DOUGZ’s POV Miss ko na ang aking fiancée. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo. Mas madaming dumagdag na investors kaya talagang sobrang busy rin ako. May inaayos din akong property para sa future namin kaya nadagdagan pa ang aking gawain. Hindi ko sinasabi sa aking baby ang tungkol dito para masorpresa ko siya. Matatapat na nasa Singapore ako sa araw ng monthsary namin. Ika - one year and one month na namin. 13 months na kaming magkasintahan. Sa pagbalik ko na lamang siya ilalabas. Kahit busy kailangan kong bumawi na sa kanya. Mag-isang buwan na rin simula ng nagkasama kaming dalawa. Sobrang miss ko na ang baby ko. Sinabi ko naman sa kanya ang mga kasama ko sa training sa Singapore. Hindi rin ako naglilihim sa kanya. Oras lang talaga ang kinukulang. Tulog na lang ang pahinga ko. A

