IVY’s POV Nakumbinsi ko rin si Dougz na doon sa office ni Tito Dax muna siya mag-opisina. Naiwan ako sa office niya kaya mas nagiging productive rin ako. Walang nangungulit at walang appetizer at dessert na nangungulit na sa akin. Dahil may CCTV sa kwarto ni Tito Dax, hindi rin siya makaporma kaya mas gusto ko na doon kami kakain. Pati usapan namin nito ay mahinang mahina para hindi kami marinig sa recorder. Bang higpit ng security dito sa loob ng kwarto ni Tito Dax. At hindi lahat ng empleyado ay alam ito. Gusto kong matawa kapag kumakain kami. Ang mga tingin sa akin ni Dougz ay akala mo takam na takam lagi. Para masabi namin ang mga laman ng aming isipan ay gumagamit pa kami ng phone para masabi lang ang nais namin. Lunch break at late na rin hindi pa rin kami nag-uumpisang kumain

