Chapter 6:
White Ladies 5
- Keira's POV -
Nakauwi na kami ngayon pero naglalayag parin ang isip ko. Tingin ko ay nandoon parin sa school ang isip ko. Iniisip ko kasi yung kalsada doon.
Ano bang meron doon at may napanaginipan akong ganong nakakatakot? Bakit parang may pinapahiwatig ang panaginip na yon? Bakit ako?
"Hoy, puta! Kakain na nga ehh!" Sigaw bigla ni Kuya, halos mapatalon naman ako sa gulat. "Ano bang iniisip mo, ha? Iniisip mo si Papa Vincent nohh?!" May mapanuksong tingin ito habang sinasabi nya iyon. "Wag kang mag-alala, bet ko din sya. Pero wag mokong lamangan, mas maganda ako sayo." Mataray nitong saad saka iniwan ako sa sala. Naiiling naman akong sumunod sa kanya.
"Ano ba yan, Keira. Kanina ka pa namin tinatawag. Kung di ka pa nilapitan ng kuya mo, di ka pa tatayo don. Ano bang nangyayari sayo?" Pang-sesermon ni Bryan.
"Iniisip nya kasi si Papa Vincent." Mayabang na saad ng Kuya nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Sino si Vincent?" Tanong ni Tito.
"Yung Gwapong papa po yun, Uncle. Classmate namin at kasali din po sa Club namin." Animong kinikilig na saad nito.
Ang harot talaga ng baklang to!
"Wag muna kayong pumasok sa pag-ibig pag-ibig na yan. Baka masaktan lang kayo." Paalala ni Tito.
" Di po kami papasok, tito." Saad ni kuya. "Mag-iinvest nalang po kami. Para sure po kami sa future namin! Hahaha!" Biro nito sabay tawa. Wala namang tumawa doon kaya unti-unti syang tumigil at biglang tumikim.
"Kumain na nga tayo. Ang dami nyong kalokohan. Baka mamaya bigla akong mapatawag ng Dean's office." Saad ni tito habang naghahanda na sa pagkain. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos kami. Natigil ang katahimikan sa buong sala ng biglang nagsalita si Kuya.
"Mahal." Malambing nitong tono. "May taning na ang buhay ko. Yakapin mo naman ako kahit sa huling pagkakataon." May malungkot na saad ni Kuya.
" Tumigil ka nga! Maaga pa ang gising ko kinabukasan. Buti ka pa di nagigising ng maaga." Pag-sabay sa trip ni Treyton sa trip ni Kuya. Napahagikgik naman ang dalawa.
"Saira, may sampung butiki. Tumalon yung isa, ilan ang natira?" Tanong ni Trey.
"Wala. Kasi pumalakpak yung siyam kaya nahulog din sila." Proud na sagot ni Saira. Napangiwi naman kaming lahat.
"My gawd! Di ko alam kung may i-h-high quality pa utak mo, sis." Napapailing na saad ni Kuya.
" Antok lang yan. Tara na nga. Matulog na tayong lahat. Maaga pa tayo bukas." Yaya ni Bryan. Dahil lutang ako, ako ang pinakahuling maglakad sa kanila.
"May problema ba?" Biglang tanong ni Bryan habang nasa huli kami.
"Wala naman. May iniisip lang ako."
"Ano naman? May nagpaparamdam ba sayo?" Tanong nito sa akin.
"Wala. Pero may babae akong napanaginipan." Saad ko.
"Ano ba napanaginipan mo?"
"Napanaginipan kong ginilitan nya ako ng ulo." Sagot ko at nanlaki nama ang mga mata nya.
"Kapag ganyan, minsan parang may pinapahiwatig yan. Kaya kailangan mong mag-ingat. Alam kong wala kang alam sa mga paranormal activity na yan, kaya kung may maramdaman kang kakaiba, sabihin mo sakin." Saad nito, hinawakan pa nya ang balikat ko at tinapik.
"Matulog na kayo! Naglalandian pa kayong dalawa dywan!" Sigaw ni Kuya. Tumingin ito sa amin na parang nag-uusisa at nandidiri.
"Grabe ka?! Kelan mo ba titigilan ang asawa ko, Nicole?! Diba, sinabi ko nang, akin lang ang asawa ko! Nicole, walang sayo! Akin lang ang asawa ko!" Mala Angel Locsin nitong arte.
"Hoy, Kuya iba na ata yan ehh."
"Ayy? Iba na ba yon? Sorry." Saad nito at kumaway sabay pasok sa kwarto nila.
"Pahiya kunti, bukas bawi!" Sigaw ni Trey habang tumatawa-tawa pa.
"Bwesit ka, Treyton!" Sigaw ni Kuya loob ng kwarto, natawa naman ako.
"May nararamdaman ba kayong kakaiba?" Biglang tanong ko. Taka naman silang tumingin sa akin.
"Bakit? May masakit ba sayo?" Tanong ni Saira.
"Magsabi ka kung may masakit sayo." Paalala ni Niki saakin habang nakatingin ng may pag-aalala. Napabuntong-hininga naman ako.
Hindi nila ako maintindihan. Bakit kasi ako pa ang nanaginip non. Pwede namang si Bryan kasi sya yung may alam sa mga kababalaghan. Hayts.
Napabuntong-hininga ulit ako at nahiga nalang. Paglipas ng ilang oras ay nakatulog na ako.
"Keira!" Tawag sa akin sa kung saan. Bigla akong napadilat. Nagpalinga-linga ako at nakita kong tulog na silang lahat.
"Keira! Tulungan mo kami!" Sigaw nito. Tumayo ako para tignan kung sino iyon.
"Hello?" Tawag ko. Parang may dumaan naman sa gilid ko kaya napalingon ako doon. Naglakad ako doon at sinundan ang aninong nakita ko. Sobrang dilim ng bahaging iyon kaya hindi ko nakitang may guho pala doon.
"Ahh!" Sigaw ko sabay pa balikwas ng upo. Napatingin ako sa paligid ko habang naghahabol ng hininga. Bigla akong nagtaka.
Nasaan na ang mga kasama ko?
Nagpalinga-linga ako habang unti-unti na akong nakabawi sa paghahabol ko ng hininga. Tumayo ako at tumingin sa sahig para mag-suot ng tyinelas. Sa sobrang dilim ay di ko maaninag ang sahig.
Nang masuot ko na ang tyinelas ay saka lang ako nag-angat ng tingin. Napaigtad ako sa kinatatayuan ko ng bigla kong makita ang babaeng nakatalikod sakin.
"Niki?" Unti-unti itong humarap at bigla akong binalot ng kaba. Bigla itong tumayo at patakbong lumapit sa akin. Mabilis akong humakbang at tinakbo ang pagitan ng pintuan. Hinawakan ko ang silinyador at nagulat ako ng hindi ko mabuksan.
"Guys! Tulong! Bryan! Nandito yung babae!" Sigaw ko habang nakaharap sa nakasarang pinto. Tapos ay humarap ako sa babaeng nakatayo lang sa harap ko.
"Ahh!" Sigaw ko ng bigla nya akong saksakin ng hawak nyang kutsilyo.
"Ahhh!" Sigaw ko ulit at napabalikwas ng tayo. Habol hininga naman akong nagpalinga-linga. Nandon na sila.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Niki.
" Ow God! Are you have a bangungot? Omg!" Saad nito at napahawak pa sa bibig nya.
"Alas sais na pala. Tara na tayo na tayo. Ikaw naman, Keira. Kung masama ang pakiramdam mo, wag ka nalang munang pumasok."
" Hindi. Papasok ako. Nanaginip lang naman ako. Hindi naman ako nilagnat." Nakangiti kong saad.
" Are you sure? Kaya mo ba talaga?" Tanong ni Saira. Tumango lang ako.
--- To Be Continued ---