DOUGZ’s POV Nag-ri-ring ang phone ko. Nandito ako sa wine counter, umiinom na mag-isa. Kahit sinabi ng asawa ko na okay siya, hindi ko naman alam kung nasaan siya? Siya okay, ako hindi. Tama ba iyon? Hinayaan ko lang na tumunog ito, baka ang secretary ko nangungulit. Ayaw ko silang maka-usap. “Dougz, tumutunog ang phone mo. Hindi mo ba sasagutin?” wika ni Manang sa akin. Nakatingin siya sa screen ng aking phone. “Hayaan na po ninyo iyan. Nangungulit lang po ang secretary ko. Kung pangalan ng baby ko iyan, sasagutin ko po,” sagot ko kay Manang at muli kong tinungga ang alak. “Hindi mo naman secretary ito, number lang ang nakalagay. Sagutin mo na, baka mamaya kung sino ito. Wala ang asawa mo, kaya kung unknown number dapat sagutin mo. Sana ligtas si Ivy, pero baka may kinalaman ito sa

