DOUGZ’s POV Sarap hambalusin ng pagmumukha ng lalaking iyon. Mabuti at nakapag-timpi pa ako. Sinita pa ako na mali ang binabantayan ko? Paki-alam niya kung si Ivy ang gusto kong bantayan. Huwag na siyang makatuntong sa bahay namin lalo na at doon niya lalandiin si Ivy. Sa isang banda, tama nga siya. Bakit hindi si Thisa ang binantayan ko? Bakit ang kaibigan ng pamangkin ko? Pero paki-alam ba niya kung sino ang gusto kong bantayan. Kapag sa iba sumasama siya, ako ang dami ko nang inialok sa kanya pero lahat tinanggihan. Kulang pa ba ang ginagawa ko, para pumayag siya? Sa inis ko, pinaharurot ko ang sasakyan ko. Naaasar ako, nagagalit ako, kung nagsalita pa yung lalaking iyon makakatikim talaga siya sa akin. Mabuti at hindi ako naka-inom kung hindi bugbog sarado siya sa akin. Kahit m

