Chapter 7:
White Ladies 6
- Someone's POV -
"Hindi tayo tutulungan hanggat di ka tumitigil!" Inis kong sigaw sa kaibigan ko.
" Ano ka ba naman. Bakit hindi ka nalang magenjoy?"
" Gusto mo nang matahimik, diba? Bakit nambubulabog ka ng mga buhay?!" Sigaw ko ulit. Natayo lang sya sa harap ko at nagulat ng bigla syang magtaas ng paningin.
"Yung Kuya nya! Nakita nya ako dati! Baka... Baka makausap ko na sya!" Saad nito at dali-dali naglaho. Iiling naman akong sumunod. Nagulat ako sa bilis kumilos ng kaibigan ko.
Parang tatakotin nanaman ata nya ang baklang iyon.
Maya-maya lang ay bigla itong dumungaw sa bintana tapos doon na lumabas ang kaibigan nya. Natawa sya ng makitang hindi sya pinansin ng bakla at sinaraduhan pa sya ng bintana.
"Bastos ng baklang yon, ahh?" Napapahiyang saad ng kaibigan nya.
"Ano? Di ka pa rin titigil?" Natatawa kong tanong. Bumuntong-hininga naman sya.
- Keira's POV -
Naghahanda na kami ngayon para sa pagpasok. Alas-syete ang pasok namin at alas-sais ng gabi ang uwi namin. Ngayon ay nag-aalmusal na kami.
"Ayosin nyo pag-aaral nyo, ha?" Paalala ni tito. Sabay-sabay naman kaming tumango habang nakangiti.
"Naku, uncle... Sulit po kayo sa baklang to... Di lang to beauty, may brain din. Di katulad ni Saira, beauty lang meron." Pang-aasar nito kay Saira at ngumisi. Napasimangot naman si Saira pero hindi na kumibo.
"Sige na. Nauna na kayo dahil baka mahuli na kayo." Saad ni tito.
" Sige po!" Sagot namin at saka nagmano sa kanya bago lumabas ng bahay kung saan naghihintay ang maghahatid sa amin. Tahimik naman ang lahat ng biglang magsigawan sila Kuya at Thalia.
"Aww, really?!" Sigaw nito at hinampas si Kuya. Gulat namang tumingin si Kuya sa kanya.
"Nakakarami ka na, ha?" Pikong saad ni Kuya.
" Why you? Di your always away-away me?" Pabalang na saad ni Thalia at hinampas nanaman si Kuya.
"Sakitan pala ha!" Sigaw nito. "Take this, and that, and these, and those! Tangina mo napapaenglish ako sa galit!" Sigaw ni kuya habang nagpupumiglas sa kamay nila Treyton at Rehan.
"Ano ba? Thalia, Kalen. Wag nga kayong parang batang laging nag-aaway. Grow up! Hindi na bagay!" Sigaw ni Rehan. Napatahimik naman sila.
Ayan! Nasigawan tuloy kayo ni Mr. Snob.
"Tama na, ha? Baka sa simbahan ang punta nyo" saad ni Rehan.
" Hindi ako papatol sa babaeng yan! Kaya walang magaganap na kasalan!" Sigaw ni Kuya.
" Tsk! Lamayan ang ibig kong sabihin, hindi kasalan!" Sigaw ulit ni Rehan. Natahimik na sila ng huminto ang sasakyan.
"Oyy! Paranormal Club!" Sigaw sa kung saan. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong si Vincent pala ang may sabi non. "Kumusta?" Tanong nito ulit. Sabay akbay kay Treyton.
"Close na kayo agad?" Tanong ni Niki. Tumango naman ang dalawang loko.
"Ate!" Tawag samin ng kambal na babae. Kasama nila si Sandy. "Oyy, Kendric, Kenji sabay-sabay na tayo." Yaya nito sa mga pinsan ko.
" Sige ba!" Pagtanggap nila sa paayaya ng kambal. Maglalakad na sana kaming lahat ng bigla kaming napahinto dahil sa babaeng nakaputi sa harap namin. Nakangisi sya.
"Tulong. Mamaya... Kailangan ko kayo..." Mahinahon nito saad. Naglakad naman ako papunta sa kinaroroonan ni Bryan.
"Bryan. Sya yung babaeng sinasabi ko sayo." Bulong ko sa kanya, dahilan para manlaki ang mga mata nya. "Napanaginipan ko din sya kagabi." Saad ko. Hinawakan naman nya ang kamay ko.
"Wag kang mag-alala. Pupunta tayo dito mamayang gabi at hindi kita papabayaan. Ok?" Saad nya sabay ngiti. Tumango lang ako.
"T-tara na." Yaya ko sa kanilang lahat.
" P-pupunta kayo?" Biglang tanong ni Vincent.
"Pupunta kami. Tingin ko kaluluwa iyon na hindi matahimik." Seryosong saad ni Bryan habang hindi parin binibitawan ang kamay ko.
- Narrator's POV -
Wala sa sarili si Keira buong klase. Naglalayag iyon dahil sa nakakabigla nilang engwentro sa isang ligaw na kaluluwa. Ngayon ay hinihintay nalang nilang magdilim para makausap na nila ang mga kaluluwang nanghihingi ng tulong sa kanila.
"Nasaan na kayo? Nandito na kami! Nasan na kayo, lumalalim na ang gabi!" Pag-rap ni Vincent sa huling pangungusap na sinabi nya.
"Tumigil ka nga Vincent. Baka bigla---"
" Shhh!" Biglang pag-papatahimik ni Bryan dahil parang may naririnig sya. Maya-maya lang ay biglang humangin ng pagkalakas-lakas at parang may tumatawa sa paligid nila. Lahat sila ay nagpalinga-linga pero walang takot na makikita sa kanilang walo maliban sa mga bago nilang miyembro.
"Magpakita na kayo samin, please!" Paki-usap ni Kuya. Habang nakakunot ang mata at kaunti lang ang nakikita nya.
"Hi!" Sigaw galing sa likod nila at napatalon silang lahat. Kasabay ng paghinto ng malakas na hangin ang sigaw nila na iyon.
"Ivy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Keira. Nginitian lang sya ni Ivy.
"Nandito ako para manghingi ng tulong. Gusto naming matahimik na kami. Gusto naming makausap ang mga pamilya naming di parin natatanggap ang biglaan naming pagkawala." Malungkot na saad ni Ivy habang sa lupa nakatingin.
"Kayo? Sinong kayo?" Tanong ni Rehan.
"Kasama ako!" Tinig na galing pa sa isang babae. Halos mapatalon naman silang lahat sa gulat.
"Y-you mean Ivy? Patay ka na?" Tanong ni Saira. "Pero bakit ka namin nakikita. Wala naman kaming Third Eye." Takang tanong ni Saira.
" Ano?" Tanong ni Ivy. Nagtaka din sya.
" Ibig sabihin... Nabukas ni Ivy ang third eye nyo!" Sigaw ng babaeng kaibigan ni Ivy.
" Sino ka ba ha? Bakit nakikisabat kang bruha ka? Kausap ka ba namin?!" Masungit na saad ni Kalen habang dinuduro-duro pa ang babae.
"Ako si Justine. Magkaklase kami ni Ivy dati. Kaso may mga kaklase kaming loko-loko at aksidente kaming napatay." Mahinahong saad ni Justine.
" Ano bang magagawa namin?" Tanong ni Keira.
" Gusto lang namin makausap ang pamilya namin. Nandito parin sila sa Santa Fe. Ibibigay ko ang address." Sagot ni Justine.
" Why did you takot the siblings, Justine?" Tanong ni Thalia.
" Because that's my paraan to say sakanilang i need help. Pero di lang nila ako ni-noticed, im so tampo sainyo Tuckers siblings." Panggagaya nya kay Thalia. Natawanan naman ang lahat.
"Wahhh!! Hahahah! Kuhang-kuha ni Justine yung salita ni Thalia. Hahahaha!" Tatawa-tawa saad ni Rehan.
" Hahahaha! Thalia version 2.0! Hahaha!" Komento naman ni Treyton. Hanggang sa mawala na ang pagtawa nila ay naglakad na sila Ivy at Justine kaya dali-daling sinundan sila ng Paranormal Club.
"Dito kami noon namatay." Sisinghot-singhot na saad ni Justine. Halatang naluluha na.
"Ano ba ang nangyari para mamatay kayo?" Tanong ni Niki. Nagkatinginan lang ang dalawa bago magkwento.
- Flashback -
Bagong lipat noon sila Ivy sa Santa Fe dahil doon na binalak ng ina nyang magnegosyo. Si Justine naman ay bagong lipat rin pero late nang nakapag-enroll. Naging magkaibigan sila ni Ivy hanggang sa maraming estudyante na ang naiinggit sa kanila dahil masyado na silang successful.
"Our Second Honor. Justine Santos." Anunsyo ng emcee sa buong paaralan ng Santa Fe. Nakangiting umakyat si Justine sa stage.
"And for our First Honor. Ivy Lamayan." Anunsyo ilit ng emcee at nakangiti ding umakyat ng stage si Ivy. Kumuha sila ng pictures hanggang sa di na nila napansing gabi na. Sila nalang ang uuwi ngayon dahil pinauna na nila ang mga pamilya nila. Nasa taas sila ng building ngayon.
"Ang saya pala kapag nakagraduate ka no?" Saad ni Justine. "Salamat ha? Kung wala ka siguro, pariwara parin ako. Kung wala ka, siguro ay di ako nasa honor ngayon. Nagbago talaga ang bukay ko ng makilala kita. Kaya Ivy... Salamat talaga ng maramiiiii." Saad nya at yumakap sa kaibigan.
" Buti nga dumating ka din sa buhay ko ehh. Kasi siguradong malungkot ako. Matalino nga ako, wala namang gustong makipag-kaibigan sa akin dito" malungkot na saad ni Ivy. Nginitian lang sya ni Justine.
"Tama na nga ang drama. Baka masira pa ang make-up natin." Natatawang biro nya. Napahagikgik naman sila pareho.
"Muhkang ang saya nyo, ahh?" Tanong galing sa kilala na nilang boses. Kay Jewel.
"Ano nanamang kailangan mo?" Tanong ni Justine.
" Ang kailangan ko ay ang matahimik na kayo." Bigla itong sumugod sa kanila kasama ang mga alipores nito. Nakipagsabunotan sila, nakipagsapakan, nakipagsampalan. Hanggang sa di sinasadyang maitulak ni Jewel si Ivy sa gilid ng building.
"Ivy!" Sigaw nya at sinukang hawakan ang kamay ng kaibigan puro hindi nya nahawakan dahil nahulog na din sya. Hanggang sa nahulog na sila sa baba.
"Omg! Anong gagawin ko? Napatay ko sila! Huhuhu!" Iyak ni Jewel. Nakikita sya ngayon nila Ivy at Justine. "I'm sorry! Di ko naman kayo balak patayin eh! Huhuhu! Gusto ko lang naman kayobg awayin!" Sigaw ni Jewel habang nakahawak sa mga bangkay nila. " Im sorry! Patawarin nyoko! Di ko sinasadya! I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" Paulit-ulit na sigaw ni Jewel habang inaalos sya ng mga kaibigan nya. Maluha-luha namang tumingin ang magkaibigan sa mga katawan nila.
- End of Flashback -
"Ayon ang nangyari. Noong una di ko talaga mapatawad si Jewel kahit na anong gawin nya." Saad ni Justine. "Nakikita ko syang bumibisita sa puntod namin. Lagi syang nagdadasal. Nagdadala ng magaganda at mababangong bulaklak. Hanggang sa isang araw wala na akong galit na nararamdaman. Awa nalang dahil di parin nya napapatawad ang sarili nya." Mlungkot na dagdag nya. Nagkatinginan naman ang Paranormal Club.
"Alam mo ba kung saan na nakatira ngayon si Jewel?" Tanong ni Keira. Tumango lang si Justine. "Puntahan nyo sya bago kayo umalis. Puntahan nyo na ang pamilya nyo. Sa pamamagitan ng panaginip. Makakausap nyo sila. Parang yung panghihingi mo ng tulong sa akin, Justine." Dagdag pa nya pa. "Nanghihingi ka lang pala ng tulong pero lagi mokong sinasaksak sa panaginip ko." Natatawang saad ni Keira. Sinamaan naman sya ng tingin ni Ivy at nagpeace sign sya kay Keira.
"Sorry." Saad nya habang nakapeace sign at nakangiwi.
"Haha! Ayos lang!" Saad ni Keira.
"So... Pano? Aalis na kami?" Saad ni Ivy habang kumakamot pa sa ulo nya.
"Mag-iingat kayo, sis. Di namin kayo makakalimutan." Nakangiting saad ni Kalen. Ngitian lang sya ng magkaibigan. Inilahad ni Justine ang kamay nya sa kaibigan at masayang tinanggap ito ni Ivy. Kumaway sila paalis at saka sabay na naglaho. Nakangiti namang nagkatinginan lahat ng members ng Paranormal Club.
"Grabe! First mission natin accomplished agad!" Masayang saad ni Sandy.
"Akala ko gagamitin ko na yung natutunan kong kaunting black magic! Hahahaha!" Tawa ni Bryan. Nagtawanan naman silang lahat. Masayang naglakad silang lahat palabas ng campus at masayang naghiwa-hiwalay ng landas sa harap ng paaralan nila.
--- To Be Continued ---