DOUGZ’s POV Simula nang lumabas ang quadruplets laging may ingay na maririnig sa aming tahanan. Nandyan ang mga iyakan ng apat na sanggol at minsan hindi namin alam kung sino ang uunahin. Kung hindi naman sila umiiyak ang boses nina Mommy at Mama ang maririnig na lagi ring nasa bahay dahil sa kanilang mga apo. Masaya silang dalawin ang mga ito at malaking tulong sila sa amin kapag nasa bahay sila. Para sabay sabay na makadede ay gumamit kami ng feeding bottle pero ang gatas ay mula sa aking asawa. Ang dami niyang gatas at mas lalo pang dumami dahil sa mga ipinapakain sa kanya nina Mommy at Mama. Laging may sinabawang isda o manok na punung puno ng dahon ng malunggay. Kaya ngayon ang dami naming tanim na malunggay sa likod at gilid dahil naaagad ito ng pitas. Kung noon kasya sa kamao

