DOUGZ’s POV Lumipas pa ang mga Linggo at nalalapit na rin ang graduation ng aking asawa. Malaki na rin ang kanyang tiyan at ilang buwan pa ay lalabas na rin ito. Madalas ay naka-upo lang siya o di kaya ay nakahiga at nagbabasa. Hindi naman din siya makakapagtrabaho dahil sa kalagayan niya. Pinipilit niiya ako na gusto niyang magtrabaho kapag nakalabas na ang aming babies. Nais niyang magtrabaho. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko, pero dahil mapilit siya pinayagan ko siya at sa akin siya magtatrabaho. Iyon lang ang pwede niyang pagpilian. Mag-stay sa bahay o magtrabaho sa akin. Ngunit duda ako na magagawa pa niyang magtrabaho. Baka kapag nakita na namin ang mga anak namin ay mahirapan kaming lumayo sa mga ito. Yes, babies. Hindi lang isa ang nasa loob ng kanyang sinapupunan. Kaming

