IVY’s POV Tinawag ako ni Tita Vicky dahil may bisita raw ako. Nagpaalam ako sa asawa ko at sinabihan ko itong sumunod na lamang dahil hindi pa siya bihis. Hindi pa ako tapos magsuklay kaya bitbit ko pa ito. Iba kasi muna ang inatupag ko pagkatapos naming maligo. “Tita, sino po ang dumating?” tanong ko pa kay Tita na abala sa may kusina. Naghahanda na sila ng para sa pananghalian. “Si Januar. Hindi pa pala kayo kumakain ng asawa mo, hindi pa nagalaw ang pagkain dito. Ipagtitimpla kita ng gatas at baka naman nalilipasan ka na ng gutom,” sumabat si Mama. May nililinis naman ito sa may lababo. “Please po, Mama. Pwede rin pong pakidamay ang asawa ko ng kape. Thank you po, Ma,” yumakap pa ako rito. Hindi man lang ako nagmamadali na lumabas kahit alam ko na si Januar ang nasa may sala. N

