Chapter 4 :
White Ladies 3
- Keira's POV -
Lumipas na ang mga araw at ngayon na ang first day of school. Noong una ay dapat hindi muna kami bibigyan ng school at pe uniforms dahil di pa daw kami nasusukat pero buti lang ay nagkasya samin ang mga uniform na nakastack doon sa faculty kaya may uniform kami ngayon. Naglalakad na kami papasok at nagkwe-kwentuhan kami.
"Sana ay maraming papa rito. Ayy! Di na talaga ako aalis ng Santa Fe." Saad ni Kuya habang naglalakad kami papunta sa room namin.
"Tara hanapin muna natin mga lockers natin." Yaya ni Saira.
" Kami nalang, sis. Baka maligaw ka pa kahit kasama mo kami." Mataray na saad ni Kuya at nagkibit-balikat lang si Saira. Naglalakad na kami ng ilang hakbang hanggang sa marating na namin ang mga lockers.
"Malapit lang pala sa classroom natin ehh" Sa Santa Fe. Ang mga lecturer ang pupunta sa classrooms kaya walang students na nakakapag-cutting class.
"Buti nga ehh. Para di ako maliligaw." Nakangiwing saad ni Saira.
" Kung aalis ka at di ka sure kung alam mo. Pasama ka sa isa sa amin. Para makasiguro kaming di ka mawawala." Nakangiting saad ni Kuya. Sumang-ayon naman kaming lahat.
"Hi!"
"Ahh!" Sabay-sabay naming sigaw dahil sa gulat. Napatingin kami sa gilid at nakita naming nandoon ang babaeng muhkang kaedad namin.
"Hi. Sorry nagulat ko ata kayo." Nahihiyang saad nito habang kumakamot sa ulo nya.
"Ano ka ba naman, teh! Nakakalerki ka! Wag ganon! Bad yorn!" Maarteng sigaw ni Kuya.
" By the way. My name is Ivy." Inilahad nya ang kamay nya sa amin.
" I'm Keira." Inabot ko ang kamay nya at di ko alam kung bakit tumaas mga balahibo ko. Sya na ang kusang bumitaw. "Ang lamig mo, Ivy."
"Humawak kasi ako ng relo kanina." Sagot nito.
" Hi, sis. I'm Thalia." Kumaway sya sa babae.
"I'm Rehan." Nagtaas sya ng kamay.
"Saira here!" Kumaway sya.
" Trey po. At your service." Sumaludo pa.
" Nikita. Niki nalang." Parang lalaking saad nya.
" Bryan." Malamig na bati nya sa babae.
" I'm Kalen. You can call me Kaleny." Masayang bati ni kuya habang bahagyang tumatalon-talon at kumakaway-kaway.
"You're so puti naman. What is your skin care?" Tanong naman ni Thalia.
" Wala." Sagot nito at lahat kami ay napatingin sa bell kasi tumunog na iyon. "See you, guys. Nice meeting you all!" Saad nito habang naglalakad at kumakaway-kaway sa amin. Naglakad na kami at sabay-sabay na pumasok pero napahinto kami dahil hindi kami kasya. Napaatras kaming lahat.
"Ano ba, Thalia. Ang taba mo kasi, kaya di tayo kasya." Inis na sigaw ni Kuya.
" Ow. Im so shy at your binti! Is that a pork's feet?" Pilosopong saad naman ni Thalia.
" Bruha ka talaga! Hmp!" Humarap si Kuya sa pinto at akmang maglalakad na pero bigla itong tumigil at may hinawakan. May tiningnan ito sa itaas at may kinuhang balde doon.
"Ahm? Di ko naman alam na pati sa classroom, kailangan may balde ng tubig na punong puno at kung nagtuloy-tuloy ako ay tyak na tatawa ang punyawang hinayopak na naglagay nito!" Sigaw nito habang nakatayo sa tabi ni Miss at nakaharap sa mga classmates namin.
"Di ako galit. Nagpapaliwanag lang." Saad nito at ibinaba ang hawak na balde. " Letse! Ihi pa talaga ang nilagay mong hinayopak ka! Sisirain mo ang beauty ko ah! " Sigaw nanaman nito. Humarap ito sa lecturer naming parang di parin nakakabawi sa gulat. "Hmp!" Mataray na saad nito at umupo sa isang bakanteng upuan. Nagpalinga-linga ito at biglang naglakad. Papunta sa isang upuan. At doon naupo.
"Dito nalang po ako, miss. I know naman na malaki akong babae kaya ok na ako." Saad nito at ako naman ay naglakad na ang naupo na sana ng bigla nya akong pahintoin bigla ito tumayo.
"Miss naman! Bakit may mga pandikit ibang upuan dito?!" Inis na sigaw ni Kuya.
"Mr. Santos?! Go to Dean's office! Now!" Sigaw ni Miss. May istuyanteng tumayo at natungong tumayo. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat nya. Gulat naman syang tumingin sakin.
"Wag ka ng malungkot. Mainit lang talaga ulo ng kuya ko. Wag mo ng uulitin ha?" Nakangiting saad nya. Parang wala naman sya sa sariling tumango sakin saka ko binitawan ang balikat nya.
"Im sorry kung ganto agad ang first day nyo, new transfers. Nasanay na kasi ang mga students na sila lang ang nandito sa school. Yung huli kasing mga nagtransfer dito, namatay na 1 year ago." Saad ni Miss na nagdulot ng gulat at takot sa akin.
Lumabas na ang lecturer namin kasama ang kolokoy naming kaklase habang nagsitayuan naman ang iba naming kaklase at lumapit sa amin.
"Grabe, ang galing mo, pano mo nakita yun? Kami ngang paulit-ulit na natatalisod non, di parin namin nakikita."
"Oo nga. Pano mo nagawa yon?"
" Ang astig mo, dude!" Sigaw ng mga lalaking nasa likuran ng mga babaeng nasa harapan namin.
"Jusko ka, juswa! Muhka ba akong dude sa kapal ng make-up na to! At sa babaeng babae kong lakad na yon? Mg! Halos rumampa na nga ako eh!" Pabirong saad ni Kuya kaya nagtawanan naman kaming lahat.
"Sali kayo sa club namin." Sabay ng isang babae.
" Chelsea, ano ba?! Shempre samin yan!" Sabat ng isa pang babae.
" Ano bang clubs yan? Pag night club, di ako sasali." Masungit na saad nito. Natawa naman kaming lahat.
"Music Club!"
"Dance Club!"
"Art Club!"
" Gusto ko Paranormal Club." Masungin na saad ni Kuya. Natahimik naman ang lahat. "Ok! Kami ng mga kaibigan ko ang Paranormal Club!" Malakas na sigaw ni Kuya.
" Bahala kayo." Saad ng isa at kumaway silang lahat bago umupo. Naupo na kami sa malapit sa kanya.
"Seryoso ka ba don sa sinabi mo?" Tanong ni Rehan.
" Oo." Sagot ni kuya.
"Mas ok na yon. Para di tayo magkahiwa-hiwalay." Saad ni Bryan.
" Oo nga. Tyaka nandyan naman si Creepy boy, ohh" turo nito kay Bryan, natawa naman kami. Dumating na ang lecturer namin at muhkang sya ang Advicer namin. Kasama nya narin ang kaklase naming kolokoy. Sumandal si Miss sa lamesa at sinundan ng tingin ang kaklase namin.
"Wag mo ng uulitin yon, Vincent! Gusto mo bang makarating ito sa mga magulang mo?" Tanong ng guro namin.
" Hindi po, miss." Sagot ng lalaking katabi ko. Sya yung kolokoy.
"Pasalamat ka. At muhkang hindi naman magrereklamo ang mga bago mong kaklase kaya magpasalamat ka sa kanila." Saad ulit ng guro namin. Humarap naman sa amin si Vincent.
"I'm sorry, di ko na uulitin. Next time nalang." Saad nito habang nakatungo. Nagkatinginan kaming wala at nagtawanan.
"Alam mo magkakasundo kayo ni Rehan. Parehas kayong loko-loko pero gwapo. Uhm! Papa!" Sigaw ni Kuya at tumayo pa.
" Tumigil ka nga, bakla. Baka palayasin tayo dito dahil sayo." Mapang-asar na saad ni Niki.
" Tigilan nyo ko ha! At wag kang lalapit sakin, Rehan! Masasakal kita!" Parang nanggigil na saad nito. Umupo na ulit ito at tumahimik na.
"So. Ito ang mga bago nyong kaklase. Bago silang lipat dito sa Santa Fe. Nung isang linggo lang sila nakapag-enroll kaya late na sila." Bumaling ito sa amin. " May napili na ba kayong Club?" Tanong ni Miss samin.
" Opo." Magalang sa sagot ni kuya.
"Ano?"
" Paranormal Club po!" Malakas na sagot ni Kuya.
" Galit ka?"
"Di po ako galit. Sumasagot lang." Saad ni kuya at tumahimik.
" Si.... Ge. Pumunta kayo sa office ko mamaya. Ipaparegister ko kayo. Ok! Class! Introduce yourself!" Malakas na sigaw ni Miss. Tumayo agad ako.
"Hello, Im Keira Micaela Tuckers. I'm 16 years old. And i believe that every people has their own beauty because god created us. But Kuya? Who the hell create you?" Pilosopo kong tanong at humarap sa kanya.
"Gawd! Keira, sino pa? Edi mga magulang natin! Tanga mo talaga, sis!" Pikon na saad nito. Natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi nya. Umupo na ako at ang sumunod na tumayo ay si Niki.
"I'm Nikita Shikari Tokomoto. And I'm half-Chinese half-Pilipino. Im 16 years old too."
" Lahat naman kayo 16 years old. Maliban sa amin ni Papa Bryan. Sabi sayo tayo talaga ang itinadhana." Saad nito na may malanding boses ay hinawakan ang balikat ni Bryan sa malding paraan.
"No, thanks. May gusto na akong iba." Saad nito sa masungit na tono. Natawa ulit kaming lahat dahil sa pagsimangot ng kuya ko.
"Ok. Kay papa Rehan nalang ako." Saad ni kuya at bumaling kay Rehan.
" Naku, tigilan mo nga ako, Kalen. Di tayo bagay!" Malakas nitong saad at tumawa kaya kami ay tumawa rin. Biglang tumayo si Saira.
"Hi, everyone! I'm Saira Shimoto Tokomoto. Im a half Chinese too. And i believe that if you are the Best in English. And your Teacher said that you have to translate the "ang iwak ay hinang-hinang naglalakad" just answer " Da wak wak wek wek wok wok"! And i thank you!" Malamiss universe nitong saad. Natawa naman kaming lahat. Nang umupo na sya ay tumayo na si Thalia.
"Hi! I'm Thalia Gozon. Kabit ni Lee R---"
" Hoy!" Sabay-sabay naming angal.
" Haha! Im just making biro here! Im Thalia Fay Rivera. And I'm beautiful. Thank you!" Masiglang saad nito at umupo.
" Oww! Lakas ng hangin!" Sigaw ni Kuya. Lahat naman kami ay nagtawanan. Tumayo naman si Trey.
"Treyton Raniel Gomez here! Im the kolokoy of paranormal Club!" Sigaw nito at sumaludo sa guro namin tapos ay umupo na ito. Sunod na tumayo naman si
"I'm Rehan Vince Martinez. Nice to meet you all." Pormal na saad nito at saka umupo. Sumunod naman sa kanya ay si Bryan.
"Im Bryan Jonathan Hicks. Ako ang pinakamagaling sa paranormal Club/squad."
" Ang kapal mo naman, Mr. Creepy." Sakrastikong saad ni Kuya. Natawa naman kami. Umupo na si Bryan at si Kuya namang ang tumayo.
"Im Kalen Mark Tucker. Ako ang mutya ng Section E."
" Hoy!"
" Shempre, charot lang. Kayo naman, di na mabiro. Naniniwala ako sa kasabihang 'pag naiinggit, pikit!' and i thank you!" Saad nito at umupo.
" Grabe! Walo lang kayo pero halos magtrenta minutos na ang introduction nyong walo." Natatawang saad ng guro namin. " By the way, Im Miss Zerna Cayabyab. Call me Miss Zerna. Nice to meet you all." Bati ni Miss Zerna samin.
" Kasing ganda ni Miss pangalan nya. Sana all diba, miss?" Saad ni Kuya. " Miss feeling ko nagiging lalaki na ako. Pwede ba kitang ligawan? Hihihi." Hagikgik nito sa sariling katarantadohan.
"Ayiee!" Napuno ng panunukso ang buong classroom.
"Naku! Nag-ayiee naman kayo! Di kami talo ni Miss, no! Bawal ang girl to girl!" Saad ni Kuya sabay halakhak ng malakas. Napatingin ako kay Miss na nakangiti habang umiiling.
"Ok. Tama na. Kayong walo. Sunod kayo sa akin. Pupunta tayo ng Dean's office."
" Miss! Wala po kaming ginawa!" Biglang saad ni kuya, sa OA na paraan ang pagkakasabi. Bigla itong may itinuro. " Sya! Sya ang may kasalanan...." Nagulat kami ng biglang mapaupo si Kuya at biglang manginig sa takot. Napatingin naman ako doon sa itinuro nya. May babae doong nakamasid samin at nakangiti.
"B-bryan. Y-yung babae." Saad ni Kuya. Habang nangangatog parin sa takot.
"Umalis ka!" Sigaw ni Bryan. Nakatingin ang mga tao doon sa amin. At kami naman ay nakatingin sa labas.
"Miss. Tara na po. Punta na tayo." Saad ko kay Miss.
" H-hindi! Ayoko pang lumabas baka nandyan parin sya!" Sigaw ni Kuya habang nanginginig parin sa labas.
"Umalis na sya. Nandito kami ng kapatid mo." Pagpapakalma sa kanya ni Bryan. Humarap naman ako sa mga tao.
"Pasensya na po. Nakakita po ata si Kuya ng kaluluwa. Ganyan po sya kapag nakakakita ng ganon." Saad ko habang tumutungo-tungo.
" O-ok lang. P-punta na tayo ng Dean's office. Nakakatakot naman iyon." Natatakot na saad ni Miss. Naglakad na kami at ilang saglit lang ay narating na namin ang Dean's office. Nag-usap sila saglit ni Miss Zerna pagkatapos ay lumabas na si miss Zerna.
"Sorry kung natakot kayo." Bungad ng Dean. "Marami talagang nagpaparamdam dito... Pero wag nyo nalang pansinin. Para di na kayo maabala at matakot." Nakangiting saad ng Dean.
" I-snob-an ba ang usapan? Magaling kami dyan!" Masiglang saad ni kuya, parang walang nangyari. Ngumiti sya samin at saka kami nagsimula.
May dinisscuss syang mga rules and regulations. Pinagtest nya din kami dahil nakalimutan itong gawin noong pumunta kasi. Wala din daw sya kaya hindi nya kami na entertain. Nang matapos na kami sa pagtetest, inihatid kami ni Dean sa classroom namin.
"Miss Gonzalez, nandito na po ang mga bagong estudyante." Nakangiting saad ni Dean. Pinaupo na kami at saka kami nakinig sa mga lessons.
--- To Be Continued ---