DOUGZ’s POV Kanina ko pa siya gustong nandito sa aking tabi. Hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung payag siyang lumabas kami after office hours. The problem is madami pa rin akong kailangang tapusin at pirmahan.. Hindi ko ma-i-lock ang pinto dahil baka pumasok si Miss Alma. Baka magtaka at laging naka-lock ang pinto. Nang magpaalam ito, ito na ang sign na pwede ng i-lock ang pinto kaya nakisuyo ako kay Ivy. “Miss Manalo, pwede bang paki-lock muna ang pinto,” pakisuyo ko sa aking baby, habang patuloy kong binabasa ang dokumento na nasa aking harapan. Kailangan ko itong matapos ngayon. Kung hindi siya pwede sa labas, pwede naman kaming dalawa rito sa loob ng opisina. “Tapos na ang office hours, pwede na siguro kitang tawagin na baby,” anas ko sa kanya na hindi ko siya inaalisan ng tin

