DOUGZ’s POV Nawala yata ang pagkalasing ko nang marinig ko na may dugo ang dalaga. Nasugatan pala siya noong masaktan siya habang nasa dilim kami. Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako dahil ako ang humila sa kanya. Wala naman akong nasabi sa kanya. Dahil wala naman talaga akong sasabihin kung hindi may gusto akong gawin at siya ang gusto kong kasama. Kung hindi ko siya nakita, si Lyn ang kasama ko at maligaya na kaming dalawa. Ngunit nakita ko siya at nagulo na naman ang sistema ko. Hindi siya tulad ng mga babaeng nakakasama ko sa mga ganitong kasiyahan. Bata pa siya at masisira lang siya kapag pumasok ako sa buhay niya. Kaya nga nagbalik loob ako sa mga kaibigan ko. Pero ngayon, siya na naman ang gusto ko at may gusto akong gawin sa kanya. Ang hindi natuloy na romansahan namin noon

