DOUGZ’s POV Nagbihis ako ng disente. May inuman, may banda at pwede rin daw ang magsayaw. Usually ang mga sayawan ay para sa mga bata-bata pa o di kaya ay sa mga oldies na. Nasa middle age kami kaya more on sa inuman at sightseeing lang para sa mga bagong prospects. Hindi namin ngayon kailangan maghanap ng mga babae dahil may mga partner kami para sa gabing ito. Hindi ko na natawagan si Thisa. Naubos na ang pasensya ko sa phone ko na walang signal. Iba kasi ang network ko. Yung isang network ang may signal dito. Binalak ko kanina na maglakad-lakad sana, gusto kong malaman kung saan ang room nina Ivy. Ngunit hindi natuloy, nakita ako ng mga kaibigan ko at sa iba kami nagtungo. Sa labas ng kwarto ng mga girls kami tumambay kaya nagkakwentuhan pa kami. Doon kami nagpalipas oras. Nagkasu

