IVY’s POV “Ivy?” sambit ni Mama pagkakita sa akin. Namuo ang mga luha nito sa kanyang mata at kalaunan ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga ito. “Mama,” wika ko rin at binitawan ko ang bitbit kong paper bags para mayakap ko ang aking ina. Hindi ko na napigilan ang aking pagluha sa muling pagkikita namin ni Mama. Iyak ako nang iyak. Parang ang tagay kong nawalay sa aking ina. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Mama. “Mama, I’m sorry. Patawarin na po ninyo kami.” Sambit ko sa pagitan nang pag-iyak. Hinaplos – haplos ni Mama ang aking likuran. Naghalo na ang sipon at luha ko. “Shhh, tumahan ka na. Patawarin mo rin kami ng papa mo kung hindi ka namin inintindi muna. Pinairal namin ang galit. Nabigla lang kami anak kaya kami nakapagsalita ng masasakit. Mahal na mahal ka namin ng papa

