DOUGZ’s POV Sa celebration ng aming second anniversary as boyfriend and girlfriend ginawa ang dedication ng aming quadruplets. Ito rin ang ika-isang taon namin na ginawa ang aming mga anak. Isang gabi na pinagsaluhan namin at nagresulta ng mga gwapo at maggandang sanggol. Katuwang na namin sina Mommy at Mama sa pagbuhat sa apat na sanggol. Kaming apat ang nasa harapan habang buhat ang mga baby. Ito lang ang disadvantage dahil hirap kaming mag-asawa kung wala kaming makakatulong bukod sa mga yaya nila. Dahil binyag dapat kami ang may buhat sa kanila. Si Papa at kuya Dax ay taga paypay sa mga baby. Kami pa lang ay puno na kaya naman ang kinuha naming ninang at ninong ng mga baby ay pare pareho lang din. Inaanak nila ang apat. Malalapit lang na kaibigan at relatives ang kinuha naming god

