Chapter 3 :
White Ladies 2
- Keira's POV -
Matapos ang masayang araw ay masaya din kaming naghapunan. Lahat kami ay nagtatawanan parin hanggang ngayon. Dahil sa mga biro nila Kenji, Kendric, at Trey. Pero minsan hindi maganda dahil pinagtri-tripan nila si Saira.
"Kuya Trey! English mo nga to!" Ayan nanaman si Kendric. Magsisismula nanaman sila dito sa sala.
"Sige ba, Best in English ata 'tohh!"
"Hoy! Ako ang Best in English!" Angal ni Kuya.
" Talaga namang ikaw. Alangan naman si Thalia maging Best in English, ehh, putol-putol english at tagalog nya. Minsan di mo pa magegets. " Ngumisi si Trey kay Thalia. Si Thalia naman ay nag-pro-protesta.
"You don't have alam in my brain. Ayoko din namang i-switch my brain to yours, iww baka im going to be a bobo girls. I can't afford that! " Pagbawi ni Thalia.
" Ok lang. At least kahit sa papel. Diko maiisipan magsulat ng kanya! " Asar nito kay Thalia.
" Talaga! Because you always lipat-lipat chairs when there's an exam. Then, you're going to kopya kopya our tests! " Saad nito. Masama naming tinignan si Trey.
"Tangina. Papa Trey, True ba?" Tanong ni Kuya.
" Oo ehh, " nahihiyang saad ni Trey at kumamot pa sa ulo nya. Bigla naming sinugod si Trey at bigla naming kinuyog.
"Tangina mo! Kaya pa lagi mataas score mo kasi kinukopyahan mo kami!"
" Hayop ka! Traydor! "
" Hindi ako---aray! Traydor! Nangungupya lang--- ahh!" Angal nya. Lalo naman kaming nagalit.
"Tama na yan. Matulog na kayo. Maaga kayo gumising bukas. Dahil may pupuntahan kayo ng senorito. Magandang gabi." Nakangiti pero istriktong saad ng isang matandang babae.
"Sino yon?" Tanong ko.
"Anong sino yon?" Tanong nila.
"Yung matanda. Yung nagbi--- asan na yung binigay nya?" Lumapit ako sa lamisang nilagyan nya ng meryenda.
Alam kong may inilagay sya. Nakita ko yon. Pero ngayon wala na.
"Anong matanda? Sinong matanda? May dumaan ba dito?" Tanong nila.
" Matulog nga tayo. Antok mo lang yan, girl." Sabat ni Kuya.
"Pero meron nga----"
"Hay! Sasagot pa! Sino ba ang kuya mong ganda detey? Ah! Tara na nga!" Saad nito sabay hugot sakin papunta sa kwarto. Inikot ko ang ulo ko pero hindi ko na nakita ang matanda. Hanggang sa makaakyat na kami.
"Ohh. Pumasok ka na. Antok lang yan, sis. Tatakotin mo pa kami. May third eye? May third eye lang peg?" Mataray na saad nito.
" Oyy. Tama na yan, Kalen. Wag mo ng anohin yang kapatid natin--- este kapatin mo pala. " Gulat naman kaming nilingon si Niki.
"Bakit? Kayo ba? Ano ba tingin nyo kay Keira?" Tanong nito.
" Ayy! Oo nga, tehh! May point ka! Hmm, pak!" Saad ng kuya ko sabay pabirong hinampas si Niki sa balikat.
"Matutulog na kami. Good night!" Malakas na saad ni Saira.
" Good night!" Paalam din ng mga boys. Lumipas ang ilang minuto ay nakatulog na kami.
"Keira...!" Mahinang sigaw galing sa kung saan. Napatingin ako sa paligid.
Wala ako sa bahay nila Tito. Hindi ko alam kung nasaan ako.
"Keira..." Mahinang tawag nanaman sa pangalan ko. Nagpalinga-linga ako at may napansin akong babaeng nakatayo sa may hindi kalayuan.
"Keira..." Tawag ulit sa mahinang paraan. Unti-unti akong lumapit sa kanya.
"Keira..." Tawag ulit nito. Mahina parin ang paraan noon. Nang makalapit ako ay alam kong sya ang tumatawag sakin.
"Miss, are you ok?" Tanong ko at hinawakan ang balikat nya. Itinaas nya ang muhka nya at gulat akong napaatras. Nakakatakot ang muhka nya. Bigla naman syang tumawa ng nakakabingi.
"Keira!!" Sigaw nito sa malakas na paraan naman.
"A-ahh!" Masakit sa tenga yung pagtawag nya at pagtawa. Bigla akong napaupo sa lupa. Napahawak ako tainga ko at nagulat ako ng may makitang dugo doon.
"Mamamatay ka na, Keira!!" Saad nito habang mabilis na humahakbang papalapit sakin. Mabilis naman ako napaatras sa kinauupuan ko. May hawak na syang kutsilyo at mabilis sya nakalapit sa akin. Pumikit ako ng ilang saglit. Pagdilat ko ay wala na akong makitang babae. Ako nalang ang naroon. Nakaupo sa lupa.
Tumayo na ako at nagulat ng biglang may humawak sa leeg ko at tinapatan ng kutsilyo. Di na ako nakapumiglas dahil bigla nyang ibinaon iyon sa gilid at pahugot na hinila pa punta sa kabilang bahagi.
Bigla akong napabalikwas ng upo. Mapalingon ako sa paligid. Nandito na ako sa bahay namin dito sa Santa Fe. Gulat ako napahawak sa tainga at leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil panaginip lang pala iyon. Hindi parin ako makahinga ng maayos. Pawis na pawis parin ako at naghahabol ng hininga.
Tumayo ako para uminom ng tubig sa ibaba. Habang pababa ako ay naiisip ko parin ang muhka ng babaeng iyon. Nakakatakot talaga ang muhka ng babaeng iyon. Parang may nangyaring hindi maganda sa kanya dahil sa muhka nya.
Nakarating na ako ng kusina at wala na akong sinayang na oras at uminom na agad ako. Para akong maubosan ng tubig sa katawan dahil don sa panaginim kong iyon. Binalik ko na ang pitsel sa ref at pumunta ako sa lababo para hugasan ang basong ginamit ko.
"Keira..." Ayon nanaman ang tawag na yon. Di ko nalang pinansin dahil alam kong sa panaginip ko lang yon kanina. Habang binabanlawan ko na ang baso ay parang may dumaan sa likod ko.
Tumingin ako sa pinanggalingan ng dumaan at tumingin din ako sa dinaanan nito. Wala akong makitang tao doon. Tinapos ko na ang pagbabanlaw at ibinalik na ang baso. May sariling isip na naglakad ang mga paa ko at sumunod sa nilakaran ng dumaan sa likod ko kanina. Naglalakad na ako papapunta sa sala ng bigla...
"Ohh, Keira?" Halos mapatalon ako sa gulat at nahahalog hininga akong humarap sa tumawag sa akin. Si Aleng Linda pala iyon.
"Nakakagulat naman po kayo." Saad ko habang nakahawak sa dibdib ko, naghahabol parin ng hininga.
"Bumalik ka na sa kwarto nyo. Matulog ka na ulit. Ano bang ginagawa mo dito, bata ka? "
"Uminom po ako ng tubig... "
Sabihin ko ba?
" May nakita po akong babae sa panaginip ko kanina. Tapos kaya po ako napunta dito simula sa kusina kasi parang may dumaan po sa likod ko kaya... Sinundan ko po.... Kaya nandito na ako ngayon." Saad ko.
" Naku, tinatakot mo lang ang sarili mo. Matulog ka nalang ulit, oo." Hinawakan nya ako sa balikat at sinamahan ako hanggang sa makaakyat ako. Bumalik na ako sa pagkakatulog ko.
--- To Be Continued ---