Chapter 8:
Highlight 1
- Narrator's POV -
Ngayon ay nasa bahay nila Ivy ang dalawa. Nakatingin sila ngayon sa mga magulang ni Ivy habang mahimbing ang pagkakatulog. Halata sa muhkang ng ina ni Ivy na naghihinagpis parin ito dahil sa pagkawala nya.
Nagtingin naman muna sila bago dahan-dahang lumapit si Ivy sa mga magulang nya at hinawakan ang ulo nito. Biglang naging madilim ang buong paligid ng dalawang dalaga. Nababalot iyon ng sakit at pighati.
"Mommy..." Mahinang tawag ni Ivy sa ina nyang nakatalikod sa kanya at katabi ng ama nya. "Daddy..." Tawag nya sa ama nya at sabay na humarap ang mga magulang ni Ivy at naging madamdamin itong lumapit sa kanya.
"Anak..." Naluluhang saad ng ina ni Ivy sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Di na napigilan ni Ivy ang luha at hagulgol na gustong ko mawala sa kanya. Yumakap na din sa kanila ang ama nya. Napuno ng iyak at hagulgol nila ang buong paligid. Naiiyak parin na bumitaw sila sa pagkakayakap.
"Anak... I miss you..." Saad ng ina nya habang nakangiti at walang hinto ang pagpatak ng luha.
"Mommy, ako din po. Pero wag na po kayo malungkot. Ngayon na po ang araw na matatahimik na ako dahil alam ko pong nalulungkot kayo kasi di nyo manlang ako nakausap ng araw na yon."
" Ayos lang ako, anak. Nakausap na kita at nayakap ngayon. Magiging ok na po si Mommy."
" Anak, mag-iingat ka doon ha? Mag-isa ka nalang doon." Paalala ng daddy nya. "Pano mo nakaya? Mag-isa ka lang."
"Daddy. Kasama ko po si Justine..." Masayang saad nya.
"T-talaga? Nasan sya?" Tanong ng Mommy ni Ivy.
"Nandito po ako, tita." Sagot ni Justine galing sa likoran ng pamilya ng kaibigan nya. Dahan-dahan naman syang nilingon ng tatlo. Nakangiti syang sinenyasan ng mommy ni Ivy at nang makalapit nya ay niyakap sya ng mama ni Ivy.
"Salamat at kahit sa kabilang buhay, sinamahan mo parin ang best friend mo. Salamat kasi di mo sya iniwan. Salamat kasi kahit parehas kayong nawala, di mo parin sya pinabayaan. Ingatan nyo ang isa't isa, ha?" Saad ng Mommy ni Ivy. Nakangiti naman syang tumango.
"Salamat din po kasi naging mabait kayo sakin kahit sa kunting pagkakataon. Promise po di ko pababayaan ang kaibigan ko. Ganon naman po ang ginawa namin. Kaso di parin po nabasan ang pagiging pasaway ko. Hehehe" biro ni Justine habang humisinghot-singhot din.
"Mag-iingat kayo palagi, ha?" Tanong ng Daddy ni Ivy. Tumango naman sila pareho kahit na may luhang pumapatak sa mga mata nila.
"Aalis na po kami..." Paalam ni Ivy. Sabay na kumaway ang magkaibigan at saka umalis. Nakatayo ulit sila sa may bintana at nakamasid nanaman sa mga magulang ni Ivy.
Naluluhang tumingin si Ivy sa mga magulang nyang nagising na sa panaginip at magkayakap na umiyak. Niyakap sya ng kaibigan nya para aluin. Nang tumigil na si Ivy sa pag-iyak ay dumiretso na sila sa bahay nila Justine.
Pagdilat nila ng mata nila ay nandoon na sila sa kwarto ni Justine. Nandoon ang ina nya habang yakap ang damit nya habang mugto ang mata patunay na nakatulog ito dahil sa pag-iyak.
"Tsk! Kung kailan pa ako nawala saka pa sya naging ganyan." Puno ng sama ng loob na saad ni Justine habang unti-unting nahuhulog ang mga luha sa mata. "Nakakainis ka naman, Mommy, ehh. Puro ka kasi trabaho kaya ayan. Nawalan ka tuloy ng anak." Dagdag pa nya.
"Sige na..." Saad ni Ivy at nginitian si Justine. Maya-maya lang ay nandoon na sa harap nila ang tatlong kapatid ni Justine kasama ang mga magulang nya.
"Ahhhh!" Sigaw ng dalawa nyang kapatid. Dali-dali syang lumapit at binatokan ang mga kapatid nya.
"Para kayong mga bakla! Bakla ba kayo? Nakakita lang kayo ng multo natakot na kayo!" Sigaw nya sa mga kapatid nya.
"Ehh, ate... Kagaya nga ng sinabi mo, multo ka na. Natural lang na matakot kami." Sagot ng kapatid nya.
" Aba't... Magpapaalam na nga lang ako't lahat-lahat... Pinipilosopo mo pa ako? Gusto mong isama kita, ha?"
" Wag po, ate!!" Sigaw ng kapatid nya saka umiyak ng umiyak sa takot. Dahan-dahan naman syang humarap sa Mommy't Daddy nya. Dahan-dahan syang lumapit at yayakap sana pero bigla syang binatukan ng ama nya.
"Punyeta ka! Bakit ngayon ka lang?! Ang tagal ka namin hinintay!" Sigaw ng ama nya habang humahagolgol at niyakap sya ng mahigpit. Lalong tumulo ang luha nya. Binitawan na sya ng ama nya at humarap naman sya sa ina nya. Bigla syang binatukan nito.
"Ano bayan! Aalis na nga ako't lahat-lahat, binaba--- hop!" Bigla syang niyakap ng ina nya sabay hagulgol sa balikat nya.
"Bakit ngayon ka lang, ha? Nakakainis ka naman, ehh. Bakit ba kasi pinauna mo pa kaming umuwi? Sana nandito ka pa ngayon sa bahay kasama ang kaibigan mo!" Pang-sesermon sa kanya ng ina nya habang yakap sya.
"I'm sorry, Ma! I'm sorry!" Hagulgol nya. Umalis na ito sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang muhka nya ng ilang segundo bago nagsalita ulit.
" Nasaan na ang kaibigan mo? " Tanong ng ina nya.
"Nandoon po." Turo ni Justine kay Ivy na naluluhang nakatingin sa kanila.
"Wag nyong papabayaan ang isa't isa, ha? Babatukan ko kayo." Biro ng ina nya. Bahagya naman silang natawa.
"Totoo na talaga, tohh, ma. Wag ka nang umiyak, ha? Wag mong papabayaan ang sarili mo. Panoourin mo pang lumaki at magkapamilya ang mga kapatid ko. Mag-iingat kayo, ha? Mahal na mahal ko kayo." Madamdamin saad ni Justine.
"Mahal ka din namin." Saad ng ina nya at hinaplos ang buhok nya. Hinalikan sya ng ama nya sa noo at saka sila kumaway ni Ivy hanggang sa umalis na sila doon.
Maya-maya lang ay narating na nila ang bahay ni Jewel. Nandito si Jewel sa kwarto nya ngayon habang natutulog. Nagtangoan sila ni Ivy bago pumasok sa panaginip ni Jewel. Napangiwi sila pareho dahil kahit sa panaginip nito ay nanonood ito ng live teleserye.
"Ivy? Justine?" May takot na tanong ni Jewel.
" Kami nga..." Sagot ni Justine.
"Please... Isang taon na ang nakalipas... Patahimikin nyo na ako... Patawarin nyo na ako... Please. Di ko naman sinasadya yung nangyari. Patawarin nyo ko." Saad ni Jewel habang humahagolgol sa harap nila. Nagkatinginan ang magkaibigan at lumapit kay Jewel.
"Wag ka nang umiyak. Ok na kami. Magpapaalam lang kami sayo ngayon. Gusto lang namin sabihin na napatawad ka na namin." Saad ni Ivy habang nakangiti.
"Mag-iingat ka, ha? Baka ikaw na ang susunod saamin." Biro ni Justine. Napadaing naman si Jewel.
"Salamat. At napatawad nyo ko. Napakabait nyo talaga." Nakangiting saad ni Jewel.
" Ngayon mabait na kami. Tapos dati kontrabida kami." Biro ni Justine. Sinamaan naman sya ng tingin ni Ivy.
"Wag mo na syang pansinin. Ang importante, napatawad ka na namin." Saad ni Ivy at tumayo na.
"Paalam, Jewel. Mag-iingat ka. Salamat, ha? Kasi kung yung ibang tao pagnakapatay ng tao, tumatakbo agad. Ikaw kasi, di ka pa aalis don, kung di ka pa hinila ng alipores mong si Jona. Inuna mo parin manghingi ng tawad kesa iwan kami don. Kaya salamat." Saad ni Justine at hinaplos ang buhok ni Jewel. Dahan-dahang tumayo si Justine at kumaway kay Jewel tapos ay umalis kasama ni Ivy.
"Puntahan pa ba natin yung Paranormal Club?" Tanong nya sa kaibigan.
" Wala na tayong oras." Saad ni Ivy.
"Mag-iwan nalang tayo ng mensahi sa panaginip nila." Saad ni Justine habang nakatingin sa kaibigan.
"Tayo na?" Tanong ni Ivy at tumingin sa liwanag.
"Sige!" Sagot nya at sabay silang humakbang ni Ivy sa liwanag.
--- To Be Continued ---