DOUGZ’s POV Galit na galit ang baby ko sa akin. Ano kaya ang sinasabi niyang video na nakita niya? May scandal ba ako? Hindi ko na mahintay pa ang bukas. Si Miss Alma ang tinawagan ko at sinabi ko ang date na may live si Mr. Bayola. Itinapat pa talaga sa anniversary naming dalawa ng baby ko. Wala naman akong pinag-sabihan na monthsary namin ni Ivy. Kaya tingin ko wala naman pangsasabotahe na naganap noong araw na iyon. Palakad-lakad ako habang hinihintay ko ang message ni Miss Alma. Paano ako nito makakalma kung ang baby ko ay nagagalit sa akin? Pinagmamasdan ko siya kanina, parang pumayat yata siya. Sabi ko sa kanya lagi siyang kumain para mas magkalaman siya. Pati mata niya ay nanlalalim. Hindi kaya sa kakaisip rin niya sa akin dahil kasama ko si Eva? Kung pwede ko lang sana siyan

