IVY’s POV Tanghali na ako nagising. Kung hindi pa ako kinatok ni Mama, hindi pa ako magigising. Kaya mabilis ang kilos ko para hindi kami mahuli sa simbahan. Madami akong ihihingi ng tawad para sa mga nakaraang araw at sa mga araw pang darating. Nakakapag-sinungaling ako dahil nagmamahal ako. Wala pa akong lakas ng loob na magsabi sa parents ko. At ayaw ko ring pumayag sa gusto ni Dougz na ipaalam sa pamilya niya ang tungkol sa aming dalawa. Papasok na kami sa chapel, nang may batang lumapit sa akin. Mabuti na lang at nasa likuran ako nina Mama at Papa. May inabot itong maliit na papel. Excited akong mabasa kung ano ito? First time lang na may natanggap ako na ganito. “Happy weeksary, baby! Flowers for you, drawing nga lang kasi hindi nila pwedeng makita. Kaya this is for your eye

