DOUGZ’s POV Tumango lang ako sa huling tinuran ng aking baby. Alam ko ang sagot sa kanyang tanong ngunit hindi ko na lang sinabi ang nalaman ko. Bago pa niya maisip ay iyon na rin ang aking gustong mangyari ang makasama ang parents niya. Ang daming magandang nangyari ngayong araw para sirain ko pa sa huling sandali. Ayaw kong makita pa siyang umiiyak ngayong papatulog na kami. Bukas ay panibagong araw at hahayaan ko na lang na siya ang makatuklas. Sasamahan ko siya at magbabakasakali rin akong nandoon ang mga ito. Ngunit, kung hindi rin lang sila makakapunta sa kasal o tatanggi sila, mas mabuti ngang wala sila sa bahay. Biglaan ang kasal kaya hindi sasabihin na pinagtaguan nila kami. Marahil magpapalipas lang sila ng kanilang nararamdaman. Sabi nga ni mommy, pasasaan ba’t magiging

