DOUGZ’s POV Maaga ang schedule namin kay Mayor ngayon. Dahil Friday, busy rin siya sa ibang tungkulin niya para sa kanyang nasasakupan. Naisingit lang itong kasal namin dahil tiyuhin siya ni Marvin. Kaya kailangan on time kami o mas maaga pa. Mabuti rin at umaga dahil kung hapon ito ay hindi rin makakapunta ang mga kaibigan ni Ivy para ma-witness nila ang pag-iisang dibdib namin. Sila na lang ang meron ang aking baby. Nagbakasakali pa kaming muli kahapon. Hindi na kami bumaba, inikutan lang namin para kung may tao na ba. Kaya lang ay wala pa ring ilaw ang kabahayan, kaya ibig sabihin ay wala pa sila. Hindi ko ito siya ginulo kagabi. Gusto kong makapagpahinga talaga siya. Wala munang landian. Pagkatapos na lang ng aming kasal. Nakarami na rin naman kami kahapon at ang resulta ay nagsuka

