DOUGZ’s POV Hirap na akong makahanap ng time para sa aking baby. Sobrang busy siya at ganoon rin ako. Miss na miss ko na siya. At habang miss ko siya ay may inihahanda rin ako para sa kanya. Kahit pagod na pagod na ako kapag nakikita ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Video call na lang kami nito. Bakasyon na sila at natapos na ang thesis nila at pumasa sila sa defense noong huling linggo ng pasukan sa school. Matatapat ang anniversary namin ng semestral break niya. Hindi ko alam kung tanda pa niya ang araw, kasi ako tandang tanda ko, ultimo mo Segundo ay masasabi ko kung kailan naging kami. Isa lang pinaki-usap ko kay Kuya Dax, na sana ay nandito siya sa panahon na iyon dahil three days ang kinuha kong booking sa resort na pupuntahan namin ng aking baby. Ito ang anniversary gif

