ako sa likuran nang marinig ang mga pamilyar na boses na iyon. Nakaupo ako sa sofa nang mga oras iyon, hawak ang bolang pang volleyball na nilalaro ko pa ng aking mga kamay. Sabayan pa ng panonood ng laban na mga university sa larong volleyball sa telebisyon.
Dumating na nga sila kuya at kasama ang mga kaibigan niyang mga asungot. Kanina ko pa sila hinihintay dito sa sala. Akala ko bukas na sila makakauwi dahil maggagabi na ngayon.
Hinanap ko naman kaagad sa kanila si Jacket Boy. Nahanap ko din naman kaagad ito. Di ko namalayan napangiti nalang ako nang masilayan ito. Kausap nito si Kuya Randall habang akbay siya nito papasok ng bahay. Hindi ko maiwasang mapatitig lalo sa kanya dahil nakita kong unti-unting gumalaw ang labi niya.
Ngayon ko lang makikita siyang ngingiti---
"Hey!" Gulat naman ni Kuya Kaiser sa akin.
Hindi ko naman nasaksihan ang hinihintay ko dahil tinakpan na nito ang kinaroroonan nila Kuya Randall.
Mabilis pa sa oras, umasim naman ang mukha ko nang binalingan sila. Umupo naman ito sa tabi ko na may nakakalokong ngiti.
"Pagodang-pagoda kami ngayon." Dagdag pa nito sabay higa ng ulo sa headboard ng sofa. Kumawala pa ito ng mahabang hininga dahil doon kita ko ngang pagod sila ngayong araw.
Saan na naman kaya ito gumala?
"Di ko tinatanong..." mahinang turan ko sabay palihim na tinirik ang mata.
May isang alien na naman ang lumapit sa akin para guluhin ang buhay ko. Umupo naman ito sa kabilang side ko. May space pa naman 'yong sofa pero pag nandito sila sa bahaya, ang hilig nilang isiksik ang sarili nila sa akin lalo na pag nakaupo ako sa mahabang sofa. Kung nasaan ako, nandoon sila para tumabi sa akin. Kahit sa pang-isahang sofa pa yan, sisiksik talaga silang dalawa sa akin. Hindi ko alam kung gusto lang talaga nila ako katabi o trip lang nila ako.
Mas lalong umasim ang mukha ko nang binalingan ito. Sino pa nga ba siya? E di ang makulit at mahangin na kapatid ni Brixie, si Kuya Brylix.
"Hello sa malditang prinsesa namin!" May ngiting nakakainis na bati nito sa akin sabay nag-wave pa ng hand sa akin. Hindi ko talaga alam kung nang-iinsulto siya o ganyan talaga siya bumati.
"Hello din sa unggoy kong kuya," pamimilosopo ko sabay tinaasan ng isang kilay siya.
Tumawa naman ito. Akala niya hindi ako gaganti sa kanya. Malaki na ako, kaya ko na makisabayan sa trip nila. Kung noon, umiiyak nalang ako pag napipikon, pwes! Iba na ako ngayon. Kaya ko nang gumanti ngayon.
Nagulat naman ako nang guluhin nito ng buhok ko sabay kuha ng bolang hawak ko.
"Ano ba?!" Inis na inayos ko naman kaagad ang buhok ko.
"Oh? Naglalaban pala 'yong pambato ko." Saad ni Kuya Brylix habang nakabaling sa tv at nilalaro-laro ang bola.
"Marisse?" Tawag ni kuya Ax.
Tumingin naman ako sa likuran."Oh?"
"Nasaan si mommy?" Tanong niya habang habang nakasabit ang bag sa kabilang shoulder niya.
"Sinusundo si Nanay Lomeng sa bayan," sagot ko.
Yes, tama narinig n'yo. Si Nanay Lomeng ay yaya namin. Matagal na siya sa pamilya namin nagtatrabaho. Mula bata pa daw si mommy, yaya na raw niya ito at ito na nag-alaga sa kanya. Sobrang bait ni Nanay Lomeng, parang nanay na din kung ituring namin ni Kuya Ax. Tinuturing na namin siyang parte ng pamilya na ito. One month ang binigay na leave ni mommy dito. Umuwi ito sa kanina at doon na nag-spend ng bakasyon niya. Ngayon na ang balik niya dito at sinusundo na siya ni mommy ngayon.
Pagkasagot ko, umalis na si kuya. Tinawag pa nito si Jacket Boy na hanggang ngayon, nakasuot pa rin iyo ng jacket pero this time, kulay maroon naman ang kulay ng suot niyang jacket. Sabay silang pumanhik ng hagdan ni Kuya. Pagkakataon ko na kanina na makita siyang ngumiti kung hindi lang sinira ng mga asungot.
Hindi ko namalayan na nakatingin sa akin si Kuya Brylix at napansin nito na pinagmamasdan ko ang bago nilang kaibigan.
"Crush mo?" Tanong na lamang nito.
Gulat na napatingin ako dito."Ah?"
Pagkasagot ko, tiningnan nito sila Kuya na nasa taas na. Tarantang kinuha ko sa kamay nito ang bola na dahilan bumaling ulit ito sa akin.
Bumaling kaagad ako sa TV. "Naku! Natatalo 'yong pambato ko. Hayst! Sayang! Na-block siya!" bulalas ko. Hindi ko pinahalata na nataranta ako pero deep inside, grabe t***k ng puso ko. Chucks!
Ramdam kong nakatingin pa rin si Kuya Brylix sa akin. Mukhang binabasa niya ang mukha ko. Sinisikap kong hindi ipahalata sa kanya na grabe taranta ko dahil sa sinabi niya.
"Crush? Crush ko si Jacket Boy?" Sa isip kong saad.
Naupo naman sa pang-isahang sofa si Kuya Randall pagkatapos nilagay lamang niya sa ibaba ang kanyang bag.
"Sure na kayo? One week tayo dito kila Tito?" Tanong nito sa dalawa.
"One week?!" bulalas ko mula sa aking isipan.
"Next week, enrollment naman na. E di sulitin na natin ang bakasyon." Sagot naman ni Kuya Brylix dito.
One week? Dito sila ng one week?!!