DOUGZ’s POV “Bakit magsusuot ka ng undies?” tanong ko sa aking baby ng akmang isusuot na niya ito. “Di ba sabi mo kanina?” patanong na sagot naman nito sa akin. “Sabi ko bra, walang undies. Hindi na nila makikita iyan. Taas lang naman ang makikita sa screen,” nilapitan ko ito at kinuha ko ang panty na hawak niya. Wala na siyang nagawa ng kunin ko ito. Blinower na lang niya ang kanyang buhok at inayos ito habang ako ay nag-set up na sa may table na narito sa aking kwarto. Dahil maliit ang table isang upuan lang ang pwede. May solusyon agad ako. Kailangan ko lang siyang ikalong. “Baby, tapos ka na?” malakas kong tanong dahil nasa may closet siya. “Oo, tapos na. Labas na ako,” sagot naman nito sa akin. “Saan ako uupo? Dito na lang ako sa likuran mo tatayo,” sambit pa niya sa akin. “

