IVY’s POV Naiwan ko ang phone ko sa opisina. Sa pagmamadali ko na makauwi dahil naiinis ako kay Dougz, hindi ko napansin kung nakuha ko ba sa may drawer na pinagtaguan ko ng phone nang mag-tooth brush ako. Na-guilty rin ako sa ginawa ko kay Dougz pagbaba ko ng kotse kaya plano kong tawagan sana siya o i-message. Laking gulat ko ng hindi ko makita ito sa bag ko. Nanghiram pa ako ng phone kay papa para mapa-ring ito at nag-ring naman. Hindi ko lang nga makita dito sa bahay ang phone ko na patuloy na tumutunog. Wala talaga at ng balikan ko sa aking isipan, naalala ko na inilagay ko nga pala sa may loob ng drawer pagkatapos kong mag-break. Bakit ngayon pa? Hindi ko naman tanda ang number niya. Wala rin akong laptop dito. Dahil nasira yung ginagamit ko sa boarding house. Kapag minalas k

