IVY’s POV Maaliwalas ang panahon. Mahangin kaya hindi masakit sa balat ang tama ng init ng araw. Tinanghali ako nang gising, bumawi ang katawan ko sa puyat at pagod. Pinakiramdaman ko ang aking katawan kung may masakit ba, wala naman. Dala ko naman ang vitamins namin ni baby kaya sana ay walang mangyaring hindi maganda. Baka tuluyan ng magalit ang aking asawa. Nag-check out na ako sa hotel at ngayon ay papunta na ako sa bahay nina Tita. Wala naman kaming bahay rito sa Bicol kaya nakikipanuluyan lang kami kanila tita sa tuwing umuuwi kami. Hindi ganoon kagandahan ang bahay niya kahit yari ito sa bato. Pero sa probinsiya, masasabi na nakakaalwan ito sa buhay. Sakto lang naman. May asawa na ang mga anak ni Tita kaya sila na lang ni Tito ang nasa bahay. May mga sariling bahay ang mga pinsa

