IVY’s POV Pagkatapos ng aming exam, nagpaalam lang ako na mag-CR lang ako. Hindi pa kami pinapalabas ng prof namin ngunit hindi rin ako pwedeng sumabay sa labasan. Mabubuko ako ni Darren. Pagpasok ko pwede naman ako magdahilan sa prof namin kung bakit hindi ako nakabalik agad. Sasabihin ko na lang pagbalik ko wala na sila. Nagmadali na akong umalis at tinungo ko ang papuntang gate kung saan ko iniwanan ang dala kong paper bag. Doon ko lang nilagay ang mga gamit ko. Kung kulangin ay bibili na lang ako. Hindi na naman mahirap makabili ng damit. Kahit saan ay may nagtitinda. Nakapag-withdraw na rin ako kanina. At may hinahabol na akong flight papuntang Sorsogon. Dahil gabi ang dating ko sa probinsiya, nag-book na rin ako sa hotel na malapit doon. Mahirap bumyahe papunta sa lugar nina Mama

