IVY’s POV Ang galing tumugtog ng banda. Biglang pinatugtog ang kantang King and Queen of Hearts. Favorite ito sa mga prom. Parang bumalik kami sa high school. Nagkayayaan kaming magsisayaw. Partner partner at si Darren ang sa akin. Nagtungo kami sa space para sa mga gustong magsayaw. Ang daming nagsisunod sa amin. Kaliwa kanan lang naman ang steps, halos hindi kami umaalis sa aming pwesto. Nasa balikat ni Darren ang mga kamay ko at siya naman ay nasa bewang ko. Nakatalikod ako sa crowd. Ayaw kong makita si Tito Dougz. Baka mamaya ay naghahalikan na sila nung magandang babae na katabi niya. Nasilip ko ang mukha kanina habang paupo kami. Hindi lang mukha ang maganda pati ang katawan. Wala na nga akong panama sa ganda, pati ba naman sa dibdib. Baka ang kamay niya ay naglalakbay na rin

