IVY’s POV Bumalik na kami ng Manila kagabi. Hindi na kami nag-paabot pa nang umaga ngayong araw dahil may mga gagawin sila sa kanilang mga opisina. Kahit si Dougz ay may meeting sa office at dahil ilang araw siyang hindi nagpunta sa opisina dahil sa nangyari sa aming dalawa ay tumambak ang trabaho niya. At ako na estudyante ay may pasok din. Lumiban din ako noong Friday kaya kailangan kong magtanong na naman sa aking bff na si Darren. Ang kaibigan ko na isinuplong ako sa asawa ko. Alam ko naman na concern lang siya kaya papatawarin ko siya. Kakalimutan ko na iyon dahil okay na kami ni Dougz. Hindi na kami nakapag-gala kahapon tulad ng usapan. Sumama ang katawan ni Criz. Wala na rin ang mga bruhilda paggising namin. Si Wayne lang ang nagsabi na maagang nagsialis ang mga ka-batch nila. W

