DOUGZ’s POV Wala na akong sinayang na sandali. Nakatulog na ako at nakakain. Tinulungan na ako ni Manang na maglaan ng mga damit at pati na rin damit ng asawa ko ay nagpalagay ako sa travelling bag ko. Sasabay ako ngayong gabi sa mga kaibigan ko. Kung pwede lang na magmagic ako para makarating agad ako sa lugar na iyon ay ginawa ko na. Kaya lang ay malayo ang Sorsogon at hindi naman ako basta makakaalis dahil hindi naman akin ang chopper. Excited akong makita na si Ivy. Halos dalawang araw na kaming hindi nagkikita. Dalawang gabi kami na hindi magkasiping. Nakakatulog kaya siya na wala ako sa tabi niya? Nagtungo na ako sa lugar kung nasaan ang chopper. Nagpahatid ako kay Tolits. Hindi pa alam ng mga kaibigan ko na may alitan kami ng asawa ko. Ang alam nila ay lakad ito na tulad

