DOUGZ’s POV On the way na kami sa resort papuntang Laiya, Batangas. Convoy kami ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa nakikita si Lyn. Nasa ibang sasakyan sila. Sa resort na lang kami magkikita-kita. Si Lyn ay campus crush. Isa siya sa maraming suitors noong college days namin. May boyfriend na siya noong magtangka akong manligaw kaya wala rin pinatunguhan. Sinabi sa akin ni Hendrix noon na may crush ito sa akin kaya naman niligawan ko. Wrong timing at boyfriend n anito ang nanalong Mister University. Bagay naman sila. Hindi ko na rin pinilit ang sarili ko. After college ay wala na akong narinig tungkol sa kanya. Kung hindi sinabi ni Hendrix na bumalik na ito sa pinas, hindi ko malalaman na galing siya mula sa ibang bansa. Matangkad si Lyn, pang beauty queen ang kanyang height kaya kaunti l

