DOUGZ’s POV Nauna ako sa pamilya kong nagtungo sa chapel. Tanghali na wala pa ang pamilya Manalo kaya habang nag-hihintay ako ay naisipan kong magsulat. Pumasok ako sa sasakyan at gumuha ng papel at ballpen para gumawa ng simpleng greetings para sa aking baby. Pagkasulat ko ay hinalikan ko pa ito. Baka i-kiss din niya ito pag nabasa niya. Tumawag ako ng isang bata na nagtitinda ng sampaguita. Kilala naman nila si Ivy at ang mga tagarito. Binili ko ang lahat ng tinda niya kapalit ang pag-aabot ng papel na wala siyang sasabihin o ituturo. Masaya akong pinagmamasdan siya mula sa malayo. Kitang kita ko naman ang reaction niya ng mabasa niya ang sulat ko. Kinikilig ako dahil napasaya ko siya. Gusto ko siyang bigyan ng malaking bouquet at ipadala sana sa bahay nila, kaya lang ay baka kuliti

