Chapter 5:
White Ladies 4
- Keira's POV -
Nandito kami ngayon papunta sa Canteen dahil break time na. Naglalakad na kami para om-order sa counter. Pagtapos naming makuha ang order namin ay humanap na kami ng upuan. Nang makahanap na kami ay umupo na kaming lahat.
"Ang creepy talaga. Si Dean na ang nagsabing, may nagpaparamdam dito... Pero dahil sinabi nyang snob-in nalang daw. Fine!" Saad ni Kuya sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko.
"Hi!"
"Ahh!"
"Ayy, pisteng yawa!" Naiibang sigaw ni Kuya samin. Gulat kaming tumingin sa pinanggalingan ng tinig.
"Ano bayan! Nakakagulat ka naman, Ivy. Pwede namang di manggulat, diba?" Masungit na saad ni Kuya sabay subo.
"Kumusta?" Tanong ko habang sya naman ay isa-isa kaming tinitignan.
"Wala naman. Sabi ko kanina diba magkikita pa tayong lahat?" Saad nito habang nakangiti.
" Oo nga. Pero di ka din nagsabing bigla-bigla ka nalang dadating." Sabat ni Rehan. Maya-maya lang ay nagbibiroan na kami.
"Ito naman. May Nanay. Kasama nya anak nya sa isang Mall. Tapos sabi ng anak nya "wag kang bibitaw sa palda ko, ha?" Tumango lang ang bata. Tapos makalipas ng 2 hours lumapit sya sa guard. Tianong nya yong guard "Kuya, may nakita ka po bang batang may hawak ng palda?" Hahahahahaha! " Biglang tawa nito.
"Corny." Komento namin. Tumigil naman sya.
" Ito pa. Yung pusa naming si Kittens? Di nya ginagalaw yung ulam namin kahit nasa lamesa lang." Mayabang na saad nito.
" Talaga? " Puno ng pagkamanghang tanong ni Saira.
"Ano ba ulam nyo?" Tanong ni Ivy.
"Asin. Hahahaha!" Biglang tawa nito.
Medyo natawa lang ako. Hahaha!
"Tara na. May artclass pa tayo. Terrior teacher pa naman daw iyon." Saad ni Ivy. Nauna na syang magpaalam habang kami ay nandito pa sa Canteen. Pagtapos namin magligpit ay dumiretso na kami agad sa Classroom namin. Maya-maya lang ay dumating na ang terrior teacher na sinasabi nila.
"Good morning." Parang maamong saad nito.
" Good morning, sir!" Sabay-sabay na sagot namin.
" Ikaw!" Nakangiting tinuro ni Sir si Saira.
" Yes, po sir?" Maamong tumayo si Saira.
" Bago ka?"
"Opo!" Masayang saad ni Saira. Sinenyasan na syang umupo ni Sir na masigla naman nyang sinunod. Maya-maya ay nagpagawa na sya. Paglipas ng ilang minuto ay isa-isa nyang tiningnan ang mga gawa namin. Bigla syang napahinto sa gawa ni Saira.
"Ito ba ang tinatawag mong art?!" Mabangis na saad nito. " Ano bang klaseng art yan?! Sino ba yan?!" Inis na sigaw ni Sir kay Saira.
" Kayo po yan, Sir." Inosenteng saad ni Saira. Lahat naman kami ay nagpipigil ng tawa. Inis na tumingin samin si Sir at walang sabi-sabing lumabas ng classrome. Doon namin pinakawalan ang matindi naming tawa. Maya-maya ay biglang nagsasagutan nanaman sila Kuya at Thalia.
"What is your problem ba kasi?! I don't understand you anymore! The problem to you is hindi ka makaintindi!" Sigaw ni Thalia.
" Sbaiahaioshrehsjveyu!" Sigaw ni Kuya na ipinagtaka naming lahat.
"What?" Natutulirong saad ni Thalia.
"Ngayon! Sino hindi makaintindi?!" Inis na sigaw ni Kuya. Natawa naman kaming lahat.
"What do you want? Sabihin kong " I'll be gentle"? Like what the f**k, Kalen. Your moves is unbelievable now. Even my smartest cell can't understand you!"
" Tanga ka talaga, ehh nohh? Edi wag mong intindihin! Alam mong niloloko ka na! Iniintindi mo pa! Hirap sa inyong mga babae, ang hilig nyong kumapit! Kahit yung kinakapitan nyo, matagal nang bumitaw! "
" Ehh, ano naman? Ang hirap sa inyong mga lalaki, kahit na merong namang babaeng laging nasa tabi nyo! Naghahanap parin kayo ng babaeng alam nyong iiwanan din naman kayo! Sinong mas tanga? Kaming mga babae o lalaki?!" Di ko alam kung bakit di makapagsalita si Kuya. Biglang nagliwanag ang muhka nya at napahawak sa bibig nya.
"Guys!" Baling nya saamin. "Si Thalia! Nag-straight tagalog!" Saad nito at pumalakpak pang parang bata. Natawa naman kami kasi di nya pinansin yung sinabi ni Thalia, mas iniintindi nya pa yung pag-straight ng balikong dila ni Thalia.
"Oyy, congrats! Tangina, wag na tayong mag-away. Di ko ipaglalaban side ng mga lalaki, noh. Babae ako, remember?" Tanong nito habang nakaturo pa sa sarili nya. Natawa naman kami lalo.
Kaya pala! Hahaha!
Maya-maya lang ay ok na ang dalawa. Ganyan naman sila palagi. Nag-aaway sa maliit na paraan at bigla-bigla nalang magbabati.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISMISSAL
Ngayon ay pauwi na kami. Medyo madilim na dahil alas-sais ang uwian naming lahat. Kahit ang mga secondary ay ganon ang labas.
"Ano kayang ulam sa bahay? Gusto na ako." Saad ni Rehan habang hinihimas ang tyan nya.
"Sandali!" Sigaw galing sa likod namin. Napatigil kami lahat at sabay-sabay kaming lumingon doon. Si Vincent. Naglakad sya papalapit at biglang tumungo.
"Im sorry! Sorry kasi hindi maganda ang pagka-approach ko sainyo." Saad nito habang nakatungo parin. Lumapit ako at itinayo ang ulo nya.
"Ok lang yon. Wag mo nalang uulitin." Nakangiting saad ko.
" Salamat. Ang bait nyo." Saad nito habang nakangiti at tiningnan kami isa-isa. "Gusto ko sumali sa inyo. May kasama pa akong tatlong babae. Juniors natin yung dalawa at isa sa classmates natin yung isa." Saad nito.
" Nasan na sila?" Tanong ko. Nagpalinga-linga naman sya.
"Ayon!" Turo nya sa tatlong babaeng naglalakad kasunod ang mga pinsan ko. Nakamasid lang kami sa kanila hanggang sa makalapit na silang lahat sa amin.
"Kasama nyo?" Tanong ko sa mga pinsan ko. Tumango lang sila.
"Kasali din po ba sila Kenji sa Paranormal Club?" Tanong ng isang babae. Tumango lang ako.
"Hi, di ako nakapagpakilala ng pormal. Ako nga pala si Sandy Kortez." Saad nito at inabot ang kamay sa akin.
"Keira." Pormal kong saad at nakipagkamay sa kanya.
"Ako naman po si Mia."
"Ako si Mika."
" At kambal po kami!" Sabay-sabay nilang sagot.
" Ayy, taray. Kailangan sabay, para may buhay? Ano pa? Gulay? Sinabawang gulay para sa masaganang pamumuhay?" Pilosopng saad ni Kuya. Tinawanan lang namin sya. " Sige! Pagtulungan nyoko! Dyan naman kayo magaling ehh!" Madrama nitong saad. Naglakad na ito at dali-dali naming sinundan.
"Taguro mag-usap tayo!" Pagsakay ni Treyton sa trip ni Kuya.
" Mag-usap? Tingin mo ba, sa nakita ko, kakausapin pa kita?" Madrama nitong saad.
"H-hindi ko alam! Hindi ko sinasadya! M-may pinainum sya sakin!" Mala Deib Lohr na arte ni Trey.
" Hindi mo alam? Habang ginagawa nyo yon wala kang alam? Pero nung makita mo ako doon lang mo lang naramdaman?" Mala Maxpein na trip naman ni Kuya.
" B-babe... Pag-usapan naman natin tohh, ohh. Please."
" No. From now on, we're going to ignore each other. You and i doesn't exist!" Tumalikod si Kuya at animong niyakap ang sarili.
"Taguro naman..."
"No! My sister is not a pig!" Biglang sigaw nya.
" Tangina, nananahimik ako dito. Tapos bigla nyoko dadamay? Lakas din ng apog nyo, nohh?" Sakrastikong saad ko.
" w*****d pa!"
"Ahh!" Sigaw naming walo. Gulat naman kaming napatingin kay Ivy.
"Ano ba, Ivy? Lagi ka nalang nanggugulat." Mataray na saad ni Kuya at inismiran si Ivy.
"Masasanay din kayo." Nakangiting saad nito.
" Ahm... Sinong kausap nyo?" Lahat kami napalingon sa mga kasama namin.
"Si Ivy. Ito--- asan na yon?" Tanong ko habang nagpalinga-linga.
" Kaya bagay talaga sa inyo ang paranormal club. Para kayong mga abnormal." Sabat ni Vincent.
" Anong sabi mo?" Saad ni Trey habang sila Bryan at Rehan naman ay inaawat sya. Bigla itong tumigil at ngumiti.
"Hehe. Nakalimutan kong sumali ka na pala kaya abnormal ka narin"
" Aba't!" Saad ni Vincent.
" Umuwi na nga tayo! Mg! Para akong lalagnatin! It's so gnet!" Sigaw nito habang naglalakad kami papalabas ng Campus.
"Una na kami! Nandito na service namin!" Sigaw ng kambal na babae. Kumaway lang kami. Naiwan naman kaming sampu doon. Inaantay lang namin ang sundo namin. Nagpalinga-linga ako at bigla akong napahinto ng tingin sa may kalsada.
Iyon yung nakita ko sa panaginip ko! P-pero bakit? Anong meron sa school na to?
--- To Be Continued ---