DOUGZ’s POV Kahit simple ang kasal ay may pasabog din sila. Dito nila kami sinabuyan ng mga petals pagpasok namin sa reception. Habang ang mga nasa upuan ay pinatunog ang mga baso nila gamit ang fork at spoon. Nag-kiss kaming mag-asawa at saka sila nagpalakpakan. May nag-assist sa amin at itinuro kung saan kami mauupong mag-asawa. Naghanda pala sila ng short program para sa aming kasal. Nakakatuwa lang dahil wala naman ito sa ibinilin ko. May mga wedding ceremonials din na ginawa. Bumaha ang pagkain at may alak din. Hindi ako uminom dahil may lakad pa kaming mag-asawa pagkatapos nito. Kanina ko pa ngang doon na kami dumiretso kaya lang ay alam naming naghihintay ang aming mga bisita. Saka ang pangit tingnan na wedding reception ito tapos wala kaming mag-asawa dito. Para masaya ang laha

