80

1437 Words

IVY’s POV “Anak, bakit ginabi ka na? Umaga ang flight nila Mrs. Martin, di ba?” bungad ni papa sa akin. Kuntodo punas pa ang ginawa ko kanina para hindi maamoy sa akin ang amoy ni Dougz. “Opo, papa. Umaga po ang flight nila ten o’clock po. Hinintay po muna namin na maka-alis ang plane bago po kami umalis. Baka magkaroon po ng delay o problema kaya waiting lang po kami sa airport. Hindi na po ako nakapag-message sa inyo na dumiretso po kami sa MGE. May gagawing trabaho si Tito Dougz kaya sumama na rin po ako para makabawas din po ng oras sa kailangang time na mabuo ko.” Paliwanag ko kay papa. “Mabuti naman kung ganoon. Hindi ka kasi nag-message kaya nag-aalala lang kami ng mama mo. Baka mamaya ay may kinasangkutan na pala kayong aksidente ay wala kaming kaalam-alam. Kumain ka na ba?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD