IVY’s POV Narinig ko na ang lahat ng side ng stories at naniniwala naman ako sa sinabi nila. Ang dami kong nakain na kanin at kare-kare. Halos ako lang ang kumain pero ang bagoong hindi ko ginalaw. Nababahuan ako masyado. Dati naman paborito ko ito. Hindi siguro maganda ang pagkakaluto. Hindi ko pa rin binuksan ang phone ko. Bukas na lang pagbalik ko sa boarding house. Sana bukas ay hindi na ako antukin dahil may klase na kami. Tapos na ang foundation day ng school. Hindi na ako nagpunta dahil mapapagod lang ako. Mas ginusto kong umuwi sa aming bahay. At ngayon ang last day ko dito. Kain at tulog lang ako. Wala rin ako sa mood na mag-walking. Mas masarap magbabad sa kama at ngayon may kayakap pa ako. Ang baby bear ko. Mabuti na lang at hindi ako pinapansin nina mama at papa. Lagi n

