Chapter 2 :
White Ladies
- Keira's POV -
Maaga na kaming naging lahat at sabay-sabay kaming bumaba. Pagbaba namin doon ay nandoon na si Tito. Umupo na kaming lahat at sabay-sabay kaming kumain. Napatingin naman kami kay tito na kanina pa walang sigla.
"Tito Rino? Bakit ka po malungkot?" Inosenteng tanong ni Saira.
" May utang kasi ako sa kumpare ko. Hindi ako makatulog ng maayos." Saad nito na halata ang pagod sa muhka. Biglang umupo ang dalawang pinsan ko pero nakay Saira ang atensyon ko.
"Tawagan nyo po sya. Tapos sabihin nyo po, di kayo makakabayad. Para sya naman ang di makatulog. Thank me later!" Masayang saad nito. Lahat naman ako ay nagtawanan kasama na si Tito at dalawa kong pinsan.
"Bakit? Haha! Bakit kayo tumatawa?" Inosente nitong tanong at lalo kaming tumawa dahil nakitawa narin sya kahit di nya alam kung anong ikinakatawa namin. Maya-maya ay nahimas-masan na kami. At saka ako bumaling sa mga pinsan ko.
"Kumusta na kayo, Kejin and Kendric?" Bigla kong tanong sa mga pinsan ko.
" Akala ko ay di mo na kami naaalala, ate Kiera." Parang malungkot na saad ni Kendric.
" Pwede ba naman yon? Ehh kayo nalang naman ang kasama ko sa buhay, bukod dyan sa kuya ko. Wala na akong ibang makakasama." Malungkot kong saad.
" Ate, nandito naman kami. Si Daddy, Kami ni Kenji at silang kaibigan mo at si kuya Kalen tapos si Mommy." Masayang saad ni Kendric. Bigla naman akong kinilabutan sa huling sinabi nya.
"Nasaan nga pala ang Mommy nyo?" Inosenteng tanong ni Saira. Bigla naman syang hinampas ni Kalen. At may ibinulong si Kalen sa kanya at biglang nanlaki ang mata nito.
"S-Sorry... Di ko alam..." Parang napahiya ng husto si Saira at bigla syang inalo ni Rehan.
"Bakit ka nagsosorry, ate? Mom is here nga ehh." Masayang saad ni Kenji at masayang tininuro ang tabi ng papa nya. Bigla akong napatayo ng makitang nakatingin sya sa akin.
"H-hoy, sis, b-bakit?" Biglang tanong ni Kalen.
" T-tita... " Natatakot kong saad. Dali-dali akong naglakad ng bigla syang humakbang papalapit sa akin.
"Ikaw! Umalis ka na! Tumahimik ka na! Wala ka ng puwang sa mundong ito!" Biglang sigaw ni Bryan. Tapos ay tumingin sa kanya si Tita at naglakad ito papalayo sa kanila at biglang naglaho.
"Kelan pa sya nandito pagkatapos nang aksidente?" Tanong ni Bryan sa kambal.
" Nandito sya palagi. Kahit di namin sya nakikita ay naririnig namin sya." Sagot ni Kendric habang tumatango naman ang kambal nya. Napatingin ako kay Tito. Nakatingin sya sa plato at may tumutulong luha sa mga pisnge nya.
"Sa tingin ko... Kailangan tayo ng Tita mo, Keira. " Saad nito sa akin.
" Anong sinasabi mo? " Saad ko ng puno pagkalito sa buong katauhan ko.
"Basta. Sa tamang oras, malalaman mo din. Pero sa tingin ko ay hindi na sya babalik." Saad nito habang nakatingin sa dinaanan ni Tita.
Lumipas ang ilang oras ay pumunta na kami ngayon sa bagong school na pag-aaralan namin. Tahimik doon, siguro dahil walang mga istuyante. Sa susunod na linggo pa kasi ang pasokan kaya buti nalang at nakalipat na kami kaagad dito.
"Ok na ba kayo dito sa school na to?" Tanong ni Tito.
" Ayy, bet ko na sya, Tito Rino! Pero mas bet ko yung principal kanina. Uhm! Ulam!"
" Tumigil ka nga bakla! Para kang asong ulol! " Saway ni Niki sa kanya.
"Hiya naman ako sa pormahan mo, ateng! Dinaig mo pa lalaki, ehh!"
" Kesa naman sayo! Labas na itlog mo, ohh! " Turo nito sa sandata ni kuya at si kuya naman tinakpan iyon at sinamaan ng tingin si Niki.
"Ang bastos mo, Niki!" Inis na saad ni Kuya na masama parin ang tingin kay Niki.
"Totoo naman, ehh! Sobrang kapal ng make-up mo! Para kang clown!"
" Kesa naman sa inyo ng kapatid ko. Di marunong mag-ayos ng sarili! Kapatid ko, nerdy tapos ikaw, tomboy!"
" Tama na nga yan! Baka mamaya may mabulabog kayong hindi nyo nakikita. " Pananakot ni Bryan.
" Bryan, ayan ka nanaman ehh!" Biglang nagtago si Thalia sa likod nya. Naglakad na kami at sabay-sabay kaming umuwi ng bahay. Van ang gamit naming sasakyan dahil siyam kaming lahat.
Makalipas ang ilang minuto ay nakauwi na kaming lahat. Napag-desisyonan naming maligo nalang sa swimming pool. Masaya kaming naligo at nagbabad doon. Umahon lang kaming lahat ng tawagin kami ni Aleng Linda para magmeryenda.
"Ate Saira, pag binigyan kita ng 3 cupcakes at binigyan ka ni Kenji ng 4. Anong sasabihin mo? "
" Thank you. " Inosenteng sagot nito. Humagalpak naman ng tawa ang kambal. Iiling naman akong binatukan sila.
"Kayo, lagi nyong pinagti-tripan ate Saira nyo. Hindi maganda yan ha?"
" Ehh, bakit si kuya Trey po, pwede? " Tanong naman sa kanya ni Kenji. Inis naman akong tumingin kay Treyton.
"Gago ka!" Malakas na mura ni Rehan. Tapos ay naghabulan sila sa paligid ng pool. Hingal na hingal na ng makabalik ang dalawa.
"Tingnan mo kakahabol mo sakin wala na tayong meryenda." Nakasimangot na reklamo ni Treyton. Tinawanan lang sya ni Rehan. Maya-maya pa ay bumalik na kami sa pagligo habang naiwan naman sila Rehan at Treyton dahil kumakain pa sila ng bagong dala para sa kanila ni Aleng Linda.
"Oyy! Hoyy! Ano ba!"
"Waaa! Bakla ka don ka!!"
" Hoy! Bryan! Wag! "
Kanya-kanya kami ng sigawan habang nagtatampisaw sa tubig ng lumusong na sila Trey at Rehan at nag volleyball game kami sa pool. Kakampi ko si Thalia, Si Kuya, Si Kendric, Si Bryan. Bali lima kami sa isang team.
"Ohh! Pak!" Malakas na sigaw ni Kuya at tumalon pa.
"Hahaha! Trying hard si bakla!" Natatawang saad ni Thalia at nagulat kami lahat ng bigla syang mabato ni Niki.
"S-Sorry, Thalia. Di ko s-sinasadya." Saad nito habang nilalapitan si Thalia.
"Ok lang. Di naman masakit, ehh." Saad nito at ngumiti. Ngumiti din si Niki pero may pag-aalala parin sa tingin nya.
"Are you sure na ok ka lang?" Tanong ulit ni Niki. Nakangiti namang tumango si Thalia. Nagpatuloy ulit ang laro at parang walang nangyari. Masaya at masigla parin ang laro kahit may aksidenteng ganon.
Matapos naming magtampisaw ay umupo muna kami sa sala. At ayon nanaman ang ugali nilang mag-kwentuhan at kutyain ang isa't isa.
"Saira, Tatanongin kita ng English, tapos sagutin mo ng Spanish, ok?" Seryosong saad ni Rehan.
" Ok! " Masiglang sagot ni Saira.
"What is the most important? Heart or Brain?" Tanong nito.
" Spanish! " Mabilis na sigaw ni Rehan at humagalpak kami ng tawa lahat. Sya naman ay nakitawa kahit di nya alam kung ano ang ikinakatawa namin. Nawala ang tawa naming lahat ng biglang tumayo si kuya.
"Ano ba, Niki?! Ayosin mo nga yan! Ang likot-likot mong umupo!" Inis na sigaw ni Kuya.
" Bakit ko pa aayusin kung magugulo lang din naman ulit? " Pilosopong tugon ni Niki.
" Edi wag ka narin kumain! Itatae mulang din naman!" Sigaw ulit ni kuya at saka tumabi kay Thalia. Natawa naman kaming lahat. Di pa man kami nakakabawi ay bumanat naman si Niki.
"Ohh! Ayan na senorito... Senorita... Senori--- puta, bakla, ayos na! " Mas lalo kaming natawa dahil di alam ni Niki kung anong itatawag kay kuya.
"Gago--- Hahahaha! Tama na! Ang sakit sa--- hahaha! Sa tyan! Hahahaha!" Natatawang reklamo ni Treyton. Unti-unti kaming nahimas-masan lahat at masama ang tingin saamin ni kuya.
"Ano masarap ba sa pakiramdam? Ha?!" Napipikon na tanong nito kaya di ulit namin mapigilan ang pagtawa.
"Hahaha! Ayoko na talaga! Hahaha!" Natatawang saad ni Thalia habang unti-unting nababawasan ang kaninang matinding tawa nya. Ganon din kami. Hindi nga namin namalayang tumatawa narin si Niki sa sobrang pula ni Kuya sa inis.
"Tangina... Ano? Happy pill nyo ko? Ha? Happy pill? Happy pill? Mga letse! " Saad nito kaya natawa nanaman kami.
--- To Be Continued ---