DOUGZ’s POV Sobrang nahihiya ako dahil naririnig pala kami sa labas ng kwarto. Okay naman sa bahay ni Tita Vicky kaya lang ay mahirap mag-control sa nararamdaman naming mag-asawa. Lagi namin gustong magkadikit. Habang nagpapahinga kami ng aking misis sa kwarto na gamit namin ay tumunog ang aking phone. Tiningnan ko ito at nakalagay ang pangalan ni Wayne. Agad ko rin itong sinagot. “Hey bro!” bati ko sa kanya. “Mukhang masaya na naman ang aming kaibigan?!” tumawa lang ako sa sinabi niya. Alam na niya ang ibig sabihin no’n kahit wala ng salita. “Napatawag ka?” “Nakaka-istorbo ba kami? Malapit na ba? Ano ibababa ko muna ito para maituloy mo?” biro pa niya. “Loko ka talaga! Nagpapahinga lang kami. Anong atin?” “Malapit na kami sa San Nicolas, naisipan namin na puntahan kayo at

