IVY’s POV Alas kuwatro na at malakas pa rin ang ulan. Ipinasok ko lang ang gamit sa loob ng kwarto at dito kami sa may sala nakatambay kasama namin si madam. Humikab ang Dougz at tila inip na inip na ito. “Tito pogi, mukhang hindi ka po makaka-alis ngayon. Patuloy pa rin ang malakas na ulan at red warning na po. Gusto po ba ninyo ng kape?” tanong ni Madam. “Hindi po, madam. Medyo antok lang po, hindi na po ako nakatulog kagabi,” tugon naman nito kay madam. “Dito na kayo matulog mamaya. Pahiramin ko na lang kayo ng foam, pwede pa naman doon sa ibaba ng kama ni Ivy,” sambit ni madam. “Naku nakakahiya po, madam,” saad ni Dougz. Hindi na lang ako sa kanila tumitingin. Kunwari wala akong alam sa mga pinag-uusapan nila. Nakasilip lang ako sa labas. “Kunin ko na muna, at para kung ina

