IVY's POV Natutuwa ako dahil ang boyfriend ko at best friend ko ay magkasundo na kahit aso't pusa sila madalas. Nag-uusap na sila pero lagi naman nakabantay ito. Tinitingnan ko na lang si Dougz para sabihing tigilan niya si Darren. At si Darren naman ay inaasar si Dougz pirmi. "Tito Dougz, ikaw na lang po ang hahawakan ko, okay lang po ba?" maarteng tanong nito. Lumantad na talaga siya kapag magkakasama kami. Ipapakita lang ni Dougz ang kanyang kamao kaya naman si Darren ay biglang tumitiklop. "Joke lang po iyon, Tito Dougz," sambit pa ng kaibigan ko. "Tigilan mo kakatawag mo sa akin na Tito, hindi kita pamangkin! Mukha ngang mas matanda ka pa sa akin!" tatawanan lang naman namin siya ni Darren kaya sa huli siya rin ang asar talo. At heto nga, nakiki-usap siya kay Darren para ito a

